Holdap

115 3 5
                                    


I am a stripper.

Yes, it's true.

Inaasahan ng mga tao na kung ano ang ikinaganda ng itsura ko ay siya rin namang ikagaganda ng choices ko sa buhay. Pero hindi gano'n, 'yon. Dati akong philosophy prof sa isang public university. Dahil kulang ang kinikita ko upang mabayaran ang utang ng mga kapatid ko sa isang bangko, nagbigay na rin ako ng tulong. At dahil doon ay natanggal na ako sa pagtuturo. Buti na lang at hindi ako tinanggalan ng lisensya, na-suspend lang.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ako sa pagiging stripper. Mas lumaki ang katawan ko at masasabi kong hindi ko rin pagsisisihan ang pagpasok ko rito. Bakit? Mababa ang 50 mil kada linggo. Kaya naman dalawang taon na ang nakalilipas, bayad na ang utang ng pamilya ko sa bangko, kasama ang interes!

Ano na lang ba ang kulang sa akin? Pag-ibig siguro. Marami na ang nakatikim sa katawan kong ito, oo. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, pero ito ang nais kong mangyari.

Ako nga pala si Aris. Aristoteles Policarpio kasi ang buo kong pangalan. Nanggaling ako sa pamilya ng mga edukado, kaya iyan ang pangalan ko. Gawa na rin siguro ng pagkahumaling ng mga magulang ko sa pilosopiya at panitikan ng mga Griyego. Kapatid ko ngang panganay ay Socrates naman ang pangalan, tapos ang ate ko naman ay Sappho - 'yung babaeng manunula. Pero siyang ikinatalino nilang lahat ay siya ring pagkabobo nila sa paghawak sa pera. Sa aming magkakapatid, ako lang ang nakapag-PhD. Hindi man kasi ako kasingtalino nila ay marunong naman akong dumiskarte sa pera. Sila kasi ay hindi marunong sa pananalapi; mga gastador at palabili ng librong itatambak lang naman sa mga kuwarto nila.

Napilitan akong mag-aral habang nagtatrabaho noon. Nariyan na 'yung nag-call center agent ako, naging writer sa isang publishing company na hanggang ngayon ay tinatanggap pa rin ang mga likha ko. Ngunit lahat ng iyon ay hindi sumapat. May nakakitang mamasang sa akin noon at napansin niya ang katawan ko noong sumayaw ako ng rumba kasama ang nobya ko noon. Ang daming nawala sa akin simula nang pasukin ko ang mundong ito. Pero masaya na rin ako at ganito ang trabaho ko.

Gabi na naman at puno na naman ng mga bakla at babaeng hayok sa laman ang strip club namin. Ako kasi ang main attraction mamaya. Kaya naman tanging t-back na leotards lang ang suot ko ngayon.

Nagsimula na ang palabas namin at nagsisilabasan na ang mga kasamahan kong nagsisigiling na. Tanging isang pirasong tela na lang at makikita na ang halang naming mga kaluluwa. Kung iisipin ay dapat naman talaga akong matuwa dahil sa naibigay nitong kasaganaan sa akin. Pero ano na lang ang mukhang ilalabas ko sa magiging forever ko kung ganito ang trabaho ko? Sana ay maunawain siya. Maaasahan niya naman na siya lang ang magiging laman ng puso ko.

Lumabas na ako kasabay ng dagundong ng stereo. Naghihiyawan na rin ang mga bading na nakahilera pa sa harapan ng pagkakalaki ko. Habang sumasayaw ay biglang may tumambad sa aking mga mata - isang matabang bading na nasa sulok. Mukhang tahimik lang siya at pinupuwersa pa ng mga kasama niya na pumunta sa harapan ko. Kaso mukhang ayaw niya yata. Hindi ko lang alam, pero agad niyang napukaw ang atensyon ko. Habang sumasayaw ako at itinatapat ang pagkalalaki ko sa mga halang ang kaluluwa ay siya namang tila pagbukas ng langit sa isang sulok na tila sasagip sa akin mula sa kadilimang ito.

Lumapit ako sa kaniya at napatakip na lang siya ng mukha niyang tila namumulang rosas sa gitna ng malawak na luntian. Ang sarap sa pakiramdam na ginagawa ko ito para sa kaniya.

"Kuya, tama na po." Ang tanging narinig ko mula sa kaniya.

Tumigil ako saglit at sinabing, "Sige, titigil na ako para sa 'yo."

Tumingala siya at nakita ko ang kainosentehan sa gitna ng makamundong pagnanasa. Bumalik na ako sa entablado at muling sumayaw. Nagsisiksik sila ng tig-iisang libo sa briefs ko. May isa namang naglagay ng sampung libo para lang madilaan ang utong ko. Wala naman akong magagawa dahil parokyano na ito rito.

Cut It ShortМесто, где живут истории. Откройте их для себя