Nakakatuwa lang talaga kapag tinamaan ka sa taong hindi mo inakalang mahal mo na pala sa matagal na panahon. Simple lang kasi ang nais niya: ang maging mabuti ang pakiramdam ko... sa piling niya.
May kaibigan kasi akong nagngangalang Jaime. Kadalasan ang tawag ko sa kaniya ay "Jai". Wala e, ang cute niyang bading. Oo, aaminin ko na. Siya lang ang bading na nakahimok sa puso kong madalas manloko ng mga babae.
Kausap ko ngayon ang ex-girlfriend ko na si Sandina. Sa totoo lang, siya lang ang nasasabihan ko ng nga sikreto ko. At komportable rin ako sa kaniya.
"Sandi, tama ba 'tong nararamdam ko?"
"Bakit, ano'ng problema?"
"Kasi I think I am falling in love with my... bestfriend."
"What? With Jaime?" Halatang gulat na gulat siya, pero biglang ngumiti.
"O, bakit ka biglang ngumiti riyan?"
"I have to confess something." Medyo nararamdaman ko na iba na ito.
"Ano 'yon?"
"Kasi... gumagawa ako ng gay fanfics."
"Tapos?"
"Kayo ni Jaime ang ginagamit ko! Gosh!" Tumili na lang siya nang pagkalakas-lakas!
"Ano? What the hell?"
"Pasensya na, pero naramdaman ko na noong may homosexual tendencies ka with him. You can't blame everybody, but you two can make a cute couple." Nakita ko na rin na luha sa mga mata niya. "I'm really happy that my fantasies would be a reality."
"Well, I didn't expect that. Pero what should I do? Nahihirapan kasi akong harapin siya kung minsan."
"Alam mo, stay as you are. Kasi alam mo si Jai, maraming may type sa kaniya kasi he's like a sun to everybody whom he knows."
"Tama ka nga. I love his smile, his everything."
"Kaya naman, kumalma ka lang."
"Oo na."
Pumasok na ako sa school at nakita ko na naman ang ngiti niyang walang kasingliwanag. Natatanaw ko na naman ang mga mata niyang nangungusap sa bawat kurap. At hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko.
"Oy! Tulala ka?"
Nawala na lang ako sa ulirat at nagising na lang sa katotohanan na kaharap ko siya ngayon.
"Ah... wala. Magandang umaga nga pala sa'yo."
"Salamat. Pero sandali lang, bakit ba parang umiiwas ka sa akin kamakailan lang? Naguguluhan na ako sa'yo, sa totoo lang."
"Pasensya na. Maraming kailangang gawin."
"Palusot.com ka na naman d'yan. May crush ka na naman, no?" Pang-aasar niya pa sa akin.
"Wala. Wala kaya."
"Oy, Javier Maria Regalado! Kilala kita kapag may bago ka na namang bibiktimahin."
"Parang tanga 'to! Wala nga!" Pagpupumilit niya pa.
"Sige na nga. Pero kung sinuman ang babaeng mapalad, tawagan mo na lang ako para tumulong."
Iyon ang pinakamasakit na bahagi ng kwento ko. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Sa labis na pagkakakilala niya sa akin ay alam na alam niya na bawat galaw ko. Pero kailan niya kaya makikita na sa kaniya ako nahuhulog?
Madaling lumipas ang panahon at palagi pa rin kaming magkasama na dalawa. At ngayon ay kasama namin si Sandina... na kanina pa hindi mapakali dahil magkasama kami ni Jaime ngayon.

YOU ARE READING
Cut It Short
General FictionI have decided to write some short stories to try my abilities to make my written ones short. Enjoy the story and be inspired.