Ang sarap sa pakiramdam na magmahal ka. Ngunit kapag nalaman mong hindi lang ikaw ang minamahal niya, hihintayin mo pa ba siyang bumalik sa iyo o ikaw na lang ang kusang lalayo upang hindi sila pigilan? Ikaw ba ang magwawagi o silang dalawa na tila pinagtulungan ka. Ito ang aking kuwento.
Nagsimula ang lahat ng pagbabago ni Fernando nang sa isang pagkakataon ay hindi siya umuwi sa bahay ng isang linggo. Sinabi niya na nagpunta lang siya sa probinsya nila. Ngunit hindi ko alam na may ginawa siyang mas kahindik-hindik pa sa inaakala ko.
"Fernando, kumusta ka naman ngayon?" Tanong ko sa kaniya habang hinuhubad ang sapatos niya.
"Masaya naman. Sa totoo lang, mukhang ma-po-promote na ako bilang manager ng bangko."
"Wow! Talaga?"
"Oo. Kaya naman mas gaganda na ang buhay nating dalawa, Eric." Naririnig ko ang pagkasabik sa tononng pananalita niya.
"Mabuti naman kung gano'n."
Hinalikan niya ako at naramdaman kong may kulang na. Hindi na siya ang dating Fernando na nakilala ko noon. Alam kong marami nang nagbago sa kaniya.
May isang araw na ipinakilala niya ako sa boss niya na si Carlos Torroja. Natutuwa naman ako dahil magiliw ito sa pakikipag-usap sa akin. Mukha namang mabuti siyang tao at walang gagawing kahindik-hindik.
"So how's Fernando inside the house?"
"He's fine. Pero pinagpapahinga ko na lang siya dahil madalas siyang pagod. Ako na lang ang nagluluto para sa pagkain naming dalawa."
"That's nice to know."
"Thanks."
"By the way, mukhang maayos itong bahay ninyong dalawa. Ano ang secret mo?"
"Naglilinis kaming dalawa kapag Linggo. Pero ngayon kasi, busy na siya kahitsa out of town trips niya, kaya naman ako na lang ang naglilinis."
"Nakakatuwa naman at ang sipag mo." Pagpuri niya sa akin.
Ayaw kong masira kay Fernando at lalo na sa boss niya. Kaya naman ipinagluto ko silang dalawa ng makakain. Sumabay na rin ako sa kanilang dalawa.
Maraming pagdududa ang pumasok sa isip ko dahil alam kong hindi lang ako ang nag-iisa sa puso niya.
Sa bawat araw na lumilipas ay pagabi nang pagabi ang pag-uwi niya sa bahay at hindi ko pa rin iyon pinansin.
Nagtungo kami sa kaarawan ng kaibigan naming si Alfredo. Marami ang dumating at marami rin akong nakilala. Hanggang sa nabawasan ang dami ng tao at iilan na lang kaming natira.
"Oo nga pala Fernando, ilang taon na nga pala kayong magkarelasyon ni Eric?" Tanong ni Olivia sa kaniya.
"I think, four."
"It's actually five."
Nagitla na lang ang lahat. Kaya naman parang inugat na lang si Fernando sa kinauupuan niya ngayon. At iniba ko na lang ang usapan.
"Naku! Nakakaloca lang ang latest sa Project Runway! Nakaka-excite ang mga pakulo nila ngayon!"
"Oo nga e! Gagawa ka ng gown out of recyclable materials. Tapos kapag nanalo sila sa challenge, may immunity para sa susunod na nomination."
Patuloy kong iniba ang usapan at napansin kong tahimik lang si Fernando. Hanggang sa umuwi na lang kaming dalawa.
"What was that, Fernando?"
"Ano 'yon?" Medyo galit siya.
"Hindi mo na nga naalala na anniversary natin two days ago, tapos pumalpak ka pa sa talk kanina!"
YOU ARE READING
Cut It Short
General FictionI have decided to write some short stories to try my abilities to make my written ones short. Enjoy the story and be inspired.