La amistad

89 1 2
                                    

Naramdaman mo na lang ba ang isang damdamin na hindi mo inakalang sa kaniya mo pa mararamdaman ang saya ngunit nabulag ka na pala ng matagal na panahon upang hindi ito makita? Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana kung minsan.

May mga oras na hinahanap ni Silvestre ang pag-ibig. Nakakailang relasyon na rin siya at nakakailang serye na ang pinagdaanan niya.

"Friend, naiiyak ka na naman d'yan! Parang tanga 'to." Pagpansin ni Ángel sa kaniya.

"Kasi naman, bakit ba nagawa pa akong lokohin ni Danna? Saan ba ako nagkamali?" Saad ni Silvestre sa tinig na puno ng kalungkutan.

"Ikaw naman kasi, e. Nawalan ka ng panahon sa kaniya."

"Ikinakasal na kami kanina sa simbahan at doon niya pa tatapusin ang relasyon naming dalawa? Ano na lang ang ihaharap kong mukha sa mga tao bukas?"

"Alam mo, wala ka namang ihaharap na mukha ng kahihiyan. Bakit, ang kahapon ba ay katulad pa rin ng kinabukasan, a, Vestre?"

Hindi na lang nakatingin si Silvestre kay Ángel dahil alam niyang tama ito.

"Alam mo, Silvestre, marami talaga ang dadaang sa buhay natin. Mayroong mananakit at mayroon namang bubuo ng magagandang ala-ala kasama ka. Ngunit tandaan mo rin na hindi rin tayo madaling makuntento kaya tayo padalos-dalos pagdating sa pag-ibig. Nagmamahal lang tayo kapag may kulang sa atin, at hindi kung kailan buo na tayo at handang magmahal."

Pinatahan na lang ni Ángel ang kaibigan at pinatigil na rin sa pag-inom ng alak. Napapaisip na lang siya sa mga nangyayari sa buhay niya, lalo na sa pagkakaroon ng mga kaibigang sawi sa pag-ibig. Siya man kasi ay nasawi na rin.

Ilang lalake na nga ba ang nanloko sa kaniya? Lampas na sa mga daliri niya. May nanggamit lang sa kaniya. Karamihan ay tila ginawa lang siyang bangko. May iba naman na muntikan na siyang ibenta sa mga banyaga upang gawing "mail-to-order husband". Sadyang malungkot din ang sinapit niya, kaya naman tinutulungan niya si Silvestre na makalimot.

Nakatulog na lang si Silvestre sa sofa at niligpit niya na lang ang mga kalat sa sala.

Sa tinagal-tagal ng panahon, isang lalaki lang ang nakapagpa-ibig sa kaniya -- si Silvestre. Ngunit alam niya ang kahihitnan kapag sinubukan niyang paibigin ito. At sa lahat ng karanasan niya sa pag-ibig, ito na ang pinakamasakit -- na maging kaibigan lang. Ngunit sa tingin niya, ito na ang pinakamainam na gawin.

Pumasok sa trabaho si Silvestre at ngumingiti sa kaniya ang mga kaibigan niya. Napansin niya na tila walang nagbago. Ngunit ang hindi niya alam ay inutusan sila ni Ángel na huwag nang balikan ang mga pangyayari sa kasalan.

"O, Vestre, kumusta ka naman ngayon?" Tanong ng namumuno sa kanilang set.

"Ayos lang po ako, direk."

"Mabuti naman, kung gayon."

"Salamat."

Aktor kasi siya. Kaya naman alam niya ang kahihiyang inabot niya. Ngunit kailangan niyang simulang magtrabaho para sa ikagaganda ng pakiramdam niya.

Si Ángel naman ay nasa trabaho na rin at naging bulungan agad ang kasalan nina Silvestre at Danna. Mas pinili niya na manahimik at hindi pakinggan ang mga posibleng dahilan umano ng paghihiwalay ng dalawa.

"Ante, kumusta naman si Silvestre ngayon?" Tanong ni Michelle na nag-aalala rin para kay Silvestre.

"Maayos naman siya ngayon. Napagsabihan ko na lang ang mga kaibigan niya na huwag nang pag-usapan pa ang nangyari."

"Mabuti naman kung gano'n."

Kahit si Ángel man ay nasasaktan para sa sinapit ng kaibigan. Tila karugtong na rin kasi ng bahay niya si Silvestre. Nagpatuloy na lang siya sa pagtuturo ng mga dapat gawin ng mga modelo.

Cut It ShortTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang