Papasikat pa lang ang araw. Nakikita kong nagbibihis ka na. Pinapagpag ang nagusot mong damit. Ngunit wala ka pang sagot sa tanong ko.
"Kaya mo ba akong mahalin at tanggapin?"
Sinubukan kong unti-unting tanggalin ang kumot, umaasang babalik ka sa tabi 'pag nakita mo ako. Sinubukan kong agawin ang atensyon mo mula sa pagkuha mo ng bag at pagsukbit. At wala pa rin akong nakuhang sagot.
Tumalikod na lang ako't niyakap ko ang sarili ko. Narito na naman ako sa kalawakan ng kama. Nangingiling sana'y may makasama ako sa tuwina. Sa 'di mapanitang pagkakataon, tumabi ka sa akin,
bumulong, "Oo, at uuwi ako mamayang gabi, mahal."
Nawala ang pangamba ko at hinalikan mo ako. Hinaplos at inamoy mo pa ang leeg ko, sabay halik ulit sa labi kong nangulila nang kaytagal. Lumabas ka at ngumiti sa akin. Ngunit, sa gulat ko, bumalik ka at humiga, sabay sinabi mo na lang bigla, "Wala nga palang pasok. Holiday."
![](https://img.wattpad.com/cover/75631972-288-k281141.jpg)
YOU ARE READING
Cut It Short
General FictionI have decided to write some short stories to try my abilities to make my written ones short. Enjoy the story and be inspired.