"Tulong. Tulong. Tulungan n'yo naman ako." 'Yan ang kaisa-isang hinihingi sa amin ng kaibigan namin na si Arco. Arcobaleno kasi ang buong pangalan niya. Italian word daw for "rainbow". Palaging naiuugnay siya sa anime na Hitman Reborn. Kahit kami noon ay nagulat nang malaman namin na 'yon ang pangalan niya. Hanggang sa natuklasan namin na Italian pala ang tatay niya at Filipino-Portuguese naman ang nanay niya. Kaya naman pala hindi siya mukhang Pinoy. Pero mas Pinoy pa siya sa amin kung minsan. Ang ganda pala ng meaning ng pangalan niya. Arcobaleno Amoretti -- "rainbow child of love."
Somehow his father predicted his son would be gay. Naming your son "Arcobaleno" seems to be suspicious. Pero bagay sa kaniya ang pangalan niya dahil masayahin siyang tao. Hindi nga siya nauubusan ng energy para lang sa aming mga kaibigan niya. Mahilig kasi siyang tumulong sa iba. Kaya naman napapansin ko kung minsan ay hindi na siya nagkakaroon ng time para sa sarili niya dahil ninanakaw na pala namin iyon nang hindi namin alam.
Anyway, this is my recount about him.
Naaalala ko pa no'ng una namin siyang makasama sa isang class. Walang kumakausap sa kaniya dahil nga ang akala ng lahat ay galing siya sa ibang bansa. Sino nga naman ba ang mag-aakalang marunong siyang managalog kung mukha siyang European? Wala.
First class namin noon ay Filipino at nagtitinginan na sa kaniya ang mga kaklase namin. Nagtatawanan pa ang iba, kahit ako rin naman. Alam kong judgmental ako. Pero sumobra ako, at ako rin ang napahiya sa bandang huli. Bakit?
Pinatayo siya ng prof namin.
"Mr Amoretti, do you speak English?" Tanong ng propesor naming kabado pa yata at namamawis na dahil mauubusan pa yata ng ingles.
"Yes, sir. And sir, classmates, don't worry. Marunong naman akong managalog. Kaya naman hinga-hinga na ng very light." He slightly chortled.
Parang dinaanan kami ng mga anghel nang bigla siyang magsalita ng Tagalog. Doon ko rin unang natuklasan na bading siya. Nanghinayang na lang ang mga babae. Wala na silang magagawa.
Lumipas pa ang mga oras at nilapitan na siya ng mga babae, at ibang lalake na rin. Natutuwa sila sa kaniya dahil nakaka-enjoy raw siyang kausap, sabi ng ibang babae naming classmates. Buti na lang at may mga kaibigan akong nakasama ko sa class. Sina Shirley, Juancho, Paco, Rosanna, Pablo, Maria, at iba pa.
Nakilala namin nang husto si Arco. Apat pala sila na magkakapatid. Pangatlo siya sa apat na anak at siya lang daw ang nag-iisang "Darna" ng pamilya nila. Tanggap naman daw siya ng pamilya niya kaya wala siyang naging problema sa pag-come out. Alam na raw pala ng mga kuya niya bago pa man siya umamin. At tanggap din siya ng mga ito.
Hanggang sa nakita ko na lang na mag-isa siya at doon ko na siya kinausap.
"Hello!"
"Hi! You must be Jose Valdez, right?"
"Yes, I'm Jose. By the way, hindi namin expected na marunong pa palang mag-Tagalog."
Natawa lang siya sa akin.
"Alam mo, pambente ka nang nagsasabi sa akin niya'n simula pa kanina. Ang dami ninyong nagulat. Pero hindi na bago 'yan sa akin."
"Anyway, kumusta ka naman ngayon?"
"I'm fine. Medyo nagugulahan nga lang ako kasi naging usap-usapan na pala ako sa buong campus. First day na first day, naririnig ko na naman ang pangalan ko."
"Bakit naman? Dahil parang galing ka sa Hitman Reborn?"
"As expected," he snickered a bit and said, "Believe me, I'm Italian-Filipino."

YOU ARE READING
Cut It Short
General FictionI have decided to write some short stories to try my abilities to make my written ones short. Enjoy the story and be inspired.