Ninais ko mang lumaya ay hindi konna magawa. Kinailangan kong isuko ang aking kaligayahan para lang sa kagustuhan ng aking mga magulang. Paano ko pang matatakasan ang masamang panaginip na ito? Mukhang mamimili na lang ako kung langit o impyerno ang patutunguhan ko. At ito ang aking kwento.
Naalala ko na lang ang aking nakaraan bago biglaang bumagsak ang negosyo ng aking mga magulang. 25 taong gulang na ako noon at may sarili na rin akong trabaho. Pang-apat at bunso ako sa magkakapatid. Isa rin akong bakla. Kasintahan ko'y walang kasingkisig at minahal niya ako. Ngunit isang kagimbal-gimbal na pagbagsak ang nangyari. Nalugi ang kompanya nina mama at papa. Ang naging solusyon nila ay ikasal ako sa kaibigan nilang negosyante na hiwalay na sa dati nitong asawa. Galing siya ng Inglatera at doon na ako ititira kapag naikasal na kaming dalawa. At doon na rin nagsimula ang mga pagbabagong hindi ko inasahan.
"Anak, patawarin mo kaming dalawa ng papa mo. Alam kong mali itong gagawin namin ngunit ito na lang ang nakikita naming solusyon."
"Alam ko po, mama. Hindi n'yo na po kailangang sabihin pa sa akin. Kung ito na lang ang magagawa ko para maisalba ang kompanya, gagawin ko."
Kinailangan ko pang makipaghiwalay kay Pablo bago maganap ang kasal na ito. Mahirap man ngunit kailangan kong kayanin. Sinapak niya pa ako noon dahil sa hakbang na nais kong gawin -- ang hiwalayan siya upang mawala ang sagabal sa planong ito ng mga magulang ko.
"Huwag mo namang gawin ito sa akin, Ignacio."
"Patawarin mo ako, Pablo. Pero ako na talaga ang pambayad-utang para maisalba ang kompanya. Alam kong mali ngunit ito na lang ang tulong na maibibigay ko sa mga magulang ko. Ito na lang ang tangi kong magagawa para sa kanila."
Iyon na rin ang huling beses na nakita ko siya -- ang mayumi niyang mukha at ang katawan niya na nagbibigay-init sa akin sa tuwing ako'y nilalamig.
Dumating na ang araw ng pamamanhikan at nakita ko na rim ang lalaking ikakasal sa akin. Siya si Charles Arlington. Nasa 55 taong gulang. Isang Briton at magandang lalake. Napakakisig at maganda ang pangangatawan. Nakaramdam na lang ako ng lungkot ngunit kailangan kong ipakita na masaya ako sa magaganap naming pag-iisang dibdib.
"So when would you want to get us married?" Narinig kong tanong niya. Napatingin na lang ako sa kaniya.
"As soon as possible, Charles." Sagot ni papa na mas lalong nagpalalim ng lungkot na naramdaman ko.
Sumapit na ang araw ng aking kasal kay Ginoong Arlington. Nandito kaming dalawa sa Emabahada ng Inglatera. Kaharap ko siya ngayon at nagkukunwari lamang akong masaya dahil sa loob-loob ko'y nais ko nang mamatay. Hawak-hawak niya ang kamay ko.
Hanggang sa...
"You are now husbands."
Hinagkan namin ang isa't isa. Matapos ang kasal ay isang salo-salo ang nangyari. Ilang mga saksi lamang sa kasal ang dumalo. Hindi malaki ang kasalan naming dalawa. Lahat sila'y maligaya. Sana'y gano'n din ang naramdaman ko noon.
Kinabukasan ay inimpake ko na ang mga gamit ko at naghihintay na si Charles sa baba. Magha-honeymoon kaming dalawa sa Chelsea kung saan nandoon ang mansyon niya. Sumakay na kami sa isang eroplano patungong Inglatera. At doon na rin pala ako titira.
"Honey, get ready for our honeymoon." Bulong niya sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot. Inakbayan niya ako at hinayaang makatulog sa kanyang bisig. Pakiramdam ko'y isang aso akong ipinamigay sa ibang amo. Alam ko na ang kahihintnan ng aking buhay roon.
Nang makababa kami sa Chelsea ay agad niya akong idiniretso niya sa kaniyang malaking mansyon. Nang makita ko ang bahay nagitla na lang ako sa aking kinatatayuan noon at tila wala akong kapangyarihang mabuhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/75631972-288-k281141.jpg)
YOU ARE READING
Cut It Short
General FictionI have decided to write some short stories to try my abilities to make my written ones short. Enjoy the story and be inspired.