Up: Mario Casas (as Simon Navarro)
Down: Kiko Estrada (as Marco de la Vega)
Update: The parts in Spanish are edited - from its grammar to its translation. Thanks to "theDOTAplayer143". Also, I want all of you to learn the things that I have learned - languages and stuff. I will make it sure that I will make translations for you, guys. Plus, don't be afraid to give suggestions and open a discussion with me. It can help me and others who will read my stories. Thanks again!
Maraming ala-ala ang nabuo nating dalawa. Marami ring nagdaan sa atin. Sa sobrang dami ay tila nasama na rin ako sa mga kinalimutan mo. At ito ang aking kwento.
Nagsimula na naman ang klase at nagagalak ako dahil ito na ang huling taon ko sa pag-aaral. Ngunit sino ba ang makapagsasabi sa mga maaaring mangyari sa akin sa loob ng isang taon? Wala.
"Hi!" Bati sa akin ng ka-chat ko sa Facebook. Simon ang pangalan niya.
"Hello! Kumusta ka naman ngayon, Marco?"
"Maayos naman, ikaw ba?"
"Gano'n din. Pero bukas kasi pasukan na."
"Hayaan mo. Magiging maayos din ang lahat para sa'yo bukas."
"Anyway, pwede na ba tayong nagkita?"
"Saan ka ba nag-aaral?"
"Sa San Beda."
"Wow! Sa CEU lang ako nag-aaral! What a coincidence."
"Oo nga! Kita tayo bukas?"
"Sige!"
Nasabik akong pumasok bigla dahil makikita ko na rin ang ka-chat ko ng halos walong buwan na. Naging magkaibigan kami online at may "mutual friend" kami -- ang kaibigan kong wala nang ginawa kundi ang mag-add ng mga gwapong gays, bisexuals, at kung ano pa man.
Inayos ko na ang mga dadalhin ko bukas dahil mukhang magiging maganda ang unang araw ko sa klase.
"Class dismissed!" Iyan agad ang sinabi ng prof ko nang wala na siyang maipagawa sa aming lahat. Ito na rin ang huling klase ko para sa araw na ito.
STAI LEGGENDO
Cut It Short
Narrativa generaleI have decided to write some short stories to try my abilities to make my written ones short. Enjoy the story and be inspired.