"Thanks, Big Bro."

137 5 4
                                    



Ano kaya ang pakiramdam ng taong nagmamahal mula sa malayo? Ano kaya ang pakiramdam ng magmahal sa taong alam mong hindi ka napapansin? At ito ang aking kwento.

Panibagong umaga na naman ang sumilay sa akin ngayon. Tiningnan ko agad ang cellphone ko dahil si Sebastian ang wallpaper nito. Nakakakilig. Nakakasabik. Nakakawala ng masamang pakiramdam.

"Lucas, anak, kain na tayo." Pag-imbita sa akin ni Mama.

"Tara na po."

Bumaba na kaming dalawa. At nakita ko na namang muli ang magandang ngiti ni Mama. Alam kong nahihirapan na siya sa akin dahil sa siya na rin ang umako ng responsibilidad na sana ay pinanindigan ng ama ko. Pero wala. Naanakan lang kasi si Mama ng isang sundalong Amerikano noon. Pakiramdam ko man ay isa akong pagkakamali, hindi naman ipinaramdam sa akin iyon ni Mama.

"Kumusta naman ang love life mo, anak?" Agad niyang tinanong sa akin.

"Mama naman. Crush pa lang naman!"

"Alam ko, anak. Pero sana naman ay magkaroon ka na ng boyfriend. Baka sakali lang hindi ka na sumimangot d'yan."

Ang thoughtful ni Mama. Nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Kaya naman ginagalingan ko ang pag-aaral ko para naman masuklian ko ang pagmamahal niya.

"Basta anak, anuman ang mangyari sa love life, susuportahan kita."

"Salamat po, Mama." At niyakap ko siya.

Naligo na ako agad matapos kong kumain at nagbihis at nag-ayos. Tapos na! Papasok na ako sa school.

Nagpaalam na ako kay Mama at hinalikan niya ako sa pisngi. Masaya akong naglalakad at tinitingnan ang paligid. Hanggang sa narating ko na ang eskwelahan. Nakita ko na lang ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko. Sebastian. Sebastian. Nasa gitna pa naman ako ng corridor at bigla-bigla ay dinumog na lang siya ng mga babae at bading. Napayuko na lang ako at pumasok na lang sa room. Swerte ko pa rin talaga dahil kaklase ko siya!

Pag-upo na pag-upo ko sa upuan ko ay agad akong nilapitan ni Alexis.

"Beh, ang sarap ni Seb! Pwede ko kaya siyang jowain?" Iyan na naman siya sa kakatihan niya.

"Baklita ka! Huwag magpakaputa para lang sa kaniya. Kaunting hiya naman."

"Bakla ka! Pa-virgin ka masyado. Babaeng Pilipina lang?" Pagbibiro niya pa sa akin.

"Bakit? Masama bang magbigay ng kahit kaunting respeto sa sarili?"

"Kaya naman pala kung maglaway ka pictures niya no'ng Lakan at Lakambini ay wagas. 'Wag ako, bakla."

"Hanggang doon lang naman ang lahat. Tandaan mo beh, bakla ako, tayong dalawa."

"I know, pero hindi ba tayo pwedeng mahalin?"

Iyan ang iniwang palaisipan sa akin ni Alexis. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Kahit si Mama kasi ay ganyan din ang sinasabi sa akin. May pag-asa pa naman ako dahil gwapo naman daw ako at matalino. Malamang ay may magkagusto rin daw sa akin. Pinalitan ko na lang agad ang wallpaper ng cellphone ng isang picture ng isang Pinoy na modelo.

Ang hopeless naman ng ganito. Ngunit pananatiliin ko na lang ang sarili ko sa aking lugar. Alam kong malabo talaga.

"Lucas." Untag ng isang boses galing sa likuran. At alam ko kung kanino ang boses na 'yon. Kay Sebastian.

Nilingon ko na lang ito at hinarap na parang walang nangyari.

"Magandang umaga. Ano nga pala 'yon?"

Cut It ShortHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin