Sa Dapitan

730 34 3
                                    

Sa loob ng madilim na kulangan sa Dapitan, walang nagsasalita, ang iba ay tulala at ang iba naman ay sinusubukang takpan ang sugat gamit ang maliliit na putol ng tela ng kanilang damit. Ang binatang si JR naman ay nagmumuni-muni dahil sa kalagayang kanilang nararanasan, na tulad ng mga baboy na naghihintay bitayin. Ang pagkakaiba lang ay sila'y hindi papatabain kundi pahihirapan. Ngunit mayroon pa siyang mas iniisip bukod sa pisikal na kalagayan nila, na iyon ay ang pagkatapos ng kanilang pisikal na kamatayan dahil naniniwala siyang siya'y hindi naging mabuting tao. Dahil siya ay isang sinungaling, matigas ang ulo, hindi masunurin sa magulang, mangangalunya,mayabang, hanggal, sakim, at sarili lang ang iniisip. Gusto niya ng kasagutan kung mayroon pa bang pag-asa. Hanggang sa nagsalita na ito.

"Mawalang galang na po, hindi po ba mangangaral kayo? Nasisiguro niyo po ba na kayo ay ligtas kapag napatay po kayo dito?"

Sinagot naman siya ni Onairos. "Oo mangangaral ako? Hindi ko lang alam kung ako ay maliligtas, walang nakaaalam kundi ang Diyos lang. Pero alam mo, halos buong buhay ko nagturo ako ng salita ng Diyos. May awa ang Diyos, sana maligtas ako;hindi ang katawan ko kundi ang kaluluwa ko. Alam mo kasi kapatid, hindi porket isa kang pari,pastor,o iba pang tawag ng mga tao sa mangangaral ay maliligtas kana. Ang kaligtasan ay walang kasiguraduhan, marahil masisiguro mo kung ang Diyos ang nagsabi na maliligtas ka.Sinasabi ng ibang relihiyon na kapag sumapi ka sa kanila ay maliligtas kana,ngunit hindi yun totoo.Kahit ako'y nag tuturo ng salita ng Diyos ay wala pa ding kasiguraduhan sa kaligtasan.Masisigurado mo lang na ikaw ay maliligtas kung ikaw ay nasa sukdulan na ng buhay mo o hangganan na,pag mamamatay kana.Dahil dun mo masisigurado kung ikaw ba'y sa Diyos nung nabubuhay kapa. Ang mahalaga ay ikaw ay mabuhay sa mga mabubuting gawa at salita."

"Bakit naman po? Hindi ko maintindihan." Sabi ni JR

"Ganto kasi ang sabi sa Filipos 3:13-14 sa biblia."

"Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus."

" Si San Pablo na mismo ang nag sabi niyan, apostol ng panginoon.Kahit si San Pablo ay hindi sinasabing siya ay sigurado na maliligtas.Eto pa ang isang talata sa biblia sa 1 Corinto 9:27,"

"Nguni't hinahampas ko ang aking katawan,at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil."

"Ganon ba iyon?" Tanong pa ni JR.

Tumugon naman uli si Onairos at sinabi. "Ang mga taong nag sasabi na nasisigurado na nila na sila'y maliligtas,silay mga palalo at mga sinungaling. Meron pa akong na basang ganto sa Mateo 23:2-3 Ganto ang sabi,"

"Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, Na
nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises.Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa."

Nagsalita naman si Gordon na parang alam niya ang mga sinasabi niya. "Meron kasing mga nangangaral nang salita ng Diyos na sinasabi nila ang utos ng Diyos at ibang dapat gawin upang maligtas ngunit ang kanilang sinasabi ay di naman nila ginagawa. Kaya dapat sundin ang mga sinasabi nila dahil tama naman yun,nakasulat yun sa biblia, pero huwag lang gagayahin ang kanilang ginagawa,sapagkat ang sinasabi nila ay di nila ginagawa.Tama ba?

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon