Mga Sagot at Payo

309 30 3
                                    

Nagtinginan ang lahat kay Albert na parang nagtatanong din nang tanong na itinatanong niya, na tanong mula pa sa sinaunang panahon. Nangangailangan ang tao ng sagot sa tanong, ngunit sa mga sagot nagmumula ang mga bagong tanong na parang walang katapusan. Ang sagot at tanong ay tulad ng isang barya. Ang tanong ay nasa kabilang harap at ang sagot ay nasa kabaligtarang harap. Ang tanong at sagot ay isinilang na magkasama, kaya't may sagot na sa bawat tanong. Kailangan lang isipin ang tanong at hanapin ang sagot. Tumindig si Onairos at matalinong sinagot ang tanong ni Albert.

"Alam mo kapatid, tanong ko din yan nung ako'y bata pa.Tinatanong ko dati ang sarili ko, kahit ang mga nangangaral, hindi nila na sagot. Pero dahil sa aking pag-aaral ng biblia, may nalaman ako. Eto ang sabit sa biblia, sa Awit 90:2 ;"

"Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios".

"Parang magulo po." Sabi ni JR.

"Ganto kasi ang sabi sa Roma 12:3 ganto ang sabi;"

"Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa".

"At sa Isaias 55:8;"

"Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon".

"Kaya huwag na nating isipin ang mga bagay na totoong matayog, dahil hindi rin natin maiintindihan. Dahil ang pag-iisip ng Diyos ay hindi natin pag-iisip. Kahit isipin pa ng pinaka matalinong tao sa buong mundo, hindi rin niya maiisip. Eto pa ang sabi sa Ecclesiastes 8:17,"

"Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman hindi rin niya masusumpungan."

"Kaya kung ang mga gawa ng Diyos ay di mo maiintindihan, ano pa't pinag mulan?" Sabi ni Onairos. Kaya wag na nating isipin talaga ang mga bagay na totoong mataas, kundi ang nararapat nating isipin. Mag-aral nalang tayo ng salita ng Diyos na dapat nating ginagawa ngayon." Sabi ni Gordon.

"Ang tinutukoy ba sa talatang na bangit ay tumutukoy sa tanong ng sayantipiko?" Tanong ni Edgar.

"Oo kapatid." Sagot ni Onairos.

"A ganun pala, pero saan kaya talaga galing ang Diyos?" Makulit na tanong ni JR.

" Kapatid, alam mo magkaiba ang salitang kung saan galing at kung saan nagmula.

Pero eto ang sabi sa Habakkuk 3:3,"

"Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan". Sagot ni Onairos.

"Pero saan nag mula?" Tanong ni Albert.

"Ang Diyos ay walang pinag-mulan dahil yun ang sabi sa Awit 90:2. At kung sasabihin ng Diyos ay hindi rin natin maiintindihan. Diba't hindi niyo nga malaman ang hiwaga ng kalawakan, ang eksaktong lawak nito, ni mabilang ang eksaktong bilang ng bituin. Kaya paano niyo pa maiintindihan ang pinagmulanng Diyos?" Sagot ni Onairos.

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon