Pumunta sa gitna ng lahat si Onairos at nagsimulang ikuwento ang kanilang nakaraan.
"1965 sa Manila. Isang malamig na umaga at unang araw ng pasukan sa paaralan ng Unibersidad ng Santo Tomas kung saan ako papunta. Nasa unang baitang palang ako ng kolehiyo kung kaya't hindi ko pa kabisado ang paaralan. Hinahanap ko palang ang aking silid sa unang pasukan at ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang una kong klase. Hindi ko mahanap ang aking silid kaya naglakad-lakad ako. Hanggang may nakita akong naglalakad na lalaking balisa at tingin nang tingin sa itaas ng pinto ng silid. Hindi nagtagal ay nagkasalubong kami. Tinanong ko siya kung alam ba niya kung saan ang silid bilang anim na pu't walo, at sinagot niya ako ng ganto "Magkaklase pala tayo, malas kasi hindi ko rin makita." Kaya ang sinabi ko nalang ay wag nalang kaming maghiwalay upang kapag nakita na namin, sabay na kaming makapasok. Makalipas ang anim na minuto ay nahanap na rin namin ang silid. Pag pasok namin sa silid, nakita naming na nakatalikod ang lalaking professor at nakaharap sa pisara, nagsusulat ng kanyang pangalan at halos lahat ng aming kaklase ay nakatingin sa amin. Ang tahimik ng klase at tanging tunog lang nang nakikiskis na chalk sa black board ang nadidinig sa buong silid.
Hindi pa kami naglalakad papunta sa upuan ay lumingon na nga professor. Binulyawan kaming dalawa, at tinanong kami kung ano ang pangalan namin. Ako ang unang nagsalita. "Onairos po professor." , at pag tapos ay ang kasama ko. "Kifle po professor." 'Yun ang unang beses na nakita at nalaman ko ang pangalan ni Kifle. "O siya, dahil huli kayo sa klase ko, sa hulihan kayo umupong dalawa!" Galit na sabi ng galit na professor. Naging magkatabi kami ni Kifle sa buong taon at kami na ang laging magkasama. Lagi kaming nagtutulungan ni Kifle at ang hilig naming pag-usapan ay ang mga ispiritwal na bagay. Kapag wala kaming magawa, nagbabasa kami ng biblia.Dumating na nga ang araw ng pagtatapos ng kolehiyo at natapos ko na ring basahin ang buong biblia. Nang matapos na ang pagtatapos, tinanong niya ako na kung ano ang gagawin ko ngayong tapos na kami sa pag-aaral. "Magiging mersinaryo at magtuturo ng salita ng Diyos." sagot ko, at ibinalik ko rin ang tanong. "Magiging pari ako Onairos." sagot ni Kifle at sabay ngiti. Pagkatapos nang araw na 'yon, nag-umpisa na ako. Nagtrabaho ako ng iba't ibang trabaho at pagkatapos ng aking trabaho ay nagpakain, painom, nagbigay ng damit, at nagturo ako ng salita ng Diyos. Kung minsan, natutulog ako katabi nila sa kalsada.
Hindi ko na rin nakikita si Kifle simula nang mga araw na 'yon. Nagpatuloy ako sa aking misyon. Dalawang taon nakalipas, ang itsura ko ay wala nang pinagkaiba sa mga pinapakain ko at binusog ng salita ng Diyos. Isang gabi habang naglalakad ako, may natanaw ako sa malayo na maliwanag. Isang sambahan at pumunta ako roon. Naglakad ako nang mabagal. Sa labas ng no'n ay may nakita akong umpukan ng mga taong nagsisigarilyo. Habang papalapit ako roon, naririnig ko ang mga ito na mistulang nagpapayabangan, nagmumurahan, at naglalaitan. Nagtaka ako dahil ang mga taong ito ay mga miyembro ng sambahan na nagtuturo kabanalan at ang iba ay mga taong kakalabas pa lang.
Naglakad naman ako papasok ng sambahan at pag pasok ko, bumungad sa akin ang ilang taong nag-iiyakang nakaharap at nakaluhod sa mga imahe ng panginoon at santo,at sila'y nagdadasal nang paulit-ulit sa harapan ng mga inanyuang mga Diyos. Maya-maya pa ay napuno na ulit ang sambahan at nag umpisa na ang pagtuturo ng kura sa harapan.
Nag lakad ako papunta sa gitna upang makining ng tinuturo nang nasa harapan. Napansin ko sa aking kaliwa ang mga babae. Mga babaeng nakasuot ng maiikling kasuotan at sila'y nag-uusap lang imbes na makinig sa nasa harapan. Sa likod ng mga babae ay may ilang lalaking nakatitig sa babae na mistulang may malaswang iniisip sa mga ito imbes na makinig sa nasa harapan. Pumunta lang sila sa sambahan hindi upang making at para sa Diyos.
Sa aking kanan, nakita ko ang limang babae at tatlong lalakeng may suot na magagarang damit, mamahaling alahas ang mga ito. Sa kanilang harapan ay may ilang mga pulubeng nakikinig sa nagsasalita sa harapan, at ang mga taong nasa likod ng mga pulube naman ay nag-uusap lang at ang ilan ay nakatakip ang kamay sa ilong at diring diri sa kanilang nasa harapan. Sa totoo lang ay pumunta lang sila sa sambahan hindi upang makinig o sumamba, kundi dahil ang pagpunta sa sambahan ay isang tradisyon ng mga tao sa nakapiming araw sa isang linggo, kahit ang pagpunta roon ay hindi nalalaman ang dahilan, at hindi ginagawa ang totoong dapat na gawin doon. Para lang ba masabing mabuting tao sa paningin ng sariling mata at paniniwala? Para lang ba ipagmag malaki ang bagong magagara at mamahaling mga kasuotan? Para lang ba maghanap nang kapareha? O para humungi ng kapatawaran sa kasalanang ginagawa sa loob ng anim na araw sa isang linggo, at pagkatapos ay paggawa ulit nito?
Natapos na ang pagsasalita ng nasa harapan at mabibilang mo lang sa iyong daliri sa kamay ang mga taong totoong nakinig sa kura. Unti-unti nang naglalabasan ang mga tao ngunit nanatili pa rin ako sa loob. Maya-maya'y may nakita akong pamilyar na tao na kasama ng kura na nakasuot din siya ng kasuotan ng katabi niya. Hindi ako nakapagpigil at nilapitan ko ito. Malayo pa lang ay nakita ko na ang mukha ng aking kaibigan at tinawag ko siya. Tumingin siya sa akin at tumitig ng halos siyam na sigundo bago ako makilala at sabay lumakad siya papunta sa akin.
"Kamusta ka na? Anong nangyari sayo bakit ganyan ang itsura mo?" Masayang tanong niya sa akin. Tumahimik ako saglit at biglang sinabi, "Bakit ganto ang mga tao dito? Bakit sila lumuluhod sa mga inanyuang Diyos? Ganto ba ang itinuturo niyo?" "Sumusunod lang ako sa aral ng sambahan namin, Onairos." Mahinahong sagot niya. Umiling ako at sinabi, "Sumama ka sa akin at ipapagpatuloy natin ang sinimulan na Panginoon at mga apostol, ituturo natin ang totoong aral ng Diyos upang malaman ng mga tao ang totoo." "Hindi natin kaya iyon. Kasama na ako sa kanila, Onairos. Tignan mo ang itsura mo, anong nangyari sayo? Umuwi ka na Onairos. Tugon niya sa akin at sabay tumalikod siya at naglakad papunta sa silid ng sambahan.Pagkatapos ng araw na yaon, gumawa ako ng maliit na silong upang doon ako magturo sa mga tao. Sa una ay ilan-ilan lang ang pumupunta sa akin, ngunit na dadagdagan ito dahil na rin siguro sa turo kong turo rin ng Panginoon. Nagturo ako araw at gabi, umulan man o umaraw. Nagkaroon ako ng ilang kapatid sa pananampalataya na tumulong sa akin at sumama rin sila sa pagtulong sa mga tao at paglilingkod sa Diyos. Tinulungan nila ako at sa awa naman ng Panginoon at sa mga kapatid kong kusang tumulong sa akin, nakapag patayo kami ng sambahang sasambahan ng mga tao. Hindi ito kalakihan ngunit hindi tulad ng sambahan ng mga bulaang kinakalakal ang salita ng Diyos, na ginawa lang negosyo ang pagtuturo ng banal na aral. Nagpayaman lang at walang tigil sa paghinge sa mga miyembro nila, datapwat hindi naman kailangan at karapatdapat. Nagpatuloy ito hanggang sa ngayon.
Makalipas ang limang taon at nakapagpatayo kami ng labing dalawang sambahan ng mga tao at kung saan maririnig ang salita ng Diyos. Dito'y nagpapaalalahanan at nagtutulungan ang mga magkakapatid, at magkakasamang tinutupad ang utos ng Diyos sa gawa at sa salita, pisikal at ispiritwal. Mahigit walong libo na ang umanib sa inumpisahang sambahan ng panginoon, na sa madaling salita ay ang Iglesia ng Diyos. Kapatid ang turingan at tawag namin sa mga tao.
Isang araw, may nabalitaan akong sa isa kong kapatid na may sambahan daw na salungat ang turo sa amin at sa biblia. Noong araw ding yaon ay pumunta ako sa sinabi nilangsamahan.
Malayo pa lang ay makikita mo na ang sambahang ito dahil sa laki. Pumasok ako rito at nakinig nang aral nila upang malaman ko kung totoo ba ang sinabi sa akin. Nakinig ako at madaming nakita. Nang matapos na nga ang pagsasalita at pagtuturo, hindi ko nagustuhan ang aking mga na dinig at nakita sa loob ng sambahang iyon. Tama nga ang sinabi ng aking kapatid.
Nakita ko naman na bumababa ang nagsalita sa harapan at nagulat ako dahil hindi ko inaasahang si Kifle pala ang nagsasalita sa harap. Nilapitan ko siya at kinausap. Sinabi ko sa kanya ang mga maling pamamalakad niya at maling turo, ngunit nauwi lang 'yun sa pagtatalo at napilitan akong lumabas nalang dahil sarado ang na ang isip niya. Doon na nag-umpisa ang hindi pagkakasundo nang aming personal relasyon at ispiritwal na paniniwala. At nag-umpisa ang maraming pagtatalo sa pananampalataya.
Sumigaw si Kifle at sinabi, "Bakit Onairos, ano ba ang mali sa aking turo? Masyado kang nagmamalinis at akala mo alam mo ang lahat. Lahat nalang paniniwala at ginagawa ng aking mga miyembro'y sinita mo. Wala kang karapatan sa mga ginagawa mo!"
BINABASA MO ANG
STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)
SpiritualAng libro ay naglalaman ng mapanirang akda na puwedeng sumira sa paniniwala ng nakakabasa nito. Nakakaapekto ang binasang libro sa isip at damdamin ng bumasa nito. Maaring maging masaya, maging malungkot; matakot,at manatiling nag-iisip ang mambaba...