Ang Mayaman at Mahirap

274 28 0
                                    

"Kung ang buhay ay tungkol lang sa pagsunod, bakit pa tayo binigyan ng "free will" kung may susundin lang din pala?" Tanong ni Edgar.

"Ang mga nakalagay sa mga susundin o utos ng Diyos ay mag pabubuti sa tao at hindi magpapahamak. Mas gusto ng Diyos na tayo ay sumunod kay sa kontrolin niya. Diba matutuwa ka sa anak mo kapag sumunod siya sa utos kahit hindi mo na ipaalala ang gagawin niya?
Ganto kasi ang sabi sa Deuteromio 30:19;"

"Aking tinawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na into, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at kamatayan ,ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay,upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi; "

"Nakalagay na malaya tayong pumili, kung ang pipiliin ba natin ay buhay at pagpapala o ang kamatayan at sumpa. Malaya tayong pipili kung susunod ba tayo sa Diyos o hindi, pero nakalagay na piliin mo ang buhay. Dahil para sa atin din yun .Upang tayo ay mabuhay at maligtas. Kaya kung susunod lang tayo sa Diyos, walang mangyayaring masama, at hindi tayo magiging masama." Sabi ni Onairos.

"Lahat tayo ay dapat sumunod sa Diyos. Walang makapangyarihan, mahina, mayaman at mahirap man na dapat sumuway sa utos." Dagdag pa ni Gordon.

"Ginoong Edgar, paano ka po ba yumaman ng sobra?Ano pong sikreto niyo?" Tanong ni JR

"Naaalala niyo ba ang kasabihang eto; hindi mo kasalanang pinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap. Ang mga magulang ko, mga magulang nila, at mga magulang din nila ay mahirap, kaya pinanganak akong mahirap. Kaya nung ako'y bata palang sinabi ko sa sarili ko na magiging mayaman ako at hindi ako magiging katulad nilang mahirap, at namatay na nang mahirap. Nag-aral ako ng mabuti at ginawa kong inspiration ang pagiging mahirap para makapag tapos ng pag-aaral. Hindi nagtagal nakatapos na ako.
Naghanap ako ng mapapasukang trabaho, ngunit naging mahirap ito sakin dahil din sa kakulangan ng pera. Kailangan ko kasi ng pera pangkain,pamasahe, at pambili ng mga kailangan ko. Walang tumanggap sakin sa trabaho. Siguro dahil sa suot ko na lumang damit at butas na pantalon. Kaya bumagsak ako sa pagiging janitor ng isang eskwelahan. Limang taon akong nagtrabaho dun,at ang lagi kong hawak ay walis at panlinis.
Isang araw may dumaan na dalawang maliit na batang babae nag-uusap, at pagdaan nila sa akin, nag salita ang isang batang babae. Tinanong niya ang kasama niya kung anong pangarap niya, at ang sinagot niya ay maging sundalo, at binalik nun ang tanong sa batang babae at ang sinagot ng batang babae ay maging doctor para magamot ang kanyang ama. Noong pagdaan nila sakin naalala ko, ano ba ang pangarap ko? Maging janitor ba at maging bestfriend ang walis at panlinis? Ganto na lang ba ako? Naalala ko nanaman ang pangarap kong maging mayaman kaya naglakas loob akong umalis sa trabaho ko at maghanap ng ibang trabaho. Naisipan kong magtayo ng isang maliit na tindahan ng iba't ibang pagkain. Naging mabenta naman ito at nag-isip pa ako ng ibang puwedeng i tinda. Kaya lahat ng pera ko ay inilagay ko dito sa aking negosyo. Napalaki ko ang aking tindahan at di nagtagal nakapag-ipon ako ng malaking pera para makapag pa tayo ng isang pamilihan. Lumago nang lumago ang negosyo ko at nakapag patayo na ako ng limangpung malalaking pamilihan sa bansa. Kaya nakapagpatayo ako ng pitong mansion at meron akong tatlongpung kotse, apat na eroplano, at tatlong yate.
Nagawa ko ito dahil sa kasipagan ,pagtitiyaga, pagtitiwala sa pangarap at sa sarili ko. Ang kayamanan ko ay hindi galing sa Diyos kundi galing sa dugo at pawis na sinakripisyo ko sa pagtatrabaho. Wala akong asawa kaya ang pera ko lang ang kasama ko. Hindi man kapanipaniwala pera ganun na nga ang nangyari sa akin hanggang sa nanlinlang ako. Pinangakuan ako ng kaligtasan, pagkain at inumin sa panghabang-buhay ko at lugar kung saan makakapagtago. Sa halip, binigyan nga ako ng taguan ngunit isa pala itong lugar sa kulungan.

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon