Aral sa Pag-aasawa

361 27 0
                                    

"May aral din naman ang biblia tungkol sa pag-aasawa na mababasa natin. Dapat piliin mo ang talagang nararapat at gusto mo,upang ang iyong laman at isipan ay makuntento sa iisang katawan. Ang pag-aasawa ay hindi biro, di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso. Sa kasamang palad ngayon, ang mga tao ay nakikita nalang ang larawan ng pag-ibig sa palabas, televisiyon, librong romansa, at iba pang bagay na tumutukoy lang sa pisikal o panlabas at sa iisang banda lang. Ang lahat ng ito ay hindi totoo at hindi ito ang kabuuang katotohanan tungkol sa pag-ibig. Sa Biblia, eto ang pag-ibig, sa 1 Corinto 13:4-9,"

"Ang pagibig ay mapagpahinuhod,at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala. Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;"

"Bago tayo mag-asawa, may payo si Pablo na apostol ng Panginoong Jesus sa mga tao.

Ganto ang sabi sa sa 1 Corinto 24-35."

"Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan. Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan, sa makatuwid baga'y mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan.Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa. Nguni't kung ikaw ay magasawa, ay hindi ka nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay magasawa, ay hindi siya nagkakasala. Datapuwa't ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman: at ibig ko sanang kayo'y iligtas.Nguni't sinasabi ko ito, mga kapatid, ang panahon ay pinaikli, upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala;At ang mga nagsisiiyak, ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak; at ang nangagagalak, ay maging tulad sa hindi nangagagalak; at ang mga nagsisibili, ay maging tulad sa mga walang inaari;At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan, ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit: sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas. Datapuwa't ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon: Nguni't ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa, At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa.At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala."

"Sinasabi ni Pablo na kung tayo binata't dalaga na tinawag ng Panginoon, manatili tayo sa ating kalagayan. Dahil kung ang tao ay walang asawa at hindi nagkakasala masyado, at siya'y nag-asawa, siya ay magdaranas ng kahirapan sa buhay. Siya rin ay hindi malayong mapalayo sa Diyos dahil sa kanyang asawa, at hindi na talaga siya makapaglingkod sa Diyos at sa halip maglingkod nalang sa kanyang asawa't pamilya. Mahahati ang oras niya na para sa Diyos dahil sa kanyang asawa. Sinabi ito ni Pablo hindi upang alisan ang mga tao ng kalayaan, kundi para sa ating kapanginabangan at makapaglingod sa Diyos ng walang abala." Paliwanag ni Onairos.

"Paano naman kung may asawa na? Ano ang dapat gawin?" Tanong ni Jordan.

"Ganto ang sabi sa Mateo 19:5-6,"

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon