"Panahon ng anti-Christo, Babalutin nito ang mundo, Nang takot at gulo,
Tatatakan niya ang tao, Sa kamay at noo"
Dinala sila sa isang napakalawak na kulungan na kung saan sila papahirapan. Ito'y may habang siyam na pung metro at may lapad na anim na pung metro.Wala itong bubong kung kaya't tagos ang sikat ng araw doon. Sa lugar din yaong nakalagay ang mga gamit at instrumento na gagamitin sa pagpapahirap. Ang sahig ay magaspang na kongkretong bato. Mainit din ito dahil sa sikat ng araw. Nakikita nila mula doon ang mga ibon na lumilipad sa asul na kalangitan. Sinasabi nila sa kanilang mga sarili: "Napakasuwerte ng mga ibong yaon, sila'y malaya, kasama nila ang mga kaibigan nila at hindi sila katulad namin. Sana ibon nalang kami."
Maya-maya'y dumating ang mga anti-Christo, malaki ang bilang nila kay sa sa mga taong dinala. May dumating pang isa, nakapang amerkano at siya ay amerkano. Isang matangkad na negro. Lumapit siya sa isang anti-christo na siyang namumuno. Bumulong siya dito at pagkatapos ay tumalikod agad at umalis. Lahat ng anti-Christo roon ay nakasuot nang pang sundalo, ito'y hindi katulad ng karaniwang uniporme ng sundalong Pilipino dahil ito'y purong itim lang at may tatak ng halimaw. Hindi lang Pilipinong anti-Christo ang nandoon, mas madami ang puti at ibang lahi.
Hindi nagtagal at nagsalita ang namumunong iyon. Nag salita ito nang panlalait sa mga tao roon at nilait din nito ang mahabaging Diyos. Ito'y anti-Christong Pilipino; siya ay maliit na may kayumanging kulay at may maikling puting balbas. Siya ay tinatawag na Eduardo. Sumigaw naman siya nang malakas at sabi, "Gawin niyo na!" Mabilis namang kumilos ang mga anti-Christo at tinanggal ang pagkakatali ng mga tao sa isa at tingal na rin ang nasa bawat isa. Pinaluhod nila ang lahat ng tao at biglang hinawakan ng bawat isang anti-Christo ang kamay ng isang tao. May hawak naman ang isa pang anti-Christo na matulis na plais. Kinagat ng plais ang kuko ng mga tao. Nag si piglasan naman ang mga tao at nagsisisgaw ng: "Tulong!" "ahh!" "Masakit!" "Tulong"! "Mga hayop, masunog kayo sa impierno!" .Hinawakan naman nang ibang anti-Christo ang bawat isa pa at dahil mas madami ang bilang nila, walang nagawa ang mga tao. Unti-unti nilang tinangal ang kuko ng mga tao. Dahan-dahan ang pagtanggal nila upang maramdaman ng bawat tao ang sakit sa bawat kuko. Napakagat sa labi ang mga tao sa sakit at tanging pag-iyak at paghiyaw nalang ang nagawa nila habang inuubos ang kuko nila sa kamay at sa paa.
Hindi nagtagal at natapos na ang pagtangal nila. Ang mga tao doon ay na pagulong-gulong sa sakit. Umiiyak habang nakatingin sa kanilang kamay at paa. Hindi rin naman nagtagal at pinaluhod at hinawakan ng tig-dalawa ang mga tao habang hawak ng isa pang anti-Christo ang matulis na plais. Sinikmuraan nila ang mga tao at pagkatapos ay binuka nila ang bibig ng mga ito. Ikinagat naman ang plais sa mga ngipin ng mga tao at dahan-dahan nilang tinangal ang ngipin ng lahat, hangang sa wala ng matira. Napapa ungol ang mga tao at namimilipit sa sakit. Nagmistulang impierno ang lugar na yaon dahil sa pag-iyak, pagmamakaawa, paghinge ng tulong sa Diyos, at pagkagalit nila na parang maririnig sa impierno kapag nagkaroon na ng tao roon.
Tumagal nang halos isang oras ang pagpapahirap nila sa mga tao, ngunit ang paghiyaw ng mga tao ay patuloy pa rin. Napuno ng dugo ang bunganga ng mga tao at ito'y tumulo sa damit at sahig. Pagkatapos noon ay pinagsusuntok at tinadyakan pa sila ng mga anti-Christo dahil naiirita ang mga ito sa mukha ng mga tao. Nagwika naman ulit ang namumuno: "Ano na? Magpapatatak na ba kayo? Nakakaawa ang mga itsura niyo. Kung gusto niyo pang mabuhay sumama kayo sa amin."
Madami ang sumama ngunit walang sumama kila Onairos, ngunit sumama si Kifle at Leonardo. Umalis sila kasama ang ilang anti-Christo. Nagwika ulit ang namumuno:
BINABASA MO ANG
STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)
EspiritualAng libro ay naglalaman ng mapanirang akda na puwedeng sumira sa paniniwala ng nakakabasa nito. Nakakaapekto ang binasang libro sa isip at damdamin ng bumasa nito. Maaring maging masaya, maging malungkot; matakot,at manatiling nag-iisip ang mambaba...