Paunang Salita
Ang libro ay naglalaman ng mapanirang akda na puwedeng sumira sa paniniwala ng nakakabasa nito. Nakakaapekto ang binasang libro sa isip at damdamin ng bumasa nito. Maaring maging masaya, maging malungkot; matakot,at manatiling nag-iisip ang mambabasa dahil sa itinanim na kuwento sa kanyang isipan. Ang libro ay espesyal, puwede ka nitong dalhin kahit saan, bubusugin nito ang iyong isipan. Huwag kayong maniniwala sa nagsasalita, tanging sa nakasulat lamang. Ang lahat ng kailangan malaman sa mundong ito ay nasa aklat na dapat basahin ng lahat; ang Biblia. Ang aklat ng buhay at salita ng Diyos. Kapurihan at pag-papasalamat sa Diyos na pinaka makapangyarihan sa lahat.
"Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan: aking sinabi, Ako'y magiging pantas: nguni't malayo sa akin." "Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan: Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman."
May mga taong mamamatay bago pa man dumating ang katapusan ng mundo, at sino mang mabuhay sa panahon ng kapighatian ay makakaranas ng mga pighating nasusulat. Kapurihan at pagpapasalamat sa banal at laging matuwid na Diyos na pinaka makapangyarihan sa lahat. Kung ako lang ang nagsulat, hindi ko ito masusulat, kundi dahil sa kapangyarihan Niya ay naisulat ko itong istorya.
Ang storyang ito'y mangyayari pa lamang sa mundo, huwag mabalisa, dahil kailangan itong mangyari; malapit na ang pagbabalik. Talikuran na ang masamang gawain at wag nang bumalik. Ang pagbabalik ay nalalapit, datnan ng Diyos ng may pananalig. Marahil makikilala mo ang sarili mo at maaalala mo ang iba't ibang tao na nakilala mo sa pamamagitan ng mga tauhan sa istorya o marahil hindi mo pa ito naririnig. May mga maling paniniwala tayo na malalim na nakaugat sa kasaysayan nating mga Pilipino. Ito'y katulad ng mga pamahiin at mga aral mula sa mga prayle. Ito'y mga paniniwalang na pasa mula sa ating mga ninuno hanggang sa atin; patungo sa ating hinaharap na kung walang magtatangkang bumali ay patuloy itong mabubuhay kasama natin. Kaya't nagtangka akong isulat ng mas ispisipiko at organisa ang mga aral na kinikilala nating totoo at sinubukang taliwasin ito sa pamamagitan ng mga karakter sa istorya. Ang mg karakter naman na nasa istorya ay totoo at ibinase ko sa tunay na tao, pinalitan ko lang ang kanilang pangalan ngunit ang diwa ng kanilang salita ay nandoon. Ang aral na narito ay mula sa biblia, na dapat binabasa ng lahat ng tao na hindi makaugaga sa mga gawain ng makamundong bagay.
"Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito."
Digmaan, lindol, bagyo at mga kapighatitaan na hindi pa nararanasan ng mundo buhat pa nang simula hanggang ngayon at di na mararanasan pa: Sa istoryang ito'y nangyayari na.
"Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man."
Hindi pa dumadating ang panginoon sa oras na ito, ngunit malapit na siyang bumalik.Ang mga bagay na ito ay mangyayari bago ang pagkuha sa mga nanalig sa Diyos dahil nandito pa ang hinirang.
"At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon."
BINABASA MO ANG
STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)
EspiritualAng libro ay naglalaman ng mapanirang akda na puwedeng sumira sa paniniwala ng nakakabasa nito. Nakakaapekto ang binasang libro sa isip at damdamin ng bumasa nito. Maaring maging masaya, maging malungkot; matakot,at manatiling nag-iisip ang mambaba...