Ang huling pagtatalo, kung tao ba si Jesus o Diyos

147 28 1
                                    

Galit na galit si Kifle sa mga sinabi ni Onairos dahil hindi siya naniniwala, at napapahiya na siya. At nagtalo pa sila tungkol kay Hesus.

"Kinikilala namin si Jesus bilang panginoon, anak ng Diyos, tagapamagitan, tagapagligtas,at sumasamba rin naman kami sa kanya ngunit kung likas na kalagayan ang pag-uusapan, siya ay tao lamang." Sabi ni Kifle

"Alam mo kapatid, kung ang paniniwala niyo ay tao ang panginoong Christo, bakit niyo siya sinasamba? Alam mo bang bawal sambahin ang tao. Oo inutos ng Diyos na sambahin natin ang Christo, hindi dahil lang utos ng Diyos kundi dahil Diyos din siya, at kung ganun, ang sinamba niyo ay tao hindi ang Diyos. Ganto ng biblia sa inyo sa Roma 1:25;"

"Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y
nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man.Siya nawa."

"Sinasabi na sa lumalang lang o sa lumikha tayo sumamba. Meron pa ngang ganto,sa Apocalipsis 22:8-9 ganto ang sabi,"

" At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios."

Sabi ni Onairos

Nagsalita ulit si Kifle. "Paano kung si Jesus na mismo ang nagsabi na siya ay tao lamang? Ganto ang sabi sa Juan 8:40,"

" Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham. "

"Hindi ba siya na mismo ang nagsabi na siya'y tao lamang."

Sinagot naman siya ni Onairos. "Ngunit may roon din naman siyang sinabi sa na ganto, sa Awit 22:6 ganto ang sabi,"

"Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan."

"Sinabi niya na uod siya hindi tao. Ano ba ang ginawa sa kanya para sabihing uod siya?
Ganto ang sabi sa Awit 22:16 at 18,"

"Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan."

"Meron pa nga siyang sinabi sa Juan 8:12 ganto ang sabi,"

"Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan."

"Ilaw naman diyan. Kung hindi mo kasi kukunin ang kahulugan ng sinasabi ni Christo,maliligaw ka. At doon naman sa sinabi mo sa Juan 8:40, ano ba ang tao diyan?"

"Datapwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin,na taong sa inyo'y nagsasalaysay ng katotohanan"

"Ano ba yung tao diyan na pinapatay ng mga hudyo? Ganto ang sabi sa Mateo 10:28,"

"At huwag kayong mangatakotsa mga nagsisipatay ng katawan,datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno."

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon