Ang Pagtatanong at Pagtatalo

468 31 0
                                    

Pagkatapos sabihin ni Onairos ang mga bagay na iyon, nagtinginan ang lahat sa kanya na may pagtataka. Hinirap ng lahat ang kanilang katawan patungo kay Onairos na mistulang makikinig. Hanggang sa tahimik silang isa-isa umupo, hawak ang kanilang mga katawang sugatan. Ngunit nanatiling nakatayo sa gitna nila si Onairos. At nag-umpisa na silang nagsalita.

"Sisingit na ako sa usapan niyo. Hindi naman ako naniniwala sa "Big bang theory" dahil hindi naman ito puwedeng gawing basehan. Inaamin ko isa akong Christiano at bilang Christiano ang dapat nating pagbasehan at pagbatayan ay ang biblia. Dahil ang biblia ay hindi teorya o haka-haka lang kundi pawang katotohanan lang. Sabagay ang mga sayantipiko at ang gumawa ng teoryang "Big bang" ay hindi naniniwala sa Diyos. Dahil ang pinaniniwalaan lang nila ay "science" at kanilang mga pag-aaral. Pero hindi naman lahat ng sayantipiko ay di naniniwala sa Diyos,karamihan lang." Paliwanag ni Gordon sa lahat ng nasa loob.

Sang-ayon naman sa kanya si Onairos at sinabi: "Tama ka diyan kapatid, may sinasabi rin ang biblia tungkol sa mga taong gumagawa ng sariling paniniwala at mga katha. Nasinabi sa 2 Timoteo 4:3-4,"

"Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha."

"At sa panahon ng kawakasan na kung saan ay nadoon tayong lahat ngayon.Ganto ang sabi , "Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago."

Sinasabi lang na ang kaalaman ay lalago s panahon ng kawakasan.At eto pa sa Jeremiah 18:11-12,"

"Ngayon nga, salitain mo sa mga tao sa Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y humahaka ng kasamaan laban sa inyo, at kumatha ng katha-katha laban sa inyo manumbalik bawa't isa sa inyo mula sa kanikaniyang masamang lakad, at inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa. Nguni't kanilang sinabi, Walang pagasa; sapagka't kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha, at magsisigawa bawa't isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso."

"At sa Tito 1:14."

"Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan."

Dahil sa haba ng paliwanag ni Onairos, humiga sa sahig si Edgar at unti-unting pinikat ang mga mata. Ngunit nakikinig naman kay Onairos ang iba.

"Ganun pala, dapat talaga tayong maniwala sa biblia at huwag sa mga haka-haka ng tao na batay lang sa kanilang pag iisip. Pero dadating din ang panahon na mayroon mga taong gagawa ng mga katha, ngunit kung magbabagong buhay, maniniwala at mananalig sa Diyos, sila ba ay maliligtas? Huli na yata ang pagtatanong ko, dapat matagal na kong naghanap sa mga tanong ko. Ngayon mamamatay na ako." Sabi ni JR habang nakahawak sa ulo.

"Diba ang biblia ay gawa lang ng tao? Bakit ko naman ito paniniwalaan?" Sabi ni Albert habang nakahawak sa kanyang salamin.

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon