Sa pagtigil nang pagsasalita ni Onairos,si Kifle naman at nangigigil sa galit dahil ang matagal na niyang pinaniniwalaan ay walang kabuluhan. Sa matagal niya nang pag laban sa katotohanan at sa pag tuturo sa mga tao ng maling aral ay nagdudulot ng kapahamakan. Dahil isa rin siyang bulag, na umaakay ng bulag. Pag tapos nun ay nagkaroon naman ulit ng katahimikan sa selda nila sa kabila ng matinding ingay sa iba.Pagkalipas ng ilang saglit ay nag wika si Onairos.
"Mga kapatid! Malapit na nating tiisin ang mga paghihirap na dadating sa atin. Maging matapat tayo hangang sa huli, manatili at mag mawakas sa Diyos. Ang nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan."
Walang nagsalita o nagtanong man sa kanila dahil alam na nila kung anong ibig sabihin ni Onairos. Nagdasal ang iba at nanahimik naman ang natitira.Nagdaan ang ilang oras at nanatili ang katahimikan sa selda nila, salungat ng sa ibang selda na nag-iiyakan at nagsisisigaw dahil sa poot nila sa mga anti-Christo. Nagdaan pa ang ilang oras at nakaramdam na sila ng gutom. Ngunit walang dumadating na pagkain ni tubig man. Sila Jaime, Carlo, JR,at Salvacion naman ay umihi at dumumi na sa loob ng selda nila. Ilang saglit lang ay pumunta si Onairos sa rehas na pinto at nagwika ulit.
"Mga kapatid!,ang mag titiis hangang wakas ay siyang maliligtas."
Nagpatuloy siyang magsalita at nagturo nang salita ng Diyos. Ilang oras ang lumipas ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita kahit garalgal na ang kanyang boses. Nagpatuloy ito kahit hindi niya alam kung nakikinig sa kanya ang mga tao. Nagpatuloy ito hangang magdilim at siya'y na pagod at natulog katulad ng iba. Nagkaroon ng katahimikan nang matulog ang lahat, na tulog din pati ang mga anti-Christo. Sa pagtulog ng lahat, makikita mo sa mga mukha nila ang pagiging maamo na para bang mga bata. Tanging ang pagiging tao nalang ang pagkakaparehas nila sa mga taong hindi pa nagpapatatak. Mga anti-Christo, mga tao rin sila na nagugutom, nasasaktan, umiiyak, at natutulog, ngunit sila'y nagpatatak at itinanggi ang Christo. Nakakaawa ang sasapitin nila kay sa sa mga taong papahirapan nila, sila'y hindi kasamang magpapahinga at kakain ng putong ng buhay.
Umaga na at lumipas na ang unang araw nila sa kulungan. Sa labas ng Prison Bay. Maganda ang araw. Maaliwalas, walang ulap sa kalangitan, at maririnig mo ang tunog ng dagat. Payapa. Ngunit ang kamatayan ay nalalapit na.Sa loob ng mga selda ay nakakasulasok ang amoy, dahil sa mga ihi at dumi ng mga tao na nagrereklamo sa baho ngunit sila rin naman ang gumawa noon.
Ilang oras nang hindi na sasayaran ng pagkain ni tubig ang kanilang dila kung kaya't hinang-hina na sila. Nag-uumpisa palang ang pagpapahirap sa kanila. Hindi lang tubig at pagkain ang wala sa kanila, kundi ang kanilang mga pananampalataya ay nawala na. Nagkaroon ng pagkagutom sa laman at ispiritwal, kaya't ang pag-asa nila'y sa panaginip nalang nakikita. Maya-maya ay may malakas na tinig ng lalaki ang nadinig nila at ito'y nagwika sa kanila.
"Gutom na ba kayo? Gusto niyo na ba kumain? Gusto niyo na ba matapos ang paghihirap niyo? Kung gusto niyo pang mabuhay, mag patatak na kayo at sumamba sa aming diyos. Ibabalik namin kayo sa siyudad at bibigyan ng makakain at tirahan,pati ang dating buhay niyo. May ipapadala akong tao na pupunta sa selda niyo upang tanongin kayo kung sino pa ang gustong mabuhay. Ang mga tumangi sa buhay ay papahirapan at papatayin. Dahil ito na ang umpisa ng pag hihirap niyo! 'Yun lang!"
Sumigaw naman si Onairos.
"Huwag kayong maniniwala sa kanila, hindi buhay ang ibibigay nila sa inyo kundi kamatayan habang buhay! Sila'y mga sinungaling at mamamatay tao!"
Hindi nagtagal at umingay ang mga kulungan at nagmistulang palengke. Magkakaiba ang kanilang mga reaksyon sa kanilang mga narinig. May ilang natuwa dahil sa kailangan lang nilang magpatatak para maligtas at may ilang nangamba dahil sa pahirap at kamatayan na sinabi ng anti-Christo. Mula sa iba't ibang selda, madami ang nagtatalo at nagwika ng ganto:
"Nagugutom na ako at nanghihina na, kailangan ko nang magpatatak kay sa naman mamatay ng dilat!" Sabi ng matabang lalaki.
"Tara na! Mag patatak nalang tayo, hindi ko kayang makita kayong naghihirap!" Sabi ng lalaki sa asawa niyang babae at anak na babae.
"Bahala kayo basta kami ayaw naming mabulok dito!" Sabi ng ilang kalalakihan.
"Wala namang kuwenta 'yung tatak na 'yun, mas mahalaga ang buhay natin!" Sabi ng isang lalaki.
"Kung magpatatak tayo, edi pagkatapos huminge tayo mang tawad sa Diyos o tangalin natin ito pagkatapos!" Sabi ng mga walang alam na tao.
May ilang christiano sa ilang selda na nakarinig ng aral ng Diyos. Nagwika sila ng ganto:
"Anong mapapala niyo sa labas? Mabuhay lang? Gugustuhin niyo pang mabuhay kahit wala ng lasa ito, puro kasamaan nalang ang bumabalot sa mundo ngayon. Ang mga pinuno ng mga bansa ay kalaban natin, at ang mga bulaang propeta na nangloko sa atin. Ang babala lang namin sa mga magpatatak, mag sisisi kayo sa huli kapag nasusunog na kayo." Sabi ng isang binatang mangagaral.
"Mag tiis nalang tayo!"
"Mag dasal tayo na bigyan tayo nang lakas upang kayanin natin ito hangang sa huli."
"Wag tayong matakot dahil nakatadhana na itong mangayari!"
Maya-maya ay dumating na ang mga anti-Christo upang makapagyaya papuntang kamatayan. Nagsalita ito pagkadating.
"Bubuksan na namin ang mga selda at lumabas at sumama sa amin ang mga gustong mabuhay. Huwag din kayong mag atangkang lumaban o tumakas dahil mauuna kayong pahihirapan!" Sabi ng isang namumunong anti-Christo.
"Huwag kayong sumama!" "Niloloko lang kayo ng mga demonyong iyan!" Sabi nang ilan.
Sa kabila nang lahat, madami pa ring sumama at mas piniling magpatatak. Karamihan ay mga taong hindi nakakapakinig sa aral. Ang ilan namna ay mga taong nagmamahal masyado sa kanilang buhay. Halos kalahati ang sumama. Nag lakad sila nang tahimik kasama ang ilang anti-Christo papunta sa silid na kulay ginto kung saan sila tatakan at pasasambahin sa larawan ng halimaw. May naiwang anti-Christo naman na kasama ang namumuno na pumusok sa selda ng mga naiwan.
"Kayong mga matitigas ang ulo, mamamatay kayo!" Galit na galit na pagkaka sabi ng namumuno. Pagtapos ay pinagsusuntok, tadyak at hinapas ang mga tao ng mga anti-Christo ng kanilang mahahabang baril. Nag iyakan ang mga taong binugbog na parang kinakatay na tao. Narinig naman ito ng mga taong magpapatatak na hindi pa naman kalayuan at sila'y nagwika:
"Tignan niyo ang mga tangang taong 'yan, ayaw pa kasi sumama sa atin, ngayon magsisi sila."
Maya-maya at itinali nila ang mga kamay ng mga taong naiwan gamit ang dala nilang maliit at kinakalawang na kadena at ikinunekta nila ito sa isa pang tao hanggang magkakadikit na ang lahat ng tao na parang alupihan. Inilabas nila ito sa selda nang magkakadikit at kinaladkad nila papunta sa isang napakalaking kulungan kung saan pagsasamahin silang lahat at papahirapan.
BINABASA MO ANG
STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)
SpiritualAng libro ay naglalaman ng mapanirang akda na puwedeng sumira sa paniniwala ng nakakabasa nito. Nakakaapekto ang binasang libro sa isip at damdamin ng bumasa nito. Maaring maging masaya, maging malungkot; matakot,at manatiling nag-iisip ang mambaba...