Prologue

98 2 2
                                    

Maaga akong pumasok sa iskwelahan namin, 6:00 am pa lang andito na ako sa harapan ng gate ng school.

Syempre kailangan kong pumasok ng maaga dahil di ko alam ang pasikot sikot dito lalo na at bago lang ako dito.

Oo, transferee ako.

Grade 9 na ako at ito ang unang araw ng pasukan.

Medyo malapit lang ang aming bahay kaya nilalakad ko lang yun simula sa bahay namin hanggang dito sa school.
Nasa harap na ako ng gate, napabuntong hininga na lang ako ng pumasok na ako, medyo kinakabahan kasi ako, syempre new environment na naman at makikipagkilala na naman ako sa kung sino sino.

Binati ako ng guard na nakatayo sa may gate, ningitian ko lang siya at tuloy tuloy akong pumasok.

Malaki din pala itong school namin at environment friendly iyon, buti naman at kahit papano'y may magugustuhan ako dito.

Maaga ako pumasok kasi syempre kailangan kong ma-familiarize ang lugar na ito para alam ko na kung saan ako pupunta at kung saan ang magiging classroom ko.

Pumunta ako sa may guidance para kumuha ng student handbook at nagtanong kung anong section at saan ang classroom ko.

Yun kasi ang sabi ng admin na sa pagpasok na lang daw sasabihin kung anong section at room ako.

Nagpasalamat ako at umalis.

Pumunta akong canteen para bumili ng maiinom kasi nauhaw ako kakalibot, umupo ako dun sa table malapit sa bintana.

Hinigop ko yung iniinom ko habang nakatingin sa may labas.

Kita ko yung open field ng school namin at yung mga papasok na mga istudyante ng biglang may nakapukaw ng aking pansin.

May nakatayo dun sa loob ng madilim na parte ng isang classroom.

Hindi ko siya masyadong makita pero sa nakikita ko ay parang nakaharap siya sa direction ko.

Bigla akong may naramdaman na hindi ko maipaliwanag lalo na ng maaninag ko ang kanyang mga mata nakatingin sa'kin, at dahil dun lumihis ako ng tingin, tumingin na lang ako sa loob ng canteen.

Pero di ako matahimik kung bakit ganun ang naramdaman ko kaya muli akong tumingin sa may bintana at

*dug dug dug dug dug dug*

wala na iyon.

Nakahinga ako ng maluwag at umalis na sa canteen at pumunta na sa classroom ko dahil mag start na ang class namin by 7:00 am.

Nasa labas na ako ng classroom namin sa may tapat ng pinto pero di pa din ako mapakali simula ng makita ko yung taong nakatingin sakin kanina kasi dito din sa magiging classroom ko nakita yun.

Natatakot tuloy ako.

Nagsalita na yung adviser namin,

"Good morning class, ako nga pala si Ms. Andrea Sanchez, ang magiging class adviser nyo at magiging teacher niyo sa Filipino. At may isa pa palang magpapakilala sa inyo, Miss, halika pumasok ka at magpakilala" .

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumasok na ako sa loob ng classroom, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang nakaramdam na ako ng kaba at sa di mapaliwanag na dahilan ay naramdaman kong parang may nakatingin sakin, hindi lang ang mga kaklase ko at adviser namin, kundi iba.

Humarap na ako sa klase at nagsalita,

"Good morning! Just call me Tin, Nice to meet you all!".

Pero may kanya kanya silang ginagawa, yung iba nakatingin nga sakin pero parang lumilipad naman ang isip, yung iba naman nagkwekwentuhan at yung iba wala lang pakielam sa mundo.

Nagsalita na ulit si Ms. Sanchez,

"Pwede ka na umupo dun sa may bakanteng upuan dun sa dulo Tin, sa  kanan, pumili ka na lang kung saan ka uupo"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa dulo pero di ko alam kung saan ako uupo, dalawa kasi ang bakanteng upuan dun sa dulo, magkatabi ito,

yung isa nasa tabi ng bintana

at

yung isa ay nasa tabi nung binanggit kong bakanteng upuan.

Dapat dun ako uupo sa may katabi ng upuan sa bintana kaso bigla akong nakaramdam ng takot kaya dun na lang ako umupo dun sa may malapit sa bintana at pagkaupo ko,

tinitignan ako ng mga kaklase ko tas balik na sila ulit sa mga gingawa nila.

Wierd.

Nagsalita na si Miss Sanchez,

"Simulan na natin ang klase sa Filipino".

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon