Chapter 29

29 0 0
                                    

Sherwin's POV

Papunta na sana ako sa canteen para kumain ng biglang may bumunggo sa'kin dahilan para matumba ako sa sahig.

Ggrrrr! Sino ba 'tong epal na bumangga sa'kin?

Pagkatingin ko ay parang si Tin ang babaeng naka-upo din sa may sahig.

Tinawag ko ang pangalan niya at ganun din ang ginawa niya.

Ibinigay ko ang kamay ko sa kanya para maitayo ko siya.

Parang ang sarap sa pakiramdam na mahawakan ang kamay niya, parang ayoko ng bitawan.

Hindi ko alam pero di ko magawang magalit sa kanya na normally naman ay dapat galit na ako.

Biniro ko na lang siya na nasa good mood ako kaya di ko siya aawayin.

Ngumiti siya sa akin, parang may kung anong saya akong nararamdaman ngayon sa loob ko ng nakita ko ang ngiti niya.

Tatanungin ko pa sana kung okay siya kaso biglang dumating naman yung lalaking lagi niyang kasama at isinama na si Tin.

Dahil sa ginawa niya ay nabitawan ko ang malambot na kamay ni Tin.

Parang nagpaparinig pa sakin tong mokong na to ahh, hindi ko sasaktan si Tin kung inaakala niyang may gagawin akong masama.

Tttsss..

Ganun na ba talaga kasama ang tingin sa'kin ng mga tao dito?

Hell I care! I don't care kung anong tingin nila sa'kin.

Nagpaalam na si Tin kasi hinila na siya ng gagong yun.

Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad papuntang canteen.

Tin's POV

Nag-ring na nga ang bell kaya bumalik na kami sa may room.

Nauna yung mga kaibigan naming pumasok sa room at nahuhuli naman kami ni Topher nang biglang hinila ni Jessica si Topher papasok sa room kaya ako na lang ang natira sa labas.

Di na nakatanggi si Topher kay Jessica.

Pagkapasok ko sa room ay normal naman ang lahat pwera lang na nakatingin sila lahat sa akin.

Kahit nagtataka ako ay tuloy-tuloy pa din akong pumunta sa upuan ko at nang malapit na ako sa may upuan ko ay biglang may humila sa'kin na isang estudyante at iniharap ako sa kanya.

"Sorry po! I don't have a choice", sabi niya sabay bigla niya akong pinaupo sa upuan ko.

Naramdaman kong parang may something sa upuan ko, parang may dumikit sa palda kong malagkit.

Tapos sabay binuhusan ako ng kung ano, kung di ako nagkakamali ay parang kaning baboy ito.

Basang basa ako, yung mga kaning baboy ay nasa ulo ko at nasa desk ng upuan ko.

Nakita kong umiwas ang mga kaklase ko nang binubuhusan ako.

Pagkatapos niyang ibuhos iyon ay dali-dali siyang tumakbo palabas ng room.

Nakita ko sa harapan ko si Denise at Jessica.

"Baka di ka pa kasi kumakain kaya ayan, pinabigyan kita ng pagkaing babagay sa'yo, pero ooopppss, di niya sinasadyang maitapon ito sa'yo, hayaan mo may next time pa naman ehh", sabi ni Denise na pinipigil ang pagtawa.

"Eeewwwww! So gross.. halika na nga Denise, di ko na matiis yung amoy niya ehh", sabi ni Jessica na nakatingin at diring-diri sa akin sabay balik nila sa upuan nila na tawa ng tawa.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon