Chapter 31

14 0 0
                                    

Topher's POV

Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ulit ang babaeng duguan na nasa likod na ni Tin.

Bumilis na ang tibok ng puso ko pero pinilit ko pa ding tawagin siya habang nakatingin sa kanyang likod bilang pagbibigay ng warning sa kanya.

Sa ayos ng mukha nya ngayon ay alam kong alam na niya ang gusto kong iparating sa kanya.

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang yakapin na siya nito.

Nagulat ako nang biglang nagkatitigan sila ni Tin.

Dapat may gawin ako, di ako papayag na may makakasakit na naman kay Tin, kahit sino man, kahit ano pa ito.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya at hinila ang kamay niya palabas ng room na yun.

Nang makalayo na kami ay huminto ako at tinanong si Tin kung okay lang ba siya pero hindi siya sumasagot sa'kin at nakatayo lang siya.

Tinignan ko ulit ang likod namin baka nakasunod siya sa'min pero nang pagkalingon ko kay Tin ay biglang bumagsak siya.

Buti na lang at nasalo ko siya at dahan-dahan ko siyang inalalayan paupo sa pinakamalapit na upuan na nakita ko.

Bakit ba nangyayari ito kay Tin? Naaawa na ko sa kanya.

Bakit ba parang laging sinusundan siya ng babaeng yun?

Tinanong ko ulit kung anong nararamdaman niya pero hindi siya sumasagot.

"Oooohhh.. dito pa talaga kayo nag-date ahh?", sabi ni Jessica kaya napalingon ako sa kanya.

"Not now Jessica", sabi ko sa kanya.

Lumapit pa siya sa amin at tinitignan si Tin.

"Ano ginawa mo dyan Topher? Kaw ahh.. may lihim ka palang balak sa kanya. But don't worry, atin atin lang ito, di kita pipigilan", sabi ni Jessica na humahagikgik pa.

Kung anu-anong nasa isip ng babaeng ito.

"Tigilan mo na kami Jessica, umalis ka na lang", sagot ko sa kanya habang tinitignan pa din si Tin na nakapikit na.

"Eto naman, I support you pa nga ehh, I didn't know na you are on our side pala Topher, okay! Go on", sabi niya.

"Ano yang pinagsasabi mo dyan huh Jessica? Kahit kailan di magagawa ni Topher na gumawa ng masama, not like you", sabi ni Beatrice na kadadating pa lang kasama ang tropa nila.

"Shut up Beatrice! Kami ang nag-uusap, di ka kasali", sagot ni Jessica na inis na inis.

"Umalis ka na nga Jessica dahil wala kang magagawang masama ngayon kay Tin lalo na't nag-iisa ka lang", dagdag pa ni Aaron.

"Hhhmmmmfftt! Di pa ako tapos! Beatrice, wag kang haharang-harang sa dinadaanan ng empire namin, baka pati ikaw madamay", sabi ni Jessica sabay tingin kay Beatrice at umalis na.

Pagkatalikod ni Jessica ay inalalayan ko na si Tin para umuwi.

Ihahatid ko na lang siguro siya sa kanila, pero di ko naman alam kung saan ang bahay nila.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon