Chapter 7

23 0 1
                                    

Tin's POV

Kahit papano naman nagagawa kong bumati sa mga classmates ko kahit shy pa din ako.

Medyo matagal na din naman ako dito sa school.

Napatingin sila lahat sakin.

"Oh Tin! Akala namin absent ka na ehh", sabi ng isa kong ka-groupmate.

"Ano ka ba! Maaga kaya pumasok si Tin. Di pa siya late sa next subject natin. Hahaha!", sabat ng isa ko pang ka-groupmate na tumatawa pa.

At nagtawanan din ang iba naming ka-groupmates.

Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan.

"Ano ba kayo! Minsan na nga lang natin makausap at makasama tong si Tin niloloko nyo pa", sabat naman ni Topher.

"Wag mo na lang silang pansinin Tin. Ok lang yan", sabi sakin ni Topher.

Sa sinabing yun ni Topher ay naging mabuti yung pakiramdam ko,

"Asus! Yan na naman si Topher. Feeling superhero na naman", pang-aasar ni Aaron kay Topher.

"Sus Dre. Dami mo alam", sagot naman ni Topher kay Aaron.

At nagtawanan kaming lahat.

Pinagpatuloy na namin yung activity na binigay ni Sir Andrew sa amin.

Nilapitan na ako nina Jessica at Denise sa upuan ko nung breaktime na.

"Oy Tin! Anyare? Bakit na-late ka kanina?", tanong ni Jessica.

"Hehe. Napasarap kasi tulog ko. Late na ako nagising", sagot ko habang nakahawak sa batok ko.

"Buti na lang wala si Ms. Sanchez ngayon at may activity lang tayo", sabi ni Denise.

"Oo nga eh. Buti na lang", sabi ko.

"Oh siya girls. Halika na at mag break na tayo. Gutom na ako", sabat sa amin ni Jessica.

"Okay!", sabi ni Denise.

Ako naman ngiti lang ang sagot ko kay Jessica.

At ayun kumain na kami.

Nag-kwentuhan lang kami at kinuwento ko din yung naka-bunggo kong lalaki kahapon.

"Grabe naman yung lalaking yun. At taga-school pa natin siya ahh?", sabi ni Denise.

"Over siya! Baka pag nakita ko siya..", sabi ni Jessica.

"Ano naman magagawa mo dun Jessica?", tanong ko kay Jessica.

"Haha! Wala. Nakita ko lang siya", sabi ni Jessica sabay tawa.

Bumalik na ulit kami sa room nung nag-bell na.

Nung papasok na ako sa room ay may biglang nagsalita,

"Hello Tin!", sabi nung bumati sa akin.

Pagtingin ko ay si Topher lang pala yun.

"Hi!", bati ko sa kanya sabay ngiti.

"Uuuuuuyyyyyyyyy!", sabi ng mga kaklase namin.

At dumiretso na kami sa mga upuan namin, nag -start na ulit ang next subject namin.

Hayyy. Bakit kaya ganun?

Kanina ko pang nararamdaman na parang nanghihina ako at nahihilo.

Kumain na nga ako ng madami kaninang break kasi baka gutom lang 'to dahil di ako nakapag-breakfast.

Kanina medyo kinakaya ko pa pero parang ngayon sobrang nanghihina ako at umiikot ang mundo ko.

"Tin, are you okay? Namumutla ka!", sabi ng teacher namin.

"Medyo hindi po maganda ang pakiramdam ko po", sagot ko sa teacher namin habang nakayuko ako at nakapikit ang mga mata.

Nang may biglang humawak sa noo ko.

Di ko na siya napigilan dahil sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Naku mam. Mainit po si Tin. Nilalagnat po yata siya", sabi ni Topher.

Oo nga pala. Katapat lang ng upuan ko yung upuan ni Topher.

"Tin, kanina pa ba yan? Pumunta ka na ng clinic ng makapagpahinga ka muna", sabi ni mam.

"Sino pede sumama kay Tin sa clinic?", tanong ni mam.

"Ako na mam", sigaw ni Topher.

"I smell something!", sigaw ng isa naming kaklase.

"Uuuyyyyyyyy!", kantyaw samin ng iba pa naming kaklase.

Napahawak na lang si Topher sa batok niya at ngingiti-ngiti.

Di ko na magawang magsalita pa sa pang-aasar ng mga kaklase namin.

At pumunta na si Topher sa upuan ko.

Umikot siya sa likod ko at inalalayan ako patayo sa upuan ko nang may nakapukaw ng paningin ko.

Yung sahig dun sa pwesto ko biglang ang daming dugo at dun sa may tapat ng sahig sa bakanteng upuan may nakatayo na babae.

Alam kong babae kahit na ang nakita ko lang ay simula lang dun sa half body niya.

Babae kasi naka-palda siya at duguan ito.

Di ko magawang gumalaw kasi sobrang sama ng pakiramdam ko.

Buti na lang hinawakan na ako sa siko ni Topher at inalalayan maglakad at tumalikod kami dun sa babaeng duguan.

Naka-hinga ako ng maluwag ng nakalabas na kami ng room.

"Oh Tin! Okay ka lang?", nag-aalalang tanong sakin ni Topher.

"Kaya ko pa naman. Ikaw? Bakit mo ako sinamahan papuntang clinic?", tanong ko sa kanya.

"Aaahhh.. Eeehhh.. Syempre..may sakit yung kaibigan ko, need kong tulungan ang friend kong nangangailangan ng tulong. Friend naman tayo di..ba..?", sabi ni Topher.

"Siguro?", sagot ko.

"Nyeh! Bakit siguro? Di ka sure? Haha. Ah basta friend na tayo!", sabi ni Topher tapos ngumiti siya sa akin.

Ngiti na lang din ang sinagot ko sa kanya.

At dumating na kami sa clinic, humiga na ako sa bed at tinanong nung nurse kung ano yung nararamdaman ko at binigyan na ako ng gamot.

Pagkatapos nun, nagpaalam na sakin si Topher na babalik na daw siya sa room at umalis na.

Ako naman, pagkatapos kong inumin yung gamot ay natulog na ako.

Naalimpungatan ako ng naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

Pagkamulat ng mga mata ko ay nakita ko yung babaeng duguan nakatingin sakin at nanlilisik ang mga mata niya.

Napa-sigaw ako sa sobrang gulat ko.

"Miss, okay ka lang ba? Sorry ahh. Nagulat ba kita? Uwian na kasi ng mga student. And I think your okay to go na kasi di ka na mainit", sabi nung nurse na nagulat din dahil sa sigaw ko.

Nung nagsalita yung nurse, dun lang biglang nag-iba yung paningin ko.

Yung nurse pala ang yumuyugyog sakin kanina.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at medyo naninigas pa ako.

"Magpahinga ka na lang muna then if okay ka na, your free to go. Okay? Nakakagulat ka naman miss", sabi ulit ng nurse na umiiling-iling pa.

"Okay po. Sorry po kanina!", sabi ko tapos tumayo na ako sa pagkakahiga ko at umupo na lang malapit dun sa may nurse desk.

Nagpahinga muna ako dun sa clinic ng biglang dumating sina Denise at Jessica.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon