Chapter 4

29 0 1
                                    

Tin's POV

Nagpatuloy lang ang pagpasok ko sa school namin at ganun pa din ang mga kaklase ko, may sari-sariling mundo pero kahit papano kapag may lesson na ay mga nakikinig din naman.

Kahit may mga napapansin ako at nararamdaman ay isinasa-walang bahala ko na lang.

Dahil sa ginagawa ko ay mas naging okay ang pag-stay ko sa school namin.

"Tin, mukhang okay ka na ahh. Di ka na tulad nung first day na parang laging may iniisip", sabi ni Denise.

"Oo nga! Good to see you na no worries ka na", sabi naman ni Jessica.

"Okay naman ako ehh. Medyo mas naging better nga lang", sabi ko.

"Edi good!", sabi ni Jessica.

Last subject na namin.

Homeroom na.

Pumasok na si Ms. Sanchez,

"Good afternoon class!", sabi ni Ms. Sanchez.

"Good afternoon Ma'am", bati namin kay Ms. Sanchez.

At umupo na kaming lahat.

As usual, nag-lesson lang ulit si Ma'am.

"Okay, class is dismiss!", sabi ni Ms. Sanchez.

Uwian na.

Nagsilabasan na ang mga kaklase namin at lumabas na din sina Denise at Jessica.

Ako na lang ang natira sa may room.

Inaayos ko pa kasi yung mga gamit na iiwanan ko sa locker ko.

Nang may biglang malamig na hangin ang dumaan sa akin.

Hay! Heto na naman.

Binilisan ko na lang ang ginagawa ko at nagmadaling palabas ng room nang parang biglang may humawak sa balikat ko kaya napatigil ako kasi ramdam ko na nakahawak pa din iyon sa balikat ko

at nang lilingunin ko na ay

"Tin, halika na! Maglagay na tayo ng gamit sa locker", sigaw ni Denise.

Nagulat ako kaya nabitawan ko ang mga gamit na dala ko.

At nang pupulutin ko na yung mga gamit kong nalaglag, pagkahawak na pagkahawak ko dun sa libro kong nalaglag sa sahig ay kasabay ng paghawak sa kamay ko ng isang kamay ng babae na dahilan para mapasigaw ako.

Dali-daling pumasok sina Denise at Jessica sa room.

"Anong nangyari sayo Tin?", sabi ni Denise.

"Okay ka lang ba? Bakit sumigaw ka?", sabi ni Jessica.

Di ko alam ang sasabihin ko.

Nang mga nagdaang araw kasi puro paramdam lang pero ngayon nagpapakita na naman siya.

Alam kong sa babae yung kamay na iyon dahil may bracelet.

"Uhhmm.. wa-wala lang yun, may nakita lang akong ipis kaya nalaglag yung mga gamit ko", sabi ko.

Ayoko ng sabihin pa yung mga nakikita ko.

Parang di din naman nila ako pinapakinggan kapag nagsasabi ako about dun.

"Akala ko naman kung ano nang nangyari sa'yo", sabi ni Jessica.

"Nakakagulat ka naman Tin, ipis lang pala ehh", sabi ni Denise.

Di ko sinasadyang isipin pero may kakaiba sa sinabing yun ni Jessica.

"Bakit Jessica? May mangyayari bang masama?", tanong ko kay Jessica.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon