Chapter 1

56 0 1
                                    

Tin's POV

Nagsimula na ang class namin.

Nag-lesson lang si Ms. Sanchez.

At pagkatapos na pagkatapos ng class namin ay lumapit sa akin ang isa naming kaklase,

"Hi! Tin right? I'm Denise. Nice to meet you!", sabi niya habang kinakamayan ako.

"Hello!", sabi ko habang nakangiti.

May lumapit ulit na kaklase namin sa akin.

"Hello! Sabay ka saming mag break ahh. Jessica nga pala. Kwentuhan tayo mamaya pag breaktime na", sabay ngiti niya sa akin.

Ngiti lang din ang sinagot ko sa kanya.

Dumating na ang teacher namin sa next subject kaya nagsiupuan na ulit sina Jessica at Denise sa kanilang mga upuan.

Nag start na ulit ang class namin.

Buti naman at magkakaroon na ako ng kaibigan, at least di na ako mag-iisa mag break at lagi na akong may kasama.

Di na ako makakaramdam pa ng kung anu ano ngayong may makakausap na din ako.

Wew!

Pero kakaiba talaga, parang may something sa klase na ito lalo na yung katabi kong bakanteng upuan, iba yung nararamdaman ko dun.

Hayaan mo na nga, wala lang to.

Sabi ko sa sarili ko sabay tingin dun sa bakanteng upuan na katabi ko.

Tapos bigla na naman akong may naramdamang kakaiba na parang may nakatingin na naman sa akin kaya tumingin na lang ako sa teacher namin at nakinig.

Pinag-walang bahala ko na lang yung naramdaman ko.

At dumating na nga ang breaktime, nilapitan ako nina Jessica at Denise at pumunta na kami sa canteen.

Bumili na kami ng pagkain namin at umupo dun sa may isang table.

"Tin, bakit ka nga pala lumipat dito?", tanong sakin ni Denise.

"Uhhmm, lumipat kasi kami ng bahay, kaya need ko na din mag change ng school, mas malapit kasi tong school na 'to sa bahay namin kaya dito ko na napiling pumasok", sagot ko sa kanila.

"Really? Oh well, welcome dito sa school natin Tin, I hope na maging masaya ka dito. Andito naman kami as your new friends kaya wag ka na mag-alala", sabi ni Jessica sabay subo ng fries na order nya.

"Thanks", sabi ko.

At madami pa kaming pinag-kwentuhan.

Nag-ring na ang bell kaya need na naming bumalik sa room.

Habang nasa may pintuan kami at papasok na sa classroom, hindi ko alam pero parang may nakita akong nakaupo dun sa may bakanteng upuan na katabi ko,

isang babae kung di ako nagkakamali nang

"Hoy Tin! bakit napapatulala ka dyan ahh? Pasok na tayo, andyan na si sir sa likod natin oh", sabi ni Denise.

Nagulat ako at napatingin kay Denise, bigla tuloy bumilis tibok ng puso ko at pagkatingin ko ulit dun sa upuan,

wala na ulit yung nakaupo.

Kinabahan ako bigla.

Parang ayoko tuloy umupo dun sa upuan ko kasi katabi ko yung bakanteng upuan kung saan ko nakita yung babae.

Pero wala akong choice kaya lumakad na ako papalapit sa upuan ko, at nang nasa tapat na ako nung upuan ko, kitang kita ko yung bakanteng upuan.

Napa-buntong hininga na lang ako tapos umupo sa upuan ko at iniwasan ko na lang tumingin dun sa katabi kong upuan.

Natatakot na kasi ako, baka kung ano na namang makita ko.

At last, last subject na namin ngayon, homeroom subject na namin.

"Okay class, class is dismiss.", sabi ni Ms. Sanchez.

Awa naman ng Diyos at wala na akong naramdamang kakaiba hanggang matapos na ulit ang class namin.

Hay! Buti naman, siguro nga kung anu ano lang naiisip ko kaya kung anu ano yung nakita at naramdaman ko sa first day ng school.

Uwian na.

"Tin, sabay na tayo lumabas ng room ni Jessica", sabi ni Denise.

"Sige, wait lang ahh, ayusin ko lang yung mga gamit ko", sabi ko.

"May locker tayo dun sa may locker room, need mo lang magdala ng padlock mo para di ka na magdala ng madaming gamit Tin, pabigat lang yan sa bag ehh", sabi ni Jessica.

"Oo nga naman Tin, sige lagay na muna namin yung iiwanan naming gamit sa may locker", sabi ni Denise.

"Tapos na ko, sabay na ko sa inyo, wait ko na lang kayo sa may labas ng locker room", sabi ko.

"Sige, tara na!", sabi ni Jessica.

At pumunta na nga kami sa may locker room, naghintay lang ako dun sa may labas habang sila ay naglalagay pa ng iiwanang gamit sa mga lockers nila.

Bukas na lang ako pipili ng locker at need ko pa bumili ng padlock.

Sana mas maging maayos na ang class bukas.

"Oy Tin, malalim na naman yang iniisip mo at napapatulala ka na naman, halika na, tapos na kami, uwi na tayo", sabi ni Denise.

"May problema ba Tin at lagi kang napapatulala?", sabat ni Jessica.

Gusto ko sanang sabihin yung mga nakita ko, yung tungkol sa babae kaso baka pagtawanan lang nila ako.

"Wala lang ito. Halika na, uwi na tayo!", sabi ko.

Pagkalabas namin sa gate, sumakay na sina Jessica at Denise sa jeep.

Kumaway ako sa kanila at ganun din ginawa nila.

At nagsimula na akong maglakad papuntang bahay.

Nakakatuwa din naman pala dito sa lugar na 'to, daming mga street foods.

Tas may nadaanan pa akong playground.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makadating na ako sa bahay.

Saktong nagluluto na si mama nang dumating ako sa bahay.

"Oh Tin anak, may meryenda dyan, kumain ka muna", sabi ni mama nung nakita nyang nasa bahay na ako.

"Sige po mama, bihis lang po ako", sabi ko.

Nakita ko yung kapatid kong nanunuod ng cartoons.

"Hi Tristan! kamusta?", sabi ko.

"Ate!", sabi ni Tristan sabay yakap sakin.

3 years old si Tristan at dalawa lang kaming magkapatid.

Pagkatapos kong yakapin si Tristan ay pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit na ako ng damit.

Kumain ng meryenda habang katabi si Tristan.

Panibagong araw na naman bukas.

Sana wala na akong makitang kung ano ano, paranoid lang ako. Wwwoohh!

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama na bibili lang ako ng padlock para sa locker ko.

Pinayagan naman ako ni mama basta uuwi lang daw ako bago mag-hapunan.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon