Chapter 12

28 0 0
                                    

Tin's POV

Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasilaw ako sa liwanag na pumapasok sa bintana ng kwarto ko kaya napapikit ulit ako at bahagyang iminulat ko ulit ang aking mga mata.

May naramdaman akong saya ng nakita ko yung liwanag.

Tapos na ang dilim.

Umaga na pala.

Napasarap ang tulog ko.

Umunat-unat ako at may natamaan ang aking mga kamay.

Nang tumingin ako sa gilid ko ay may pigurang nakabalot sa kumot na katabi ko ngayon na nakahiga.

Kaya dali-dali akong umupo at biglaan kong inalis yung kumot sa taong katabi ko ngayon.

Si Tristan lang pala.

"Hhhmm", ungot ni Tristan na parang nagrereklamo at itinaklob ulit yung kumot sa ulo niya.

Dun ko ulit naalala yung nangyari kagabi.

Napahawak ako sa dalawang binti ko na parang nakayakap dito at parang naiiyak na naman ako.

Bakit ba napapadalas ang pagpapakita sa'kin nung babaeng yun?

Natatakot na ako at gumugulo na ang isipan ko.

Bakit sa akin pa?

Bakit ako pa?

"Anak, okay ka lang ba? Umiiyak ka na naman ba?", sabi ni mama na alalang alala na naman.

Tumalikod ako kay mama at pinunasan ko ang mga luha na papatulo pa lamang sa aking mga mata.

Nakapasok na pala si mama sa kwarto ko ng di ko namamalayan.

"Okay lang ako mama, wag na po kayo mag-alala", sagot ko kay mama.

Umupo sa tabi ko si mama at inakbayan ako.

"Alam kong ayaw mong sabihin sa akin yan anak at napag-usapan na natin ito, pero hindi matahimik ang puso ko kapag nakikita kitang ganyan, basta anak lagi mong tatandaan na andito lang ako lagi at handang makinig sa'yo", sabi ni mama.

Para akong biglang nanlambot sa mga narinig ko kay mama, mapapaiyak na naman yata ako.

Malaki ang epekto sa akin ng pamilya ko lalong lalo na si mama kasi kaming tatlo na lang nina Tristan ang magkakasama.

Ang Papa ko, sabi ni mama patay na daw siya, pinatay siya at hindi pa din alam kung sino ang gumawa nun.

Kaya ganun ako ka-ingat na wag madamay o masaktan sila sa kung ano mang pinagdadaanan ko, kahit anong problema o kahit ano mang nakakasakit sa akin.

Dahil sila na lang ang meron ako, sila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

"Mama, masaya ako kasi kasama ko kayo ni Tristan", sabi ko kay mama sabay yakap sa kanya.

"Ang anak ko, naglalambing", sabi ni mama at tinugon nya ang yakap ko.

"Mama, ate, hug din ako", sabi ni Tristan at pumagitna sa amin ni mama.

"Gising na pala ang bunso namin", sabi ni mama at nagyakapan kaming  tatlo.

Jessica's POV

"Good morning friend!", masaya kong bati kay Denise nang nakita ko na siyang dumating.

"Maaga ka yatang pumasok ngayon ahh", sabi ni Denise.

"Maaga ba yun eh 5 minutes lang akong maaga sa'yo, and besides di ako papasok ng mas maaga pa at mananatili sa room na ito, lam mo yan friend", sabi ko kay Denise.

"Yeah, I know", sabi ni Denise.

Ang tipid namang magsalita nito ni Denise.

Parang bad mood na naman, umagang umaga, kahapon pa siyang ganyan ahh.

"Tipid mo namang sumagot friend, ikaw ba yan?", sabi ko kay Denise.

"Ttsss.. Wag ngayon Ica", sabi ni Denise.

"Okay fine", sabi ko na ta-tawa tawa.

"Di na pala talaga pumasok si Tin, Denise", sabi ko kay Denise.

"Oh ano naman?", sabi ni Denise.

"Wwooohhh.. anong meron friend? Bakit parang kahapon ka pa yata parang naiinis kay Tin?", tanong ko.

"Nothing", maikling sagot niya.

Mukhang meron talagang something.

"Friend, kahit di mo sabihin alam kong meron", sabi ko.

"Ano ba? Ang kulit mo naman ehh sabi ng wala di'ba?", sabi niya.

"Asus si friend, ayaw pang sabihin, tell me na, it's our secret naman ehh", sabi ko.

Kilalang kilala ko na itong si Denise, alam kong bad trip na siya pero inuurat ko pa din siya.

"Okay fine, sasabihin ko na pero wag kang maingay ahh, naiinis kasi ako kay Tin", sabi niya.

"Oh bakit ka naman naiinis? Sa tingin ko naman wala naman siyang ginagawang nakakainis ahh", sabi ko.

"Ehh kasi madalas na pinapansin siya ni Topher, matagal ko na tong tinatago pero sasabihin ko na sa'yo na crush ko si Topher Ica", pabulong niyang sabi.

"Oh my! Crush mo si...", di ko na naituloy ang sinasabi ko dahil tinakpan ni Denise ang bibig ko sabay tingin sa palagid.

"Sabi ko sa'yo kanina na wag kang maingay ehh, ayan ahh, sinabi ko na kaya wag ka nang mangulit", sabi niya.

"Kaya naman pala, so ano na?", sabi ko.

"Anong ano na? Kung yung sinasabi mo yung alam mo na mo yun, pwes di pa", sabi niya.

"Aaayy ganun? Bakit di pa?", sabi ko.

"Hindi pa ito yung right time Ica, hayaan muna natin ang time ang magpasya, time will tell", sabi niya na may kakaibang kislap sa mga labi niya.

"Yan ang Denise na kilala ko, go friend!", sabi ko.

Tin's POV

Nakaupo lang ako sa sala namin habang katabi si Tristan na nanonood ng cartoons.

"Anak uminom ka na ulit ng gamot", sabi ni mama sabay abot ng gamot at tubig na kaagad ko namang ininom.

May sinat na lang ako pero medyo nahihilo pa ako.

Ayokong mag-stay sa room ko kasi natatakot na naman akong mag-isa.

Pero alam kong bukas mag-isa na naman akong haharap sa mga trials ng buhay ko.

Sana mawala na lang ng isang iglap lahat ng ito.

"Anakk.. Tinnn.. gising na", sabi ni mama habang tinatapik ang braso ko.

"Uuhhhmmm...", ungot ko.

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko agad ang face ni mama na naka-ngiti sa akin.

"Pasensya na anak at naistorbo ko ang tulog mo, gusto ko sanang kumain tayo ng hapunan sa labas, magbihis ka na anak", sabi ni mama na ngiting-ngiti.

"Sige po mama, saglit lang at mag-aayos po ako", sabi ko.

Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon kasi lalabas kami.

Ngayon na lang ulit kami nakalabas simula ng lumipat kami dito.

"Yehey!", sabi ni Tristan na tumatalon-talon pa.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon