Chapter 24

15 0 0
                                    

Tin's POV

Nung nag bell na ay bumalik na kami sa room ni Topher.

Wala pa ding nagsasalita sa amin hanggang sa dumating na kami sa room.

Dere-deretso na kami ni Topher pumasok at bahagya akong tumingin kayna Denise at Jessica.

Bakas sa mukha ni Denise na galit siya sa akin at si Jessica naman ay matatalim ang pagtingin sa akin.

Nung uwian na ay gusto kong lumapit sa kanila pero di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Nang nakita ko na silang paalis na ay dali-dali akong tumakbo para habulin sila, pero nung pagkalabas ko sa room ay biglang may bumato sa akin ng eraser ng blackboard kaya napatigil ako.

Maya-maya lang ay sunod-sunod na akong binato, hindi lang eraser ng blackboard kundi may mga chalk na din, nilukot na papel at pagkatapos ay binuhusan ako ng harina.

Napaiyak na ako sa ginagawa sa akin.

Ang dami nilang nakapaikot sa akin at lahat sila ay tumatawa.

Tinignan ko sina Denise at Jessica na sobra ding makatawa.

"Akala mo ba tapos na? Eto ang finale!", sabi ni Jessica na parang may iminustra sa mga babaeng may dala ng timba.

Ibinuhos nila ang lahat ng laman ng timba, umiwas ako pero wala din iyong nagawa dahil basang basa pa din ako ng tubig na may halong putik.

Tuluyan na nga akong bumigay at napa-upo sa may sahig at umiyak.

Nagtawanan silang lahat, pati na ang mga itinuring kong kaibigan, ang mga minamahal kong kaibigan.

Ngayon sigurado na akong nasira na ang pagkakaibigan namin nina Denise at Jessica sa di ko malamang dahilan.

Tinignan ko silang lahat at nakita ko ang babaeng multo sa may tabi ni Denise na sumasabay din sa pagtawa.

Dumadaloy pa din ang mga dugo sa ulo niya at sa mata niya habang tumatawa siya.

"Kung inaakala mong ito na ang katapusan, pwes para sabihin ko sa'yo, ito pa lang ang simula", sabi ni Denise sa akin na hindi man lang makikitaan ng awa sa nangyari sa akin.

Naghiyawan ang lahat ng nandoon kasabay ng lalong paglakas ng tawa ng babaeng multo na dahilan para lalong lumabas ang dugo sa kanyang ulo at mga mata.

At umalis na sina Denise at Jessica na di man lang lumilingon sa akin, at ang lahat ng nakapaligid sa akin kanina ay umalis na din.

Nakasalampak lang ako sa sahig habang umiiyak.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagawa kong mali kung bakit ginagawa nina Denise at Jessica sa akin ito.

"Hahaha! Nakakaawa ka naman", sabi ng isang tinig.

Tinig na alam kong sa babaeng yun nagmula.

"Pano ba yan wala ka ng kaibigan?", dagdag pa niya.

"Masakit ba? Masakit bang wala ni sino man ang gustong makasama ka?", dagdag pa niya.

Tumakbo ako palabas ng school namin at umuwi sa bahay.

"Anak! Bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sa'yo?", nag-aalalang tanong sa'kin ni mama nang makita niyang basang basa ako ng tubig na may putik at puro harina.

"Mama...", ang tanging nasabi ko at niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin.

"Tama na anak, magiging okay din ang lahat. Hindi mo kailangang magsalita para malaman kong may problema ka", sabi ni mama habang pinupunasan ang luha ko.

"Oh siya! Halika na muna sa kwarto mo at maglinis ng katawan, baka magkasakit ka pa niyan", sabi ni mama at inalalayan ako papuntang kwarto.

Nang naglalakad na kami papuntang kwarto ay nagulat ako ng nakita si Elisse dala-dala ang teddy bear niya sa bahay namin na naka-upo sa upuan sa kitchen at nakatingin sa may gate namin na parang takot na takot.

Di ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na akong umakyat sa kwarto ko.

Denise's POV

"Success tayo friend!", tuwang tuwang sabi ni Jessica habang naglalakad kami paalis kay Tin.

"Success kaagad eh nagsisimula pa lang tayo", sabi ko sa kanya.

"Sorry na friend! Di ko lang maitago ang sayang nararamdaman ko ngayon! Oh my, I miss this feeling!", tuwang tuwang sabi ni Jessica.

Parang mas masama pa yata tong si Ica sa'kin ehh. Haha!

"Excited na ako bukas!", dagdag pa ng tuwang tuwang si Jessica.

"Yeah! Same here, eto kaya una kong bihag", naka-ngiting sabi ko.

In fairness, may tama din naman si Ica, ang sarap sa feeling na nagagawa na ulit namin ito and ako pa yung empress ngayon.

And yes, ako na ang Empress ng empire namin, and sobrang saya ko talaga kasi ako ang ginawang Lady ng dati naming Empress which is I have the chance to be the next Empress and I am na nga ngayon.

And our mission is to bully someone. Yeah! And we don't care kung ano man sabihin ng iba because wala naman silang magagawa ehh.

Wala ni sino man ang kumakalaban sa empire namin or should I say my group and dito kami masaya, dito kami masaya ng empire ko.

I chose Tin bilang una kong bihag kasi transferee siya and she don't know about the group and kung anong ginagawa namin.

Nang unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko nang siya ang perfect na una kong maging bihag bilang Empress and hindi nga ako nagkamali dun.

Mahina siya and she can't even fight. Kaunting dahilan umiiyak na kaagad. Ttsss. And it's really pissing me, such a weakling!

Bagay lang sa kanya yan! Hindi ko naman talaga gustong maging harsh sa kanya ng ganun kaso nga lang nilalandi niya si Topher ehh.

I don't care kung ipagtanggol siya ni Topher kasi no one can stop us, and mas ipapakita ko pa kay Topher kung gaano ko pahihirapan si Tin.

Seeing her in pain makes my heart so happy.

Actually kahit hindi si Tin yung bihag namin ay ganun pa din mararamdaman ko.

Happiness!

Kakaiba ang saya ng ginagawa namin. Saya na ito lang ang makakagawa nito sa amin.

And we dont have any reason kung bakit namin ito ginagawa, basta this is just for FUN!

Tin, be ready sa mga gagawin pa namin sa'yo because ito na ang simula ng paghihirap mo and I'll make sure na araw-araw kang iiyak dahil sa hirap at lungkot.

Hahahaha!

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon