Chapter 11

24 0 0
                                    

Tin's POV

Pagkaalis nina Jessica at Denise ay umupo na ulit ako sa couch namin.

"Anak, pumasok ka na ng kwarto mo ng makapag-pahinga ka na ng ayos", sabi ni mama.

"Sige po mama!", sagot ko.

"Mama, may sakit po si ate?", tanong ni Tristan kay mama.

"Oo anak, kaya wag mo munang kukulitin si ate mo, pagpahingahin mo sya huh", sabi ni mama.

Maya-maya lang ay pumasok na ako sa kwarto ko at humiga kaagad sa kama.

Gusto ko lang humiga at matulog, kahit na half ng araw ko ay nasa clinic lang ako.

Bigla ko na naman naalala yung nangyari sa clinic kanina.

Tumaas lahat ang balahibo ko at nakaramdam na naman ako ng takot.

Sumiksik na lang ako sa aking kama at hinanap ng aking mga kamay ang kumot ko habang nakapikit pa din ako.

Dahil sa nakaramdam ako ng takot ay parang natatakot na din akong imulat ang mga mata ko, baka pagmulat ko ay nasa harapan ko na yung babae.

Rinig na rinig ko ang malalalim kong paghinga.

Palinga-linga ako sa paligid ngunit wala akong makita kundi ang kaunting liwanag na nanggagaling sa buwan.

Napahawak ako sa dibdib ko at bumibilis na ang tibok ng puso ko.

Nasaan na ba ako? Natatakot na ako.

"May tao ba dyan?", sigaw ko.

Sige lang ako sa paglalakad baka mahanap ko ang daanan palabas dito.

Maya-maya lang ay may naririnig akong mga yapag na parang naglalakad.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at naninigas ang buong katawan ko.

Napatigil ako sa paglalakad at nawala din ang mga yapag na naririnig ko.

Kahit nakakaramdam na ako ng takot ay nakakuha pa din ako ng lakas para ipagpatuloy ang paglalakad ko.

Nang nagsimula na ulit ako maglakad ay nagsimula ko na naman marinig ang mga yapag.

Huwag mong sabihing may sumusunod sa akin?

Ayokong isipin pero pakiramdam ko talaga ay may tao sa likod ko na sumusunod sa bawat galaw ko.

Napapa-iyak na ako sa sobrang kaba at takot kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko, dahilan para bumilis din ang ang yapag na naririnig ko.

Kahit takot na takot na ako ay tumigil na ako sa paglalakad.

Hindi na talaga ako pwedeng magkamali, may sumusunod talaga sa akin.

Mas natatakot ako kapag naririnig ko yung mga yapag ng sumusunod sakin na papalapit sa kinatatayuan ko.

Kaya wala man sa loob ko ay unti-unti kong ginalaw ang leeg ko para lingunin ang nasa likod ko.

Bahagya lang ako lumingon, sapat na para makita kong may pigurang nakatayo malayo sa akin.

Napapikit na lang ako at tuluyan  na ngang dumaloy ang luha sa aking mga mata.

Gusto ko ng umalis sa lugar na ito, gusto ko ng makaalis sa dilim na ito.

Iniayos kong bigla ang aking ulo patungo ulit sa harapan at dali-daling iminulat ko ang aking mga mata para sana tumakbo ulit pero tumaas ang balahibo ko nang pagmulat ko ay

nasa harapan na ng mukha ko ang mukha ng babae na sumisigaw at galit na galit.

Nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko dahilan para hindi ako makaalis sa pagkakatayo ko.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon