Chapter 13

22 0 0
                                    

Tin's POV

Pagkababa namin sa tricycle, nauna na sina mama at Tristan sa loob ng restaurant na kakainan namin at ako naman ay nagbayad pa sa tricycle driver.

Nang palakad na ako papasok sa restaurant ay may biglang humawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako at mapatingin sa kanya

"Hindi biro ang kinakaharap mo ngayon at kakaharapin mo pa, hindi mo siya matatakasan dahil malapit na, malapit na siya sa iyo", sabi niya sa akin habang titig na titig sa aking mga mata.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi niya.

"Anong sinasabi mo? Sino ba siya?", tanong ko sa kanya.

"Ay naku! Andito ka lang pala. Halika na at umuwi na tayo", sabi ng isang ale habang hinahawakan ang kausap ko at napatingin sa'kin.

"Oh iha! Ikaw yung bagong kapit-bahay namin ahh. Asan ang mama mo?", sabi ng ale.

Kapit-bahay pala naman sila.

"Lagi kang mag-iingat dahil ngayong nakita ka na nya ay lalo syang lumalakas", sabi nung babaeng kausap ko kanina habang patingin-tingin sa paligid at parang natatakot.

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"Ano ka ba Elisse! Wag mong takutin ang kapit-bahay natin", sabi niya sa babae.

Elisse pala ang pangalan niya.

"Iha, pasensya ka na sa anak ko at medyo hindi ayos ang kanyang pag-iisip", pagpa-pasensya ng ale sabay ngiti.

"Agatha ang pangalan ko iha, pabati na lang din ako sa nanay mo, dun lang kami nakatira sa tapat ng bahay nyo, oh siya, una na kami", dagdag pa niya.

"Sige po, ingat po", sabi ko.

Samantalang si Elisse ay nakatitig sa akin na parang natatakot pa din.

Pagkaalis nila ay pumasok na ako sa restaurant.

Nang makita ko kung saan nakaupo sina mama ay pinuntahan ko na sila at pagkaupong-upo ko ay napa-buntong hininga ako.

"Oh anak, anong nangyari sa'yo kanina at ang tagal mo dumating dito?", sabi ni mama na nag-aalala na naman.

"Wala po mama! Nakasalubong ko po kasi yung kapit-bahay natin, sabi niya siya daw si Aling Agatha", sabi ko.

"Aaahh. Si Agatha, nakilala ko na siya anak, katapat sila ng bahay natin", sabi ni mama na umaliwalas na ang mukha.

"Mama, nakita nyo na po ba yung anak niya, si Elisse?", sabi ko kay mama.

"Aahh, oo anak, nag-iisang anak niyang babae yun, yun nga lang daw ay hindi daw ayos ang pag-iisip ng batang yun", sabi ni mama.

"Bakit daw po? Ano pong nangyari sa kanya?", tanong ko pa kay mama.

"Ma'am, eto na po yung foods niyo, enjoy your food", pagpuputol ng waiter sa usapan namin habang binababa ang mga pagkain na in-order ni mama.

"Salamat", sabi ni mama sa waiter sabay ngiti.

"Mama, ano po nangyari kay Elisse?", tanong ko ulit kay mama.

Nahihiwagaan ako kay Elisse.

Kahit sinasabi nilang hindi ayos ang pag-iisip nito, pero sa tingin ko ay isa siya sa pedeng maka-sagot sa mga tanong ko.

"Kain na tayo! Hungry na po ako", sabi ni Tristan na paiyak na.

"Tristan, oh eto anak, kain na, ikaw din Tin kumain ka na din", sabi ni mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Tristan.

Hindi ako matatahimik hangga't di ko ulit nakakausap si Elisse kahit anong mangyari.

Wala akong pakielam kahit na di ayos ang pag-iisip niya.

Alam kong may kakaiba akong nararamdaman sa kanya at maaaring isa siya sa makaka-sagot sa tanong ko.

Agatha's POV

"Iho nakita mo ba ang anak ko? Mahaba ang buhok niya at naka-dress siyang puti", tanong ko sa naka-salubong kong waiter.

"Naku Ma'am! Nakita ko po yata ang anak niyo na naglalakad papuntang labasan po", sagot ng waiter.

"Salamat iho", sagot ko.

Dali-dali akong pumunta sa may pintuan ng restaurant.

Hindi maayos ang pag-iisip ng anak ko kaya lagi akong nag-aalala para sa kanya.

Kahit papano ay gusto ko din naman niyang maranasan ang buhay sa labas.

Kaya napagpasiyahan kong kumain kami sa labas, minsan lang naman ito.

Hindi ko akalaing aalis pala ang anak ko sa CR.

Pumasok ako sa isang cubicle ng CR at napanatag akong iwanan muna siya doon dahil nasa loob naman kami ng CR at di siya makakalayo.

Noon naman ay matino pa ang pag-iisip niya pero simula nung namatay ang kasintahan niya ay naging ganito na siya.

Nung tinatawag ko na siya ay walang sumasagot kaya dali-dali akong lumabas sa cubicle ng CR at pagtingin ko sa paligid ay wala na sa loob si Elisse.

At nung paglabas ko sa pintuan ng restaurant ay nakita ko si Elisse na hawak-hawak sa braso ang isang babae at kinakausap niya ito.

Nagmamadali akong pumunta sa kanila at nakilala ko yung babaeng hawak ni Elisse.

Anak siya ng bagong kapit-bahay namin.

Kinausap ko siya at nag-pasensya sa ginawa ng anak ko at umalis.

Pagkasakay namin ni Elisse sa kotse ay tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko.

"Elisse, anak, wag ka naman magsabi ng ganun sa ibang tao", sabi ko sa kanya.

"May malakas na enerhiya akong nararamdaman sa kanya, malapit na siya sa kanya, lalo siyang lumalakas", sabi niya na parang takot na takot.

"Anak ko", sabi ko sa kanya at naluluha na habang hinahawakan ang kanyang balikat.

Kelan ka ba babalik sa dati?

Ang masiyahin kong anak.

Pagkauwi namin sa bahay ay inalalayan ko siya papasok at inihiga siya sa kanyang kama.

Pagkahiga niya ay niyakap niya ang kanyang teddy bear na bigay sa kanya ng kanyang kasintahan at niyakap.

"Mahal ko! Na-miss kita", sabi niya at niyakap ng mahigpit ang teddy bear.

Napapa-luha ako sa nakikita ko ngayon sa anak ko at niyakap siya.

Mahal na mahal niya ang kasintahan niyang iyon.

Nalungkot din ako sa pagkamatay ng kasintahan niya dahil naging mabuti naman ito hindi lang sa anak ko kundi pati sa amin.

Medyo tahimik lamang ito at lagi silang wala ng anak ko.

Simula ng nakilala siya ng anak ko ay may iilan-ilan akong napapansing pagbabago pero di naman ito nakaka-apekto ng masama kay Elisse.

As long as nakikita kong masaya sila ni Elisse ay di ko na sila pinakeelaman.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon