Chapter 9

21 0 0
                                    

Tin's POV

"Oh Tin, okay ka na ba? Bakit naka-upo ka na dyan?", tanong ni Jessica sakin nung nakita nila akong naka-upo na sa harap ng table ng nurse.

"Okay na ako. Medyo mabuti na ang pakiramdam ko kesa kanina", sagot ko kay Jessica.

"Sigurado ka ba dyan Tin? Eh parang namumutla ka pa ehh!", sabi ni Denise.

"Wag na kayong mag-alala, okay na talaga ako, ipa-pahinga ko na lang ito sa bahay pag-uwi ko", sabi ko sa kanilang dalawa sabay ngiti ng bahagya dahil di pa talaga masyadong mabuti ang pakiramdam ko.

"Edi kung ganun halika na at umuwi na tayo. Kaya nga nandito kami ni Denise para sunduin ka para sabay-sabay na tayong uuwi", sabi ni Jessica na nakahawak na sa kaliwa kong kamay.

"Miss, pumirma ka muna dito bago ka umalis. Tsaka kung bumalik yung lagnat mo ay uminom ka lang ulit ng gamot", sabi ng nurse habang nakaturo dun sa mga papel na nakalapag sa table.

Pagkatapos kong pumirma ay tumayo na ako at sabay sabay na kaming nagpaalam sa nurse.

"Ingat sa pag-uwi! Miss Tin sa susunod wag mo na akong gugulatin ahh. Hehe", sabi ng nurse sabay ngiti sa amin.

"Opo, hindi na po. Sorry po talaga kanina! Una na po kami", sagot ko sa nurse at kumaway na ako sa kanya.

Lumabas na nga kami sa may clinic at naglalakad na palabas.

"Ano yung sinasabi ng nurse kanina?", nagtatakang tanong ni Denise.

Di muna ako nakasagot sa tanong ni Denise.

Ayoko na kasi talagang mag kwento about dun.

Kapag naaalala ko yung nangyari kanina ay kinakalibutan pa din ako.

Kitang kita ko ang mukha nung babae at mukhang galit na galit siyang nakatitig sa akin.

Napahawak ako sa dalawa kong braso na parang nilalamig.

"Oy Tin. Okay ka lang ba? Bakit di ka sumasagot? Oyyy. May nararamdaman ka ba?", nag-aalalang tanong ni Jessica sa akin na nakahawak na sa balikat ko.

"Ahhmm. Sorry medyo parang nahilo lang ako", sagot ko kay Jessica at napatigil na ako sa paglalakad.

Maganda na ding nakaramdam ako bigla ng paghilo para tumigil na sila sa pagtatanong sa nangyari kanina.

Alam ko namang di nila ako titigilan at baka masabi ko pa yung nakita ko.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko pero simula nung nagsabi ako sa kanila about sa mga nakikita ko at binalewala nila yun ay feeling ko wala na ding kwenta kung magsabi pa ako sa kanila.

"Ay naku! Di ka pa nga okay. Ihahatid ka na namin sa bahay nyo, sabi mo naman malapit lang kayo dito", sabi ni Denise na parang pinagdidiinan ang sinasabi niya.

"Oo nga! Wag ka nang tumanggi Tin. May sakit ka ngayon. Baka mahimatay ka na lang diyan sa tabi-tabi", dagdag pa ni Jessica.

"Makakatanggi pa ba ako sa lagay na yan?", yun na lang ang nasabi ko at inalalayan na nila akong dalawa habang naglalakad.

Nang nakalabas na kami sa school ay dumiretso sina Denise at Jessica sa may pila ng tricycle.

"Oh bakit tayo mag-tricycle? Malapit lang bahay namin dito", tanong ko sa kanila.

"Malamang maglakad tayo nang ganyan ang itsura mo? Nahihilo ka pa nga diba TIN?", sabi ni Denise.

Ako lang ba o parang kakaiba si Denise ngayon? Parang ang sungit nya yata ngayon.

"May point naman si Denise, Tin. Sumakay na tayo para maka-uwi ka na at makapag-pahinga ka na", sabi naman ni Jessica.

At sumakay na nga kami ng tricycle at itinuro ko ang daan sa tricycle driver.

Nang nakadating na kami sa bahay ay sinalubong ako kaagad ni Tristan.

"Ate!", tawag ni Tristan sakin na tuwang-tuwa pa.

"Anak, andyan ka na pala. Anong nangyari sa'yo anak? Bakit namumutla ka?", nag-aalalang tanong ng nanay ko ng nakita nyang inaalalayan ako nina Denise at Jessica.

"Good afternoon po Tita! May sakit po si Tin pero nakapag-pahinga na po siya sa may clinic kanina at nakainom na din po ng gamot", sabi ni Jessica sa nanay ko.

"Salamat sa paghatid kay Tin dito sa bahay. Ano palang pangalan niyo? Umupo muna kayo diyan at maghahanda lang ako ng makakain niyo", sabi ni Mama sa mga kaibigan ko habang inaalalayan ako paupo sa couch namin.

"Jessica po at eto naman po so Denise", sabi ni Jessica kay Mama habang tinuturo si Denise pagkasabi ng pangalan nito. Ngumiti lang si Denise kay Mama.

"Salamat sa inyo Jessica at Denise. Eto kumain muna kayo. Pasensya na kayo at yan lang ang naihain ko sa inyo", sabi ni mama.

"Naku tita, thanks na lang po. Medyo pagabi na din po kasi, need na po naming umuwi ni Jessica", sabi ni Denise sabay tingin kay Jessica.

"Mga anak, sige na kumain na kayo. Pasasalamat ko na din ito sa inyo dahil sa paghatid niyo kay Tin", pagpipilit ni mama sa mga kaibigan ko.

"Sige na nga po. Thanks tita", sagot ni Jessica.

"Okay po", maikling sagot ni Denise.

"Mabuti naman kung ganun", sagot ni mama na naka-ngiti sa mga kaibigan ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo anak? Mainit ka ahh! Teka lang at ikukuha kita ng gamot", sabi ni mama habang nakahawak sa noo ko at umalis para kumuha ng gamot.

Tahimik lang kami, nakaupo lang ako habang nakasandal sa dulo ng couch at sila naman ay kumakain ng inihain ni mama sa kanila.

"Oh eto anak, inumin mo", sabi ni mama sabay bigay ng gamot sa akin at isang basong tubig at ininom yun.

"Ahhh tita. Una na po kami. Salamat po sa pagkain", sabi ni Jessica.

"Walang anuman yun. Sige, mag-iingat kayo pag-uwi at salamat ulit mga iha!", sagot ni mama.

"Sige po. Salamat po", sabi ni Denise.

"Alis na kami Tin. Makakapasok ka ba bukas?", tanong sakin ni Jessica.

"Di ko pa alam Jessica. Kung di na masama ang pakiramdam ko ay papasok ako bukas. Salamat talaga sa paghatid sakin Denise at Jessica", sabi ko sa kanila.

"Ganun? Sige una na kami", sabi ni Denise.

"Byebye!", sabi ni Jessica habang kumakaway.

"Byebye. Ingat kayo!", sabi ko at kumaway na din.

At umuwi na sina Denise at Jessica.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon