Chapter 26

12 0 0
                                    

Tin's POV

"Sigurado ka ba anak? Papasok ka ngayon?", nag-aalalang tanong sa akin ni mama.

"Opo mama, okay lang talaga ako, wag na po kayong mag-alala", sagot ko kay mama.

Okay ba talaga ako? Hindi. Hindi naman talaga okay.

Alam kong sa pagpasok ko ulit sa school ay baka, hindi baka kundi may mangyayari na namang masama sa akin.

Pero kung hindi ako papasok, masasayang ang paghihirap ni mama para lang makapag-aral ako.

"Sa itsura mo anak kagabi, hindi ko alam kung pabor akong pumasok ka ngayon", sabi ni mama.

"Hindi ko man alam kung ano ba talaga ang nangyari kagabi, pero makita pa lang kita anak, alam kong may problema dyan, dyan sa puso mo", dagdag ni mama sabay turo sa dibdib ko banda sa puso.

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Lalo pa akong napaiyak ng yakapin niya ako.

Lumapit din si Tristan at niyakap din ako at umiiyak na din siya.

Samantalang si Elisse ay nakaupo at tinitignan kami habang kinakausap ang teddy bear niya.

"Mama, papasok pa din ako, magiging okay din po ako", sabi ko kay mama sabay punas ng luha sa aking pisngi.

Sapat na sa'kin na mayakap ang pamilya ko para bigyan ako ng lakas na lampasan ang mga problemang kinakaharap ko.

"Wala naman akong magagawa anak kung iyan ang desisyon mo, basta anak lagi ka mag-iingat at andito lang ako palagi para makinig sa'yo, tandaan mo yan", sabi ni mama sa'kin habang hinihimas ang braso ko.

Tumalikod na ako kay mama dahil tutulo na naman ang luha sa aking mga mata.

"Sige po ma, una na po ako", pagpapaalam ko kay mama.

"Kung ano mang mangyaring masama anak, umuwi ka na kaagad, lagi ka mag-iingat", sabi ni mama.

"Opo", sagot ko.

"Babay ate", dagdag ni Tristan.

***

Napatigil ako sa paglalakad nang nasa harap na ako ng gate ng school namin, tinignan ko ito simula sa taas hanggang pababa.

Huminga ako ng malalim sabay lakad papasok na sa school.

Pagpasok ko ay mukha namang walang sasalubong sa'kin para gawan ako ng masama.

Denise's POV

"Empress Denise, dumating na po ang bihag natin", sabi ng isa kong alipores.

Ang captive namin, bihag, ang bihag na walang kaalam-alam na siya na ang napili ng dynasty ko para sa gagawin naming war.

Walang iba kundi si Tin, ang kauna-unahang bihag sa panunugkulan ko bilang Empress.

"Okay! Simulan nyo na ang warm up!", sabi ko.

Tanaw ko na si Tin na naglalakad papunta sa may locker room.

Pagtulak niya sa pinto ng locker room ay bumagsak sa kanya ang tubig galing sa may baldeng nakapatong sa may itaas ng pintuan.

Lalo pa akong natawa ng nalaglag din ang balde sa may uluhan niya na nagdulot kay Tin para mapa-upo at mapa-hawak sa ulo nito.

Wala akong pakielam kung marinig niya ang pagtawa ko, basta tatawa ako sa kaligayahang dinudulot niya sa akin ngayon.

Nilagyan naman ng mga alipores ko ng dishwashing liquid ang uluhan nya, pumalag siya pero hinawakan siya ng dalawa ko pang alipores sa magkabilang braso, samatalang ang isa ay inihilamos pa ang dishwashing liquid sa mukha niya at napapikit pa siya.

Lumapit ako kay Tin na ngayon ay naka-pikit dahil sa dishwashing liquid na nasa mata na din niya.

"Baka kasi di ka pa naliligo pagpasok kaya ayan pinaliguan ka na namin para di ka naman mangamoy", sabi ko sa kanya na medyo pinipigilan pa ang pagtawa.

"Let's go girls", sabi ko sabay alis.

Samantalang ang isa naman sa mga girls ko ay nag-take ng picture ni Tin.

Sherwin's POV

Naglalakad na akong papuntang room ng makita kong may nakaupo sa may dadaanan ko.

Sino ba ito at dito pa talaga niya napag-tripan na umupo, ayos trip nitong babaeng ito.

Nang dumaan na ako ay napatingin ako sa babaeng naka-upo sa daanan.

Napahinto ako at napatingin ulit sa babaeng nagpupunas ng mukha gamit ang panyo at basang basa, at parang may something na liquid sa uluhan at mukha niya.

Teka lang, parang kilala ko ito ahh, oo nga, si Tin ito ahh, bakit ganyan itsura niya? Mag nagbu-bully ba sa kanya?

Lapitan ko kaya siya at tulungan?

Hindi! Bakit ko naman siya tutulungan? Sino ba siya? Ako kaya si Sherwin at walang sinuman akong tutulungan.

Tumalikod na ulit ako at naglakad ulit.

Pero di ako matahimik kaya hunarap na ulit ako kay Tin at maglalakad na sana palapit sa kanya ng nakita kong may lalaking pumunta sa kanya at pinupunasan siya.

Ahhh, oo, siya yung lalaking nagtanggol kay Tin nung nakabangga ko siya dati.

May tutulong na naman sa kanya ehh, bakit pa ba ako nandito?

Tumalikod na ulit ako at patuloy maglakad.

Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng inis, dapat ako yung nasa tabi ngayon ni Tin para tulungan siya, hindi yung lalaking yun.

Ano ba itong mga sinasabi ko? Hayy nakuu. Dapat di ko siya iniisip. Nobody lang siya sa buhay ko.

Walang makakapalit sa isip ko kundi ang nag-iisang babaeng minamahal ko.

"Oh pare, mukhang malalim ang iniisip natin ahh, anong meron?", sabi ng isa kong tropa na sumabay na din sa paglalakad.

"Wala pare", sabi ko.

Topher's POV

Maaga akong pumasok simula ng nalaman kong si Tin ang napili ng grupo ni Denise bilang bihag nila.

Hindi ko nga ba alam kung bakit nagkaroon pa ng ganyang grupo dito sa school na walang ginawa kundi mang-bully ng mga student dito.

At ang mas nakakainis pa dito ay hinahayaan lang ng school ang mga ito sa mga ginagawa nila.

Porke't ba may katungkulan lang ang pamilya nina Denise ay may karapatan na siyang gawin ito lalo na kay Tin.

Bakit si Tin pa? Bakit siya pa na wala namang ginagawang masama? Porke't ba bago lang siya dito ay gina-ganito na siya?

Naglalakad na ako papunta sa locker room ng nakita ko ang isang babae na nakaupo sa may daanan at nagpupunas ng mukha niya, basang basa ito at may kung anong likidong nasa uluhan nito.

Hindi ako pwedeng magkamali, si Tin ito.

Dali-dali akong pumunta sa kanya at kinuha kaagad ang panyong nasa bulsa ko at tinulungan siyang magpunas.

Napahinto siya sa pagpupunas at napatingin siya sa akin nang biglang may tumulong luha sa kanyang mga mata, pinunasan ko yun at lalong tumulo ang luha niya.

"To..pher", nanginginig niyang sabi na parang pinipilit niyang pigilan ulit ang pag-iyak niyang alam kong kanina pa niyang tinitiis na wag ilabas.

"Sige lang Tin! Iiyak mo lang yan", sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon