Chapter 21

14 0 0
                                    

Tin's POV

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita at di ko din alam kung saan kami pupunta.

Tuwing naaalala ko yung nangyari kanina ay di ko mapigilang manginig ang aking katawan at medyo napapaluha pa ako.

"Oyy.. Ok ka lang ba? Nilalamig ka ba?", sabi ni Sherwin na sumusulyap sa akin habang nag drive siya.

"Hindi", sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Eh bakit nanginginig ka kanina?", tanong niya.

"Wala lang yun", sagot ko sabay tingin sa may labas.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at dinama ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha ko sabay pikit ng mga mata ko.

Masarap sa pakiramdam ang ganito, parang nabibigyan ako ng peace of mind tuwing dumadampi ang hangin sa mukha ko.

Biglang pumreno ang kotse kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin siya sa may rear mirror ng kotse niya sabay lingon sa may back seat, tapos humarap ulit siya sa manibela na parang mangiyak-ngiyak.

"Bbaakkit? Anong nangyari?", sabi ko.

Parang di nya ako napapakinggan at malalim na malalim ang iniisip, maya maya lang ay may tumutulo ng luha sa kanyang mga mata.

Ibang iba talaga ang nakikita kong Sherwin ngayon, yung Sherwin na mahina at may kalungkutan sa puso niya.

"Sherwin", tawag ko sa kanya sabay hawak sa kaliwang balikat niya.

Napatingin siya sa'kin na may lungkot sa mga mata, dahan dahan kong pinunasan ang pisngi niyang may luha at humarap siya ulit sa manubela.

"San ang bahay nyo?", sabi niya.

"Huh? Bakit?", nagtatakang sabi ko.

"Ihahatid na kita", mahina niyang sabi.

Itinuro ko kung saan ang bahay namin, at nang nasa harapan na kami ng bahay ko.

"Uuhhhmmm.. Salamat sa paghatid", sabi ko sabay ngiti ng kaunti at bumaba ng kotse.

Pagkababa ko'y pinaandar na niya ang kotse at umalis.

Pero nagulat ako nang nakita kong may babaeng nakasakay sa may back seat at nakatingin kay Sherwin.

Tumakbo ako para sabihan si Sherwin sa nakita ko, tinatawag ko siya pero hindi siya humihinto.

Bahagyang lumingon sa'kin yung babae, nahaharangan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha pero kita ko na bahagyang ngumiti ito, ngiting alam kong hindi maganda.

Hindi maaari ito, hindi, hindi ako pwedeng magkamali pero parang siya yung babaeng multo na nakikita ko.

Topher's POV

Medyo maaga akong pumasok ngayon para mabati ko si Tin.

Nung may mga classmate na ako sa room ay pumasok na din ako.

Nilapag ko ang aking bag sa upuan at tumambay ako sa may bandang pintuan, sumandal ako sa wall at patingin-tingin sa labas.

"Aba! Ambango mo ngayon Topher ahh", sabi ni Beatrice sa'kin pagpasok niya sa room.

"Bakit? Lagi ba akong mabaho? Haha!", sabi ko na tatawa-tawa pa.

"Haha! Ikaw nagsabi nyan huh hindi ako", sabi niya na tumatawa-tawa din nang dumaan si Denise na ngumiti pa sa akin at biglang simangot ng tinignan si Beatrice.

"Alam mo Topher, matagal ko nang napapansin na pasulyap-sulyap sa'yo yang si Denise, tsaka sa ngiti pa lang niya kanina sa'yo mukhang may something", mahinang sabi ni Beatrice na nakatingin kay Denise sabay tingin sa akin.

"Wag ka ngang ano Beatrice, umupo ka na nga sa upuan mo. Haha! Dami mong sinasabi", sabi ko.

"Oo na, heto na nga ohh. Haha! Akala mo naman kung sinong tahimik, joke!", sabi ni Beatrice at naglakad na papunta sa upuan niya.

Maya-maya lang ay dumating na si Tin at papasok na sa room.

Hindi ko alam kung sasandal ba ako sa wall o tatayo lang, sumandal na lang ako habang nakapasok ang isang kamay ko sa bulsa ko.

"Good morning sa pinaka-magandang babae dito sa school!", bati ko sa kanya na may kakaibang kislap sa mga mata ko at ngiting hanggang tenga.

Napatingin sa'kin si Tin na nagtataka sabay tingin sa paligid niya at humarap ulit sa'kin sabay tinuro ang sarili niyang parang nagtatanong kung siya ba yung tinutukoy ko.

Kahit kailan talaga ang cute niya. Hehe!

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya at biglang namula ang mga pisngi niya at yumuko't lumihis ng paningin sa akin.

"Aba! Si pareng Topher binata na", sabi ni Aaron habang pumapalakpak na nasa harapan na pala namin at pumalakpak ang lahat habang nagtatawanan.

"Aahh sige, upo na ako", sabi ni Tin na nakayuko at nililihis ang paningin sa'kin pero bakas ang ngiti sa kanyang labi.

At pumunta na sa upuan niya si Tin habang tinitignan ko siya.

"Ang galing mo pare eh no? Panira ka ng diskarte", sabi ko kay Aaron.

"Haha! Kasalanan bang sabihin na di ka na torpe? Wahaha!", sabi niya.

Sabay na kaming pumunta sa mga upuan namin at maya maya lang ay dumating na si Ms. Sanchez at nagsimula na ang klase.

*break*

Tinitignan ko si Tin na naglalakad papunta kena Denise.

"Ooyy pare baka matunaw na yan", sabi ng isa kong kaibigan.

"Come on guys! Kain na tayo", sabi ni Beatrice.

Ngumiti lang ako sa kanila at sabay-sabay na kaming pumunta ng canteen.

"Uyyyy! Alam nyo na ba yung balita?", sabi ng isa kong kaibigan.

"Anong balita yan?", tanong ni Beatrice.

"Sina Sherwin at Tin nakitang magkasama kahapon", dagdag niya pa.

Napatingin ako sa kanya.

Bakit naman sila magkasama kahapon?

Si Sherwin at Tin? Hhmmmm.

Eh parang last week lang halos sapakin na ni Sherwin si Tin ng dahil lang sa upuan.

"Kung makatitig ka naman sa'kin Topher parang kakainin mo ko ng buhay ehh", sabi niya na tatawa-tawa at nagtawanan din ang buong tropa.

"Bilis bilisan mo kasi sa pagkwekwento at naiinip si Topher dahil gusto niyang malaman kung anong nangyari lalo na't si Tin ang involve", sabi ni Aaron.

"Wwoohh! Eto na nga ang chismis, may nakakita kena Tin at Sherwin na magkasama, di lang basta magkasama kundi nakahawak pa si Tin sa braso ni Sherwin at sumama pa hanggang sa kotse", sabi niya.

"Oh my! Wag mong sabihin na si Tin at si Sherwin...", sabi ni Beatrice.

"Hindi, hindi ganun si Tin", pagpipigil ko sa sinasabi ni Beatrice na seryoso ang mukha.

Napatahimik silang lahat at itinuloy na ang pagkain.

Nang nag-bell na ay bumalik na ulit kami sa room.

"Pare, hindi naman sa inuunahan kita pero mukhang kursunada ni Sherwin si Tin, baka maunahan ka nyan, alam kong matagal mo nang gusto yang si Tin ehh", sabi ni Aaron sa akin.

"Pero pare ingat ka din, kasi si Sherwin ang makakalaban mo kay Tin, di natin alam kung totoo ba talaga yung balita pero baka may ugnayan na din yung dalawa, kaya pare pag isipan mo yan", dagdag pa niya sabay hawak sa balikat ko.

Paminsan-minsan nagiging matino din itong bestfriend kong si Aaron.

"Oo pare, salamat sa paalala", sabi ko sa kanya.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon