Chapter 3

40 0 1
                                    

Denise's POV

1st day of class na ulit.

Yung mga kaklase ko may mga kanya kanyang ginagawa nang pumasok na yung teacher namin, si Ms. Sanchez pala.

"Good morning class, ako nga pala si Ms. Andrea Sanchez, ang magiging class adviser nyo at magiging teacher niyo sa Filipino. Masaya akong makilala kayong lahat. At may isa pa palang magpapakilala sa inyo, Miss, halika pumasok ka at magpakilala", sabi ni Ms. Sanchez.

Sabay pasok ng isang babaeng student sa loob ng classroom.

May bago pala kaming magiging kaklase.

Hhhmmm.

"Good morning! Just call me Tin, Nice to meet you all!", sabi ng new student.

Tin pala ang pangalan niya.

Kakausapin ko na lang siya mamaya.

Nagulat ako nang sinabi ni Ma'am na dun siya pinapaupo sa may likod.

Bale, yun lang ang may bakanteng upuan pero ano kaya yung pipiliin niyang upuan dun sa dalawa? Hhmmmm..

Dun ba talaga siya uupo?

Di niya alam kung ano ang pinipili niyang upuan.

Napatigil siya saglit at dun na lang umupo sa may tabi ng bintana.

Buti naman at dun na siya umupo.

Pagkaupo niya ay napatingin siya saming lahat na nakatitig pa din sa kanya kaya lumihis na kami ng tingin.

Pagkatapos ng class namin kay Ms. Sanchez ay nilapitan ko na si Tin.

"Hi! Tin right? I'm Denise. Nice to meet you!", sabi ko habang kinakamayan ko siya.

"Hello!", sabi niya habang nakangiti.

Tapos lumapit samin si Jessica,

"Hello! Sabay ka saming mag break ahh. Jessica nga pala. Kwentuhan tayo mamaya pag breaktime na", sabi ni Jessica kay Tin.

Mukhang nabasa ni Jessica ang iniisip ko.

Ngumiti lang sa kanya si Tin.

At dumating na ang teacher namin for the next subject.

Kaya umupo na ulit kami ni Jessica sa mga upuan namin.

Breaktime na.

Sabay sabay na kaming nag-lunch.

Ako na nagsimulang mag-start ng usapan pagkaupo namin.

"Tin, bakit ka nga pala lumipat dito?", sabi ko.

"Uhhmm, lumipat kasi kami ng bahay, kaya need ko na din mag change ng school, mas malapit kasi tong school na to sa bahay namin kaya dito ko na napiling pumasok", sagot niya.

So bago din pala siya sa lugar na ito.

Medyo matipid magsalita tong si Tin pero ok na din.

Madami dami na din kaming napagkwentuhan kaso nag-bell na kaya need na naming bumalik ulit sa room.

Nung nasa may tapat na kami ng pinto ng room namin.

Biglang napatigil sa paglalakad itong si Tin, nakatulala, nakatitig dun sa may upuan niya yata.

Anong nangyayari dito?

Hhmmmm. Bakit ganito 'to?

Sakto namang dumating na si Sir at nasa likod na namin siya.

"Hoy Tin! bakit napapatulala ka dyan ahh? Pasok na tayo, andyan na si sir sa likod natin oh", sabi ko.

Mukhang nagulat pa siya at napatingin sa akin tapos tumingin ulit siya sa may upuan niya tas lumakad na kaming papasok.

Ano bang nangyayari dito kay Tin?

Parang natatakot na ewan ehh.

Napahinto na naman siya at nakatingin dun sa may bakanteng upuan.

Hhmm. Mukhang nagsisimula na naman.

Umupo na siya at nag-start na ulit ang class namin.

Nang uwian na ay lumapit na ako kay Tin.

"Tin, sabay na tayo lumabas ng room ni Jessica", sabi ko.

"Sige, wait lang ahh, ayusin ko lang yung mga gamit ko", sabi niya.

Haaayy. Dapat umuwi na kami kaagad no.

Ayokong tumitigil dito sa room.

"May locker tayo dun sa may locker room, need mo lang magdala ng padlock mo para di ka na magdala ng madaming gamit Tin, pabigat lang yan sa bag ehh", sabat ni Jessica.

"Oo nga naman Tin, sige lagay na muna namin yung iiwanan naming gamit sa may locker", sabi ko.

Mabuti naman at nakaisip ako ng dahilan para makalabas na dito sa room kasi kaming tatlo lang ang natira dito.

"Tapos na ko, sabay na ko sa inyo, wait ko na lang kayo sa may labas ng locker room", sabi ni Tin.

Buti naman at sabay sabay na kaming lalabas.

"Sige, tara na!", sabi ni Jessica.

At pumunta na nga kami sa locker room.

Bawat year and sections ay may kanya-kanyang locker room.

Kumbaga lahat ng 3rd year section A to D ay magkakasama ang locker sa isang malaking room.

At may nakalagay na notes kung saan ang locker ng bawat sections.

Pumasok na kami sa locker room ni Jessica para maglagay ng gamit namin samantalang si Tin ay naiwan sa labas at naghihintay samin.

"Denise, mukhang kakaiba itong bago nating kaklase", sabi sa'kin ni Jessica.

"Oo nga ehh, mukhang nagsisimula na naman", sabi ko.

"Nararamdaman ko nga din ehh. Mukhang magiging madali lang yun", sabi ni Jessica.

At nang lumabas na ako ay nakita ko si Tin na malalim na naman ang iniisip.

"Oy Tin, malalim na naman yang iniisip mo at napapatulala ka na naman, halika na, tapos na kami, uwi na tayo", sabi ko.

"May problema ba Tin at lagi kang napapatulala?", sabat ni Jessica.

Ang tagal niya bago nakapagsalita at parang may sasabihin siya pero mukhang iniba niya, ramdam ko yun.

"Wala lang ito. Halika na, uwi na tayo!", sabi ni Tin.

At lumabas na nga kami sa school.

Nung nasa may gate na kami ay nagsalita si Tin,

"Sige, dito na ako. Maglalakad lang ako pauwi sa bahay. Malapit lang kasi dito bahay namin.", sabi niya.

"Ay ganun? Sige Tin, ingat ka pag-uwi ahh. Bye!", sabi ni Jessica.

"Okay. Ingat ka ahh", sabi ko.

At sumakay na kami ng jeep ni Jessica at kumaway kay Tin.

"Kamusta naman yun Denise?", sabi ni Jessica.

"Hmmm. Okay pa naman ehh. At least may bago tayong kaibigan di'ba tsaka mukha namang mabait, yun nga lang di nya alam ang pinasukan niya", sabi ko.

"Oo nga ehh. Kaso mukhang siya talaga ehh. Bet ko pa naman siyang maging friendship", sabi naman ni Jessica.

"Di pa naman natin alam ang mangyayari eh, kaya wag ka munang magsasalita ng ganyan tsaka nagsisimula pa lang ang lahat, malay mo naman diba?", sabi ko.

"May point ka dyan friend", sabi ni Jessica.

Pero di na ako makapaghintay pa sa mga mangyayari pa.

Alam kong ganun din ang nararamdaman ni Jessica.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon