Chapter 19

27 0 0
                                    

Jessica's POV

"Friend! Uuyyyyy. Ano ba? Wait mo naman ako", tawag ko kay Denise na patuloy pa din ang paglalakad.

"Tumigil ka naman oohh! Nakakapagod din humabol no", dagdag ko pa.

"Kung napapagod ka na bakit ka pa sumusunod sa akin?", sabi ni Denise na nakatalikod pa din sa'kin at patuloy pa ding naglalakad.

"Tinatanong pa ba yan friend? Syempre no matter what happen di kita iiwan no? We're friends!", sabi ko sa kanya.

Tumigil na siya sa paglalakad at nagsalita.

"Ica, this is the right time, you know what I mean", sabi ni Denise sa'kin.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinarap siya.

"So, we're going to start na? Hindi ba masyado pang maaga and di pa naman natin nakukuha loob ni Tin ng ganun kalalim?", sabi ko.

Parang ayokong gawin yun kay Tin.

Parang tinuring ko na siyang kaibigan kaya baka nakakaramdam na kaagad ako ng pagkaawa kahit na di pa nagsisimula ang lahat.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Ica? Lagi naman natin itong ginagawa and no one can stop us! Wag mong sabihing di mo kayang gawin yun kay Tin?", sabi niya na titig na titig sa mga mata ko.

Makikita sa mga mata niya ang kagustuhan niyang gawin talaga yun.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganun ka-eager gawin ito kesa sa mga nakalipas na.

"Friend, sinabi ko na sa'yo na nasa likod mo lang ako, if that's what you want, go lang ako! So, what is your plan?", sabi ko sa kanya kahit nag-aalangan na talaga akong gawin yun.

"Good to hear that! Dun tayo, pag-usapan natin lahat. Let's do this!", sabi ni Denise na may kakaibang ngiti sa kanyan mga labi.

Mga ngiting di mo magugustuhang makita.

Someone's POV

Masarap talagang tumambay dito sa library.

Tahimik ang lahat, walang sinumang makakagulo sa'kin.

Minsan dito din ako natutulog, sometimes di ako pumapasok sa mga subjects ko and dito lang ako nag-stay.

Umupo ako dun sa may upuan sa may dulo ng library kung saan di ako masyadong makikita ng tao.

Nakita ko ulit ang libro na paborito nyang basahin tuwing tumatambay kami dito sa may library.

Kinuha ko yun at tinignan, binuklat-buklat ko yun at dahan-dahang tinitignan ang bawat pahina noon.

Nagulat ako nang may pumatak na luha sa librong hawak ko, umiiyak na pala ako.

Nang pupunasan ko na ang mga luha sa pisngi ko ay biglang may nahulog na libro malapit sa akin.

Pinunasan ko kaagad ang luha ko at tinignan kung sino ang naglaglag ng mga libro.

Tumakbo ito sa kabilang side ng library kaya tumayo na ako para puntahan kung sino ba ang umiistorbo sa'kin.

Di ko matatanggap na may makakakita sa akin na umiiyak ng ganito.

Di ko pinapakita sa lahat na mahina ako kaya hindi ko mapapatawad ang taong nakakita sa'kin sa ganitong pagkakataon.

Palabas na siya ng library ng hawakan ko ahg kanyang braso para pigilan siya.

"At 'san ka naman pupunta?", sabi ko sa babaeng nakatalikod sa akin at alam kong siya yung taong naglaglag ng mga libro dahil siya lang ang nakita kong tao dito sa library maliban sa librarian.

Bloody Jenny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon