02

1.2K 47 11
                                    


PUMASOK ako sa classroom ng nakangiti. Pinilit kong umaktong normal ng makita ko ang mga kaibigan ko.

Pretty ghais. My sons. My bestfriends.

Lumapit ako sa kanila ng mapansin kong pinagtutulungan na naman nila si Kim Mingyu. I smiled a little.

"Guys! Tinatawanan niyo na naman kapatid niyo! Sabing tulungan eh!,"sigaw ko.

Sabay sabay pa ang pagbaling ng ulo nila sa way ko. Pakiramdam ko ay gumaan ng kaunti ang loob ko.

Funny, these children always make me feel better, but their father can't.

Binatukan ko si Seungkwan, DK, at Minghao na agad nagreklamo. Binatukan ko ulit sila at sinabihang ayusin ang pakikipagusap at pakikitungo sa isa't isa. They grimaced and made their own mannerisms when I scold them.

At least, I have them. Kahit wala si Jisoo minsan, nandyan sila. Kapag pinapaiyak ako ni Jisoo, nandyan din sila para damayan ako. Kung napapansin nilang hindi maganda ang pakiramdam ko, pinapatawa nila ako o dinidivert ang atensyon ko sa ibang bagay. Alam na alam nila ang gagawin tuwing may problema ako. And I am really glad that they are my friends.

"Hm..Gyu.."

Kim Mingyu raised his head and looked at me. "Nay?," he replied.

"Kasi...ayaw ni Jisoo na pabasbasan ang bahay mo." Hindi ko alam kung narinig nila ang bitterness sa boses ko ng mabanggit ko ang pangalan ni Jisoo. Pero naconfirm yun ng magtinginan sila.

Mukhang alam na nila. Alam na nilang may kasamang kasinungalingan ang sinabi ko.

Kim Mingyu smiled at me. "Okay lang yun, hyung! Nakapag-isip naman na ako ng paraan para mabawasan ang takot ko," he said.

Relief flooded my system. Akala ko, mahihirapan pa siya dahil wala akong maitutulong sa ngayon. Mabuti na lang. "Mabuti naman. Ano ba yun?"
He grimaced.
"Gyu?"

Ngumiti siya ng weird.
"Para kang natatae. Natatae ka ba?," tanong ni Seokmin na nakatikim ng batok sa akin.

"Sinisimulan mo na naman. Pakinggan mo nga muna kapatid mo!," sita ko sa kanya.

Ang anak kong pinaglihi sa haba ng mukha, sumimangot.

"Aw! Tangina, hyung! Bakit kapag si Jisoo hyung ang gumagawa nun, hinahayaan mo lang? Pag ako, batok agad?," react niya.

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ni Jisoo. At bumalik na lang sa alaala ko ang pagkunsinti ko sa mga kalokohan niya noon. Na hanggang ngayon ay lumalabas na kinukunsinti ko pa rin.

Muntik na akong napahawak sa puso ko ng bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak dahil ayokong nakikita nila akong nalulungkot.

Hindi pa pwede ngayon. Dahil alam kong may problema pa si Mingyu.

Di na ako nagreact ng nakita kong umigkas ang kamay ng anak kong pinaglihi ko yata sa sama ng loob. "Tangina. Tigilan mo si nanay. Nasasaktan siya," sita ni Woozi.

Yeah. He always know. He always notice.

Seungkwan diverted the topic. And I quietly thanked him for that dahil hindi na talaga ako makakacomment pa sa usapan kung nagpatuloy pa. I just stayed silent while listening to their conversations— na hindi ko rin naman naiiintindihan.

Masyadong occupied ang utak ko. At naninikip pa ang dibdib ko. Idagdag pang nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. I can't concentrate.

Buong maghapon ay lutang ako. I couldn't stop thinking of what should I do this time.

Lutang pero lunod na lunod naman sa pag-iisip. Hm..when was the last time I got like this? 3 days ago? 4 days ago? 5?

Ah..tama. Five days ago I had a fight with him again dahil sa kumalat na balita na sila na daw ni Minhyuk. Tapos ngayon nag-away na naman kami dahil naman nahuli ko siya ULIT sa akto ng PANLOLOKO niya.

Nakakainis na.

Pero bakit di ko magawang magalit sa kanya? Bakit mahal ko pa rin siya?

Napaigtad ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Hyung, nasa labas si tatay, hinahanap ka." DK's voice filled the room.

Mabilis kong pinahid ang mga luhang tumutulo na naman mula sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim para maibsan ang bigat ng nararamdaman ko.


Should I face him? Should I?

Siguro. Kailangan naming ayusin ang problemang ito bago lumaki.

Pero...aayusin na naman? Ubos na band aid ko, puro galos na ako. Di kaya maoverwork ang puso ko at bigla na lang magmalfunction?

Gosh, self, bakit humuhugot na naman ako?

"Bababa na ako."









I STOOD in front of him. Agad naman siyang napatayo ng makita ako. Nag-iwas agad ako ng tingin ng titigan niya ako.

"Jeonghan--"

"Anong ginagawa mo dito?," I asked, coldly.

"I am here for you. I'll explain--"

"You already did."

"Babe, I am sorry. Mali talaga yung nakita mo. Please. I am really sorry. Forgive me," he pleaded. At nilangkapan na naman niya ng pekeng sincerity ang boses niya. Tsk. Akala ba niay hindi ko nahahalata?

Gusto ko siyang sampalin pero nagbago ang isip ko. Dahil ayaw kong ako ang dahilan para masaktan siya, physically and emotionally.

I sighed. Napahawak ako sa noo ko dahil nanakit iyon sa sobra sobrang pag iisip.

Ang tanga ko talaga. Ano? Magpapabulag na anman ako sa mapag-asang pag-ibig ko sa kanya? Magpapakamartyr na naman ako?

I bit my lower lip and sighed again. I let go of my forehead and rested both of my arms each of my sides. I stared at him and gave out a sigh again. Give him this time again. Idiot.


"You are forgiven."

I heard him sigh. Pagkalipas ay naramdaman kong yakap na niya ako. Which I responded with a tighter one. "Thank you, babe. Thank you. Promise, I will make it up to you."

Promise? Paano ba yan, di na ako naniniwala sa mga promises niya? Make it up to me? Ni hindi nga niya alam maglambing at naglalambing lang yan tuwing nag-aaway kami.

Ngayon na iniisip ko ang mga ito, kailan ba ako nakaramdam ng sobrang saya sa piling niya?

"Okay," I answered flatly.

"Please don't do that again. Huwag na huwag mo na akong iiwasan ulit. It hurts."

Hindi lang ikaw ang nasaktan, gago, I wanted to say. But I kept my mouth shut and just gave him a faint nod.

He hugged me tighter. I felt him kissed my head before he spoke again.
"Gosh, Jeonghan. I love you."

At tumango na lang ulit ako...

-
L

Hindi lang basta edit to. Nirerevise ko pa. Loka ko talaga.

memory card • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon