012

694 34 8
                                    

Minghao

"DOC! Okay na po ba siya?"

Napahawak ako sa mga braso ni Seungkwan. Nanginginig na kami sa takot at kaba.

Hindi maalis sa utak ko ang naabutan naming pangyayari kanina. Napakaraming dugo, wala siyang malay, pero lumuluha siya. Hindi kami magkandaugaga kung paano namin siya tutulungan at dadalhin sa ospital.


"Doc, okay lang ba siya?," ulit ni Seungkwan sa tanong ko.

Naramdaman kong humawak sa aming dalawa ang nanlalamig na mga kamay ni Jihoon. Maging siya ay alam kong natakot, kitang-kita namin kanina kung paanong di siya nakagalaw sa pwesto niya ng madatnan namin si hyung.

"Okay na siya. But, he might sleep for days. And there are slight damages in his brain that might cause amnesia. It is uncertain but ipagdasal na lang natin na sana ay hindi siya makalimot," he said.

Mas nanghina ako sa sinabi niya. Naiyak na lang ako.

Bakit siya pa? Sinong may gawa nun sa kanya? Napakabait niyang tao. Wala naman akong naaalalang may kaaway siya eh. Kung si tata—Jisoo hyung lang, alam kong hindi niya yun gagawin. Ang kaya lang niya ay manakit emotionally.

"We've already moved him in a room. Pwede na kayong pumasok. Mauuna na ako, mga anak," paalam ng doktor bago kami iniwan.

Nagyakapan kaming tatlo. Si DK naman ay yumuko na lamang sa kinauupuan niya.

"Magiging maayos din ang lahat, guys. Yun ang sasabihin niya. Kaya huwag na tayong umiyak. Baka magalit lang siya," bulong ni Jihoon.

Tumango tango ako.

Tama siya. Ganun nga siguro ang sasabihin niya kung nandito siya sa tabi namin. Ayaw niyang makitang may umiiyak sa amin at malungkot. Ang gusto niya, masaya kaming lahat.

Napapitlag kami ng sabay sabay ng tumunog ang cellphone niya. Nagkatinginan kami ng makita namin kung sino ang tumatawag.


Hyung...

Pipindutin ko sana ang answer button ng pigilan ni Jihoon ang kamay ko.
"Huwag. Hayaan mo siya," sabi niya.

Napatingin ako kay Seungkwan at DK. Hindi sila sumagot pero halata sa mga mukha nilang sang-ayon sila kay Jihoon. Kaya naman...pinatayan ko siya ng tawag.

"Hayaan niyo siya. Walang magsasabi sa kanya. Ito lang ang pambawi natin sa pananakit niya. Walang magsasalita," banta ni Jihoon.

Tumango kaming lahat.
"Walang tatraydor. Saksi tayong lahat sa mga nangyari sa kanilang dalawa, kaya kung...kung magka-amnesia man siya, tayo lang ang magpapaalala sa kanya, hindi siya kasama. Ayoko na sa kanya. H-hindi na siya kasama sa pamilya. S-Sisirain niya lang ulit. A-Ayoko na," Seungkwan cried.

Nanikip ang dibdib ko. At umusbong ang hinanakit ko sa kaibigan namin na boyfriend ni hyung.

"Ayoko na rin sa kanya."

Magsisisi ka rin, Jisoo.

-

memory card • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon