"HYUNG, alam kong may problema."
I looked at Kim Mingyu. There's that worried expression on that handsome face again. Ngumiti ako.
"Wala. Wala naman."He didn't speak. Ngunit panandalian lang ay bumuka na ang mga bibig niya. I had to tighten my chest to prevent my heart from feeling pain. Pero kahit yata gawin ko yun, nandun pa rin talaga.
"Hindi niya tinanggap yung nangyari kahapon?," he asked.
Napatigil ako sa paglalakad. Saktong nasa shed na kami kung saan hinihintay ang bus. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at napayuko.
Wala nga talagang nakakatakas sa pagiging maobserba nila. Lalong lalo na kay Gyu.
"Obvious ba?," tanong ko at bahagyang natawa. Of course, pekeng tawa. Who can really laugh at my situation now?
I winced as I felt a piercing pain at the deepest part of my heart.
Gyu glanced at me. His eyes held care and worry na siyang lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.
"Oo," he paused. "Alam mo, hyung, parang ang sarap sapakin ni Tatay.""Huwag. Huwag mong gagawin. Kasalanan ko din yun," agad kong sabat. I glared at him.
"Pero—"
"Ayan na ang bus, sumakay ka na," agad kong putol sa kanya. Umatras ako at itinulak siya ng magbukas ang pintuan ng bus. "Mag-ingat ka."
He sighed. But he gave me a worried smile before climbing the bus. Kinawayan ko siya hanggang sa mawala na sa paningin ko ang bus. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga kamay ko dahil bumagsak na lang ang mga iyon sa gilid ko.
"Sorry...napakasinungaling ko na," bulong ko.
My heart clenched and I can feel that burning feeling in my eyes already. Nanakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng mga luha ko.
Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. Bakit ba parang humihina na ako?
Hindi naman ako umiiyak ng ganito kagrabe nung una. Napipigilan ko naman dati. Pero bakit ngayon, kahit anong gawin ko, tumutulo pa rin ng tumutulo? Mas naninikip ang dibdib ko at parang mas mahirap nang baliwalain ang lahat. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko, punong puno na ang puso ko. Parang ang hirap ng kayanin lahat.
Parang hindi na ako si Jeonghan. Yung matapang, malakas at madaling magtago ng mga sikreto. Nagiging transparent na ako. Madali na nilang nakikita ang nararamdaman ko. At madali na rin akong saktan. Napakahina ko na.
Unti-unting bumabagsak ang mga luha ko habang humahakbang ang mga paa ko pabalik sa pinanggalingan namin.
Uuwi na ako. Magpapahinga na muna ako. Magtatago. Mag-iipon ng lakas. Kahit ilang araw lang. Para paglabas ko, buo na ako at kaya ko na ulit harapin ang problema namin ni Jisoo. Haharapin ko siya sa oras na makapagdesisyon na ako at nakakapag-isip ng maayos.
Sa ngayon, iiyak muna ako. Iiiyak ko muna ang lahat.
NAPATINGIN ako sa cellphone ko ng tumunog iyon. I received a message.
From: Minghao😜
Hyung, mag-ingat ka. Text mo ako kapag nasa harap ka na ng bahay!
11:57 pm
To: Minghao😜
Thank you. I will.
Sent 11:57 pm
Napangiti ako.
That simple message somehow lifted a little part of my heavy heart.Napatingin ulit ako sa oras.
Kaya pala. Dalawang oras na pala simula kaninang umalis kami ni Mingyu at hinatid ko siya sa station. Ibig sabihin, kanina pa ako parang tangang lakad ng lakad dito. Bakit di ko man lang napansin? Ni hindi ako—
"Ah!"
Napapikit ako sa sakit ng may tumamang mabigat na bagay sa ulo ko. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko at basta na lang bumagsak ang katawan ko sa sahig. Napaigik ako ng tumama ang likuran at likod ng ulo ko sa paangat na parte ng daan.
"Ahhh!," daing ko.
Kumalat ang nakakamanhid na sakit mula sa ulo pababa sa katawan ko. Napasigaw ako sa biglang pagbigat ng katawan ko at pag-ikot ng paningin ko. Nagsimula na akong kabahan at mas nanlamig ng makaramdam ako ng mainit na likido na tumulo mula ulo papunta sa tenga ko. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong iangat ang kamay ko at salatin ang ulo ko.A-Anong nangyari?
Halos mapaiyak ako ng makita ko ang dugo sa mga kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang mauubusan ako ng hininga. Fear creeped in my being and I almost lost consciousness.
"T-tulong!," sigaw ko ngunit naging daing na lamang iyon. Sinubukan kong sumigaw ulit ngunit walang nakarinig sa akin dahil wala ng tao sa daan.
Nanlalabo na ang mga mata ko kaya naman mas nagpanic ako. I tried reaching my phone and pressed any of my speed dials.
(Hello?)
Napapikit ako ng marinig ang boses sa kabilang linya. Tears started streaming from my eyes as I continued saving my consciousness.
"Jisoo...help.."
And the answer I got had the worse words to hear for the day.
(Jeonghan? I am sorry, this is not Jisoo. Naiwan niya kasi dito sa—Jungshin, who's that?—Wala—)
*toottoot*The call ended.
Mas lalong nanlabo ang mga mata ko ng tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko. Mas masakit na ngayon ang puso ko kaysa sa ulo ko.
Ayoko na. Ayoko na.
I tried dialing another number. Hirap na hirap ako sa pagpindot pero pinilit ko.
(Hello? Hyung?)
"Hao...help.," umiiyak ko nang daing.
(Hyung? Okay ka lang ba? Hyung!)
Then I heard commotion at the other line. Napapikit ako ng mga mata ."Help..please...park...help..," Help, I need your help. I want to shove away that pain in my heart. I wanna forget the pain.
(What?! Anong nangyari? Hyung!)
"Please..h-hurry.."
(Hyung—)
Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil unti-unti ng bumagsak sa sahig ang kamay ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko ngunit parang kusa na lang iyong pumipikit.
No...
Everything is turning pitch black. Bago ko tuluyang naipikit ang mga mata ko ay nahagip ang bulto ng isang taong nakatayo ilang metro lang sa akin. He mouthed sorry before turning his back against me.
No...
-
BINABASA MO ANG
memory card • jihan
Short StoryWhen all those saved files (memories of his love) got lost and corrupted.