059

705 35 83
                                    

"JISOO! Bitawan mo ako!"

Nagpumiglas ako pero mahigpit masyado ang paghawak niya kaya naman di ako nakawala. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa mukha niya.
"Jisoo!," I exclaimed.

But it seems that he didn't hear me. Nakatingin lang siya sa akin ng masama. Bigla tuloy akong kinabahan, lalo na nang marealize kong paramg tagus-tagusan lang ang titig niya.

Gadh! Anong iniisip niya?!

Sinubukan kong hilain ulit ang kamay ko. Pero walang kwenta. My eyes watered.

"Jisoo...bitawan mo na ako, please lang," pagmamakaawa ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit dahil sa malabakal niyang kamay.

Pero nakakatitig lang talaga siya sa kawalan. At...napakadilim ng mukha niya.

I think, I made a wrong move. Fvck.

Galit siya. Alam kong nagagalit siya. At base sa estado ng pag-iisip niya na nadiscover ko, alam kong masama ang lagay niya ngayon. Ngayon ko lang nakitang nagdilim ang mukha niya.

Napapikit ako.

Pinilit kong alalahanin ang mga nakalimutan ko tungkol sa kanya.

Kaso, sumakit lang ang ulo ko.

Tuluyan na akong napaiyak. "Bitiwan mo na ako, please.."

No effect.

Help! Help!
Gusto kong sumigaw pero parang may pumipigil sa akin. Pakiramdam ko ay mapapahamak siya kapag sumigaw ako. Pero nasa pahamak rin naman ako ngayon diba?


"Jisoo..."

He blinked, but no change of reaction. Napakislot ako ng magsalita siya.
"You...kissed.."

Mabilis akong umiling. "Hindi! Hindi totoo yung nakita mo!"

Unti unting umangat ang gilid ng mga labi niya. Kumabog ng husto ang puso ko ng tumawa siya ng mapakla. My tears fell and fell.

Bakas sa tawa niya ang di magagandang naiisip niya.
Then, he repeated his statement.

"You kissed..."

"Hindi. Hindi. Hindi totoo yun! We faked it!," I defended.

Mas naging mapanganib ang mukha niya.

Good God! Help!

"And it is with Jeon Wonwoo...with that son of a bitch!," sigaw niya.

Halos lahat ng nasa park ay napatingin sa amin. May mga batang bigla na lang napaiyak at may mga natakot din. Nagmamakaawang napatingin ako sa kanya.
"Jisoo...huwag dito. Matatakot ang mga bata."

But he can't hear me.

"Jisoo!," tawag ko sa atensyon niya.

Pero nasa sariling mundo niya parin siya. Parang baliw na ngumingisi tapos biglang tatawa ng mapakla tapos magdidilim ulit ang mukha. I cringed unconsciously. Napaiyak pa ako ng malakas.

Kung kanina kaba ang nararamdaman ko, ngayon naman ay balot na ng pag-aalala at sakit ang dibdib ko. Nag-aalala na ako sa nangyayari sa kanya, parang totoo lahat ng hinala kong may mali sa kanya. At sakit, dahil alam kong nasasaktan siya kaya siya nagkagaganyan. At kasalan ko pa.



"Fvck. It hurts, angel..."

Napamulat ako ng mata at napatitig sa mukha niya. Nakatitig na siya sa mukha ko ngayon, malungkot ang mga mata niya.


memory card • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon