SPECIAL CHAPTER 1

730 25 60
                                    

Why Memory Card?

"Kapatid, naalala ko, saan mo pala nilagay yung Memory Card?," tanong ni Minghao.

Napakamot ako ng ulo at pinilit aalalahanin kung saan namin tinago ni Seungkwan yung memory card. Pero may memory problem yata ako eh. Di ko maalala.

"Hindi ko alam. Nakalimutan ko na. Si Kwan kaya tanungin mo?," sagot ko sa kanya.

"Niloloko niyo ba akong dalawa?! Bakit kayo parehas ng sagot? Ano ito? Scripted?!," nanggagalaiting sigaw niya.

Napakunot noo ako.
Eh bakit niya ako sinisigawan?! Kung sana siya ang nagtago, eh di alam niya sana?!

"Tangina, Hao! Kung brokenhearted ka at naiinis kay Jun, huwag mong ibaling sa akin!," nakasimangot kong sigaw pabalik.

Nalukot lalo ang mukha niya sa sinabi ko. "Tangina mo din, banggitin mo pa pangalan ni Jun, tatanggalan kita ng mane! Bwisit! Makaalis na nga!," umirap pa siya bago tumalikod at naglakad palayo.

Napakamot na lang ako ng kilay.

Bwisit. Sumagot naman ako ng maayos, nasigawan pa. Nalait pa! 😒😒

Aalis na rin sana ako ng makarinig ako ng ingay sa taas. Mukhang nagsisigawan. Napafacepalm na lang ako.

Paano ako makakaalis kung ganito kagulo ang apartment na ito? Paano matatahimik ang mundo kung ganito kaingay ang mga taong ito? Paano ako makakapag-iisip ng maayos kung hindi sila marunong disiplinahin ang mga sarili nila?! Nang dahil sa kanila, di ko na naaasikaso ang lovelife ko! Lagi na lang sila ang hadlang! Bwisit lang.


"Hoy, Seokmin. Nag-aaway si Nanay at Tatay. Tulungan mo akong awatin sila," pansin pa sa akin ng walking facepalm.

Anong magagawa ko? Mamamatay ako kapag di ko ito sinunod. Pasimple akong ngumiwi.

"Okay."

"Labag sa kalooban mo," puna niya. He gave me a dangerous glare. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa takot.

Sino bang di natatakot kay Jihoon?! Ha?!

Halos sabay pa kaming napatingin sa taas ng may tila tumama sa pintuan at nabasag. Nagkatinginan kami bago kami nagmamadaling umakyat.


"Hyung!," sigaw namin pareho.

Kumatok kami sa pintuan bago lakas loob na binuksan iyon. Tumambad sa amin si Jeonghan na magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa gawi ni Jisoo na ganun din ang reaksiyon. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"H-hyun—"

"Walanghiya ka! Bwisit ka! Tingnan mo ang ginawa mo sa phone ko! Basag na tuloy!," bulyaw ni Nanay kay Tatay.

"I was just borrowing it but you don't want, because you are hiding something!," sigaw naman nung isa.

"Wala naman! Ayoko lang na tingnan mo!," katwiran ni Nanay.

"Because you are hiding something from me! Tell me, is that the picture of you and Seungcheol while hugging?! You don't want to show me that?!"




Nosebleed.

Natigilan si Jeonghan hyung. Tapos unti unting nagsalubong ulit ang mga kilay niya. "Kanino mo nalaman ang picture na yun?," tanong niya.

Nalukot naman ang mukha ni Jisoo. "So, it is true then? Why are you hiding it from me?," tanong niya.


More blood.

"H-hindi naman...ano kasi...SELOSO ka kasi! Lagi ka na lang nagagalit kapag may lumalapit sa akin!"

"Of course, I would be jealous! All of your exes are your friends!"


Blood.

"E, ano naman ngayon? Ikaw naman na ang boyfriend ko! Ikaw naman ang mahal ko! At tulad ng sinabi mo, kaibigan ko lang sila! KAIBIGAN!"

"Friend 'kaibigan' or lover 'kaibigan'? Tell me!"


Blood.

"Ano ka ba naman, babe! Lagi na lang bang ganito—"

"Oo nga eh! Lagi na lang bang ganito?! Aba! Aba! Hindi lang kayo ang nakatira sa bahay na ito! Kung mag-aaway kayo, dun sayo sa Mt. Apo para walang makakarinig!," sigaw ni Jihoon.

Bumaling silang dalawa sa gawi namin. "Tumahimik ka!/Leave us alone!" sabay pa nilang sigaw.

At parang cotton candy na nilaro yung naging reaksyon ni Jihoon. He even snorted. "Tangina. Sinisigawan niyo ba ako?," delikadong tanong niya.

Parehong natigilan si Nanay at Tatay na parang nagising. Halos sabay pang nanlaki ang mga mata nila ng marealize nilang si Jihoon yung sinigawan nila. Pinigilan kong matawa nang sabay silang lumunok.

"A-anak...hehe...naistorbo ka ba? Sige, sa Mt. Apo na lang kami mag-aaway," Jeonghan smiled uneasily.

"J-Jihoon,..we are not f-fighting. We are just...r-roleplaying..," Jisoo added.

Napakagat ako sa dila ko para pigilan ang tawa.
Grabe! Ang epic!

"At gagawin niyo pa akong tanga! Aba, kung ayaw niyong magpaampon ako sa YoonMin Couples, umayos kayo! Di na kayo nakakatuwa! At kung gusto niyo, bumukod na rin kayo nang wala na kaming alalahanin dito!," he shouted.

Nanlaki ang mga mata ni Jeonghan. "Anak! Huwag mong sasabihin yan! Nasasaktan si Mommy!," he exclaimed.

Tinaasan siya ng kilay ni Jihoon. "Wala akong pake. Basta, ayusin niyo yan. Kapag nakarinig pa ako ng ingay sa baba, asahan niyo nang bukas na bukas din ay na kina Yoongi hyung na ako.," he emotionleslly said before leaving.

Nagsimula na rin akong umatras ng makita kong parang mag-aayos na nga silang dalawa.

Parang gusto kong umiling. Tinawag niya ako para tulungan siyang patigilin ang dalawang ito, pero okay lang naman pala kahit siya lang. Asar ay.


Medyo nadulas ako nang may maapakan ako. Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa babae. May maliit na kulay itim na flat na plastic ang naiipit sa isa sa mga daliri ng paa ko at sa sahig. Napataas ang kilay ko dahil pamilyar iyon. Yumuko ako para pulutin.



Memory Card?

Saka lang pumasok sa utak ko yung ginawa namin ni Seungkwan.



"Saan natin ilalagay ito? Madaling mawala ito dahil sa sobrang liit," sabi ni Kwan.

Napaisip ako. Ang kaso, nagmessage si Minghao at nagmamadali.

"Tss. Akin na nga! Iipit mo na lang jan sa case ng phone. Di naman makikita ni hyung yan eh! Tamad yun mag-open ng casing kahit lowbatt na."



Napatingin ako sa basag na phone sa sahig. Nagkahiwa-hiwalay ito at naging tatlo. Napatingin naman ako kay jeonghan hyung na nakayakap na ngayon kay Jisoo hyung. Napangiti ako nang wala sa oras.


Sinasabi ko na nga ba, hindi yung alaala ang mag-iisa sa kanilang dalawa ulit, dahil yung pagmamahalan talaga nila ang tunay na magdadala sa kanila sa katotohanan.

L is right. Cupid make all love stories unique and beautiful,...but deep.

But how about ours?

-

memory card • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon