058

597 32 78
                                    

"HYUNG," tawag niya sa akin.

Tiningala ko siya at saka ako ngumiti. "Hi. Good evening," bati ko sa kanya.

Nginitian niya din ako. "Good evening din."

I gestured him to sit beside me, na siya namang sinunod niya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay nagtanong na kaagad ako. Mukhang inaasahan niya na, kaya naman ang bilis ng mga sagot niya. Prepared ang emo, mga ganda!

Nung una ay puro si Mingyu ang tinatanong ko, pero ng maglaon ay sinusubukan kong idivert kay Jisoo ang usapan.

"Kaibigan ka ni Jisoo, diba?," tanong ko.

He nodded. "Yeah. Since nang maging kayo years ago. Well," nagkamot siya ng ulo, "I befriended him to get to know more of Mingyu and para mapalapit na rin ako. Nang dahil kay Jisoo hyung ay nalaman ko mga scheds niyo na pare-parehas lang pala, tapos ginagaya ko naman para maging kaklase siya."

Ang dami niyang sinabi pero dalawang importanteng impormasyon lang ang nafilter ko.

Jisoo being my boyfriend for years and me having the same schedule as his.

So, boyfriend ko nga siya? How cool. That's where you plant sarcasm!


Nagsinungaling nga siya sa akin. Ilang beses kong tinanong kung nagkakilala na ba kami, pero ano ang lagi niyang sagot? Denial! So did the Pretty Ghais! They are a bunch of liars!
Di ko maintindihan kung bakit ayaw nilang ipaalam sa akin. May hindi ba magandang nangyari sa aming dalawa? Bakit di nila masabi? Tatanggapin ko naman!

"So, sa tingin mo—"

Natigil ako sa pagsasalita ng may mahagip ang mga mata ko. My heart raced and I suddenly felt the creepiness of the surroundings. I blinked para siguruhing hindi lang imahinasyon ang nakikita ko. Pero hindi.


"Hyung?"

Agad akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa gawi ni Dark Man na nakakunot na ang noo. Hinawakan ko siya sa braso ng mahigpit.

"Sinundan niya ako."

"What?"

"Sinundan niya ulit ako!," I exclaimed at my lowest voice para walang makarinig maliban sa amin.

"Sino?," he asked. At ang gago, hinanap pa kung sino ang tinutukoy ko. Hinila ko naman agad ang ulo niya at ibinaling sa akin.

"Huwag mo siyang hahanapin. Mapapansin niyang nakita ko siya," bulong ko. Di ko alam kung bakit ako kinakabahan kapag nakikita siya, marahil ay dahil sa gusto/pwede ring mahal ko siya o...natatakot ako sa kanya dahil..baliw na rin siya.

"Sino bang tinutukoy mo, hyung?," magkasalubong na ang mga kilay niyang tanong.

Napakagat-labi ako. Ngayon ay nararamdaman ko na ang matitiim niyang titig at ang nakakakilabot na presensiya niya.

Bakit nasundan na naman niya ako?!

Naghalo-halo na ang nararamdaman kong takot, kilabot, kaba, inis, curiousity. Tapos idagdag pa yung ilang araw ko siyang iniwasan, pero sa di ko matanggap na dahilan ay namimiss ko siya!

Dapat kasi magsabi na sila ng totoo para di na ako ganito! Nababaliw na din ako!

Dahil hindi ko na alam ang iisipin ko o irereact ko, isang napakawalang kwentang idea ang pumasok sa isip ko.
"전 원우, pretend."

"What? Ano bang sinasabi mo?"

Siguro naman ay mapapaamin ko siya sa ganitong paraan.
Mahal niya ako? Obssess sa akin? Kung oo, hindi naman siguro siya papayag na may iba akong kasama!

"Basta! Touch my face!"

Natatarantang hinawakan niya naman. I lowered my head towards his and tried making an image na maghahalikan kami.

"Hyung?"

"Manahimik ka!," asik ko.

He shut his mouth.


"Hyung."

"Sabing manahimik--"

"Hyung, bitaw na."

"Shh.."


"Fvck, hyung. Ayaw ko pang mamatay!"


"Nilalait mo ba ako, 전 원우? Mabango naman ang amoy ko ah!"

"Shit, hyung."


"Minumura mo na ako?!"

"Hindi naman. Nandito pala si Jisoo."

"What?"

"Ang sama ng tingin. Fvck. Mamamatay ako."

Mabilis niya akong tinulak. At umatras.
"Sorry, hyung. Di pa kami nagkatuluyan ni Mingyu, ayaw ko pang mamatay," agad niyang sabi. Nakatingin siya sa likuran ko at parang natatakot pa siya. Pati tuloy ako ay natakot na.

Mukhang...effective nga.


















"You. Go home already."

At bigla na lang nawala sa paningin ko si Dark Man pagkarinig palang ng boses na iyon. Habang ako naman ay naestatwa na talaga.

"And you. You SHOULD BE WITH ME."



At napapikit na lang ako ng mga mata.

-

memory card • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon