5:30 am
NILINGON ko ulit ang bahay na pinanggalingan ko. Kinilabutan ako sa hindi ko maipinpoint na dahilan. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko.
Alam kong may hindi magandang nangyayari sa paligid ko. Alam kong may mga sikretong nakatago sa likuran ng mga reaksiyon ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero di ko akalain na may sobrang laking sikreto na tinatago ang ilan sa kanila.
Agad akong tumakbo at halos magkandatisod tisod na ako para lang makalayo sa bahay na yun.
God. God, why?
Paano ko pa siya kakausapin ngayon? Paano ko pa siya haharapin? Daig ko pa si Mingyu na ini-stalk ni Dark Man. At least si 원우 ay medyo nasa tamang pag-iisip pa, at alam ko yun. Pero siya, hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa siya. Pakiramdam ko ay mas malala pa siya kay Dark Man.
Shit. Sana di na lang ako nakialam. Sana nagstay na lang ako sa kinaroroonan ko. Sana hinayaan ko na lang ang lahat. Letseng sana. Napakapakialamero ko kasi!
Tumakbo ako ng tumakbo.
Kung alam ko lang na sa loob ng kwartong iyon ay madami akong malalaman na hindi naman ganun kanais-nais, eh di sana di na lang ako umalis ng bahay at nagmessage na lang ng 'Take care."
Shit. Shit talaga.
Saktong napaluhod ako sa tapat ng parke malapit sa bahay. Nanginginig na ang mga tuhod ko at mga braso. Naninigas na rin ang mga labi ko sa pagod at lamig ng paligid. I sighed.
Malayo na. Wala na.
I smiled bitterly.
But how about this day? Paano kung—
"Jeonghan?"
Kinabahan ako agad sa english accent na humanggan sa pandinig ko. Shit! Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
"Hyung?"
Napahinga ako ng malalim. Relief flooded my system.
Nakarinig lang ako ng katono niya, kinakabahan na ako. Paano kaya kapag siya na talaga? Gosh!
"Hyung, anong ginagawa mo dito? Ang aga mo naman yata lumabas?," he asked. Pero tiningnan niya ako pababa at pataas, then frowned. "Yan yung damit mo kahapon. Didn't you come home? Kaya ba di ka sumasagot sa kwarto mo kagabi?"
Napahawak ako sa ulo ko.
"D-Di lang ako nakapagpalit. Ikaw ba, ang aga mo yata lumabas?," I asked.He smiled and chuckled like a proper and rich man. Napailing na lang ako.
Hindi man halata, pero mayaman siya. Gobernador ang tatay niya at congressman nanay niya. Ang mga ate naman niya ay mga model at minsan na rin siyang tumira sa America. Mapagpanggap siya at magaling mameke. Akala nga ng lahat bobo siya kahit na ang totoo ay siya ang pinakamatalino sa aming mga magkakaibigan. Nga lang, kaming dalawa lang ang nakakaalam. Ako lang ini-english ng tama eh.
"Nagbabanat ng taba. I want to be fit. Ayaw ni Hansol sa mataba eh."
I frowned. "Hansol na naman? Akala ko ba ay sinukuan mo na?," tanong ko.
He sheepishly smiled at me. "Joke lang yun. Hehe. Tara na, hyung. Uwi na tayo."
I just nodded at sumabay na lang sa kanya. Pinilit kong idistract ang sarili ko sa pagdadaldal niya. Pero bumabalik balik talaga yung nakita ko kanina.
Gustong gusto ko na tuloy sabunutan ang sarili ko.
-
BINABASA MO ANG
memory card • jihan
Proză scurtăWhen all those saved files (memories of his love) got lost and corrupted.