Chapter7: Deal

517 9 3
                                    

Chapter7: Deal

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Diandra Dizon's POV

-------

"Help me with something, Diandra. I need your help."

nagulat ako sa sinabi niya. Si Kyle Hernandez, isa sa pinakamakapanyarihang tao sa buong Pilipinas (ayy,exagge!) , humihingi ng tulong sa isang mahirap na tulad ko?

"What? Ows? Di nga?"

"Oo nga, Diandra. Let's talk in Private" hinila na ni Kyle ang kamay ko papuntang parking lot.

Di nako nakapag paalam kay Luhan!

at nang makarating kami ng parking lot. Tumigil kami sa harap ng isang pulang sports car. yan ang kotse niya? WoW 0.O FERRARI!!

RICH KID!

Binuksan niya ang kotse at pinapasok ako.

Pumasok na rin siya sa driver's set at pinaharurot ang sports car niya.

"Eh, Kyle, saan ba tayo pupunta?"

"You'll see."

"Hal! Kyle naman! Wag ka namang ganito! Gagawin ko lahat,!Wag mo lang ibebenta ang internal organs ko ha? Marami pa akong pangarap sa buhay, marami pang nagmamahal sakin, ayaw ko pang pumuntang langit. Please Kyle, wag mo rin akong gahasain, bata pa ak--"

"WILL YOU SHUT THE FCK UP? KALA MO PAGNANASAAN KITA?"

That shut me up.

Tahimik lang ako sa buong ride

Narating kami sa isang fine dining. Lagi namin tong nadadaanan ni Mama. Pinapangarap ko ngang makapasok sa restaurant na to eh.

GRAND's FINE DINING

"We're here" sabi ni Kyle habang ino-off ang engine ng kotse.

Hinintay kong pagbuksan niya ako ng pinto.. Pero ano? dire-diretso siya sa entrance ng restaurant.

bwiset! Akala ko pa naman, GENTLEMAN!

Kaya binuksan ko nalang yung pinto ng kotse at hinabol siya.

"Eh! Kyle! Bakit mo ko iniwan dun. Dapat ipinagbukas mo ko ng pinto. Di ka gentleman." nakakainis naman!

"Bakit? Date ba to para pagbuksan ka ng pinto?"

"Bahala ka nga!"

Diretso na siya sa receptionist.

"Table for Two."

"Ok sir, This way please"

sinundan namin yung receptionist at umupo na sa isang 'table for two.' Wow! Ang ganda naman talaga dito! Andaming chandeliers. Pang mayaman lang talaga tong lugar na to kasi kami lang ang naka uniform dito at halos lahat ng taong kumakain dito ay nakaformal?

"Ano bang paguusapan natin dito?" tanong ko sakanya habang kumakain ng steak.

"I want to propose a deal."

"Ha? Propose? Kasal?" kinabahan ako bigla, bata pa ako!

"Deal, tange! Akala ko pa naman matalino ka! Tsk. Sayang yung pagiging scholar mo sa EXO University."

" Paano mo naman nalaman na scholar ako.?" stalker ko ba to?

"syempre. ako may-ari. kaya inaalam ko lahat."

"Ano na yung deal na pinagsasabi mo. Kailangan ko ng umuwi. Bilisan mo."

"Gusto kong magpanggap ka bilang girlfriend ko, for just until the next 2 months"

nagulat ako sa sinabi niya.

"Ba't ko naman gagawin yun, aber?"

"Kailangan kasi may maipapakilala ako sa parents ko? Para di na nila ako kailangan ipa-arrange??

"Uso pa pala yung arrange marriage na yun? Hoy atsaka baka di ako magustuhan ng parents mo. Diba nga pobre lang to?"

habang sinasabi ko yung 'pobre' part. Tinuturo ko sarili ko.

"Oo, usually sa aming may malalaking kompanya., atsaka ako na bahala sa pagiging pobre mo. ano payag ka na?"

"HINDE!"

"Osige , tatawagan ko na lang ang Dean at sabihing i-forfeit na ang scholaship mo sa EXO university."

may dinukot siya sa bulsa niya at nag dial na.

"Hello? Good evening Mrs. Rivera. May request po sana ako...."

Paano na yan? Ang future ko!! Ang nanay ko , madidissapoint!!!

"Oo na! Kyle, payag na ako."

"Walang bawian?"

"Tss. Oo na."

"Hahahahahhahahahahahah"

ipinasok na niya ang cellphone niya sa bulsa niya.

"Tandaan mo Diandra.Pag umatras ka. Isang tawag ko lang! Sabog Confetti! Good bye EXO University ka na? Oki Dokie?"

"Oo na kyle! Letse ka!!"

"Cheers to my new girlfriend"

itinaas niya ang wine glass niya na tilang nagpr-propose ng toast.

"Cheers mo yang mukha mo. Bye. Alis na ko, hinahanap nako ng mama ko."

tumayo na ako. nakailang hakbang na ako palayo sa table namin nang maramandaman kong may humawak sa siko ko.

"Hatid na kita babe"

Yuck! Nakakadiri pnaman yang babe na yan!

"Yuck! Anong babe?"

"Term of Endearment natin! Para mukhang totoo na tayo! Dont worry. 3 months lang!"

"Fine. Tara"

Paguwi sa bahay..

"Eto ang bahay mo?"

"Hindi halata?"

"Halata. Bye. Sunduin kita dito bukasEXACTLY 7:30 am. "

"Wag na! Kaya kong magcommute papuntang school,"

"Para naman to sa deal natin eh."

"Sigi na nga! Kung di lang talaga para sa future ko! Bwiset! Lumayas ka na nga dito!"

"Eto na nga! Aalis na. Nasusuka na ako sa pinagsasabi ko sayo. Yuck."

"Madiri ka! As if gustong gusto ko."

" Arte mo ha? Andami ngang nagkakakandarapa sakin eh."

"Not me. Now, shoo!"

"Fine! Bye"

at ayun nga ang deal namin.

Ang hirap naman nitong pinapagawa niya.

Marami namang iba diyan. Bakit ako pa?

**To be Continued

Kakayanin kaya ni Diandra ang mga ipapagawa ni Kyle? alang alang sa scholarship niya?

Kyle's POV next chapter.:3

The Campus Heartthrobs TRILOGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon