Thank you sa mga naghintay ng UD ko. Mahal na mahal ko mga readers ko ee. Oh lels:)
Apir sa mga may pasok na bukas (01.06.14). Nakakaiyak tologo.
Tama na ang daldal Ms. Author. Simulan na natin ang journey ni Diandra. Magiging Villacorta na siya. Mayaman na si Inday!!:)))
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Chapter4: Luhan's Sweetness
Diandra POV~
<<<RECAP>>>
Bumalik ako sa loob . Dumiretso sa private room. Pero bago ako makapasok sa private room. Narinig kong may kinakausap si Luhan. "Bakit pa ba siya babalik. Ano pa bang kailangan niya. Iniwan na nga niya si Diandra eh. Kailan pa ba siya nakabalik? Ahhh. So kahapon lang. Sisiguraduhin kong di siya makakalapit sa girlfriend ko"
Alam ko kung sino ang pinaguusapan nila....
.......si Kyle
Si Kyle? Bakit? Bakit pa siya bumalik. Hindi ko na siya kailangan. Dun na dapat siya sa haponesa na yun.
Masaya na ako kay Luhan eh. Siya lang naman na ang kailangan ko.
Nang marinig kong nagpaalam na si Luhan sa kausap niya sa cellphone. Pumasok na ako sa loob ng Private Room para konprontahin siya.
Yun kasi ang usapan namin eh. Walang taguan ng secrets.
"Lulu Oppa~" panimula ko. Hinila ko yung upuan sa tabi niya. "Sino yung kausap mo kanina?" tanong ko habang nakayakap sakanya.
"Huh? Paano mo nalaman na may kausap ako kanina?" tanong niya sakin habang tinatago yung cellphone niya.
"Eee. Narinig ko. At alam ko na..." think Diandra. Think. Sasabihin mo ba sa boyfriend mo na alam mo nang nakabalik na si ex boyfriend.
".....na bumalik na si Kyle? Oo. Bumalik na siya. At di ko hahayaang makalapit siya sayo. Dont worry. Si Kris pala yung kausap ko kanina." sabi niya.
"May tiwala ako sayo Lulu. Ayaw ko na siya makita. Ayaw ko na ulit masaktan. Wag mo kong iiwan." naiiyak kong sabi kay Luhan. Ayaw ko ulit maramdaman yung mga naramdaman ko kay Kyle.
"Sus. Ako pa ba ang iiwan sayo? Eh. Dead na dead nga ang puso ko sayo. I love you~" sabi niya.
"I love you more Lulu Oppa, Alam kong di moko iiwan." sabi ko. At hinalikan si Luhan sa pisngi niya.
Sure akong di gagawin ni luhan ang mga ginawa ni Kyle. Mas naramdaman ko kasi ang totoong meaning ng pagmamahal kay Luhan.
Nagyakapan lang kami hanggang sa naramdaman kong nagvibrate yung phone ko.
*Unregistered Number calling*
Ehh? Sino naman to?
"Lulu. May tumatawag. Unregistered." paalam ko sakanya.
"Osige. I-loudspeaker mo. Para marinig ko."
tumango ako at sinagot na ang tawag ng nakaloudspeaker.
"Hello?"
["Diandra."]
Boses ng lalaki. Dont tell me si ano to?
tumingin ako kay Lulu. Tumango lang siya na parang sinasabing ituloy ko lang pakikipagusap sa lalaki.
"Uhm. Sino to?"
["Ang bilis mo naman atang nalimutan ang boses ko. Miss na miss na kita Diandra. Sobrang saya ko na di ka nagpalit ng number at nacontact ulit kita"]
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs TRILOGY
Teen FictionSi Diandra ay isa lamang dakilang scholar sa EXO University. Paano kung nakaaway niya ang mayari ng EXO at tinakot siya na tatanggalin ang scholarship niya kung hindi siya papayag sa isang kasunduan. Paano naman kung nagka-ibigan sila pero sa kasa...