BK2 Chapter 9: Ayoko siyang makita
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Diandra's POV
Ang tagal naman ata ni Aling Elsa.
medyo nabobored na ako sa kakahintay sakanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilip sa bintana ng kwarto ko.
Maririnig mo ang lakas ng alon at malakas na hangin. Ang sarap ng simoy ng hangin.
Napagawi ako sa bandang party area. Dahil nga mataas ang kwarto ko. Marami akong natatanaw dito. Maliwanag na doon at siguradong maraming guests na ang naghihintay.
*Knock Knock*
"Pasok!" sigaw ko. Ayan na ata si Manang Elsa
unti unting bumukas ang pintuan, "Señorita Diandra, pinapatawag daw ho ninyo ako?" sabi ni Manang Elsa.
"Ah. Oo, Eto manang! Pasara naman ng zipper ko sa likod. Hindi ko abot eh." sabi ko habang tinuturo sakanya yung likod ko
"Yun lang naman pala señorita eh. Sige po." lumapit naman siya at sinara na ang zipper.
"Thanks Manang :)"
"Wala pong anu man, Ma'am"
Sabay na kaming bumaba at nagpasundo sa chauffeur.
---------
Wow.
Yun lang ang masasabi ko sa engrande ng party ko ngayon. Paranh ipapakilala lang naman ako. Kailangan pa ba talagang ganto kabongga?
"Opo, Señorito Kristian. Nandito na si Señorita Diandra." rinig kong bulong ni Manang Elsa sa cellphone nya. Sus. Bumulong pa, Maririnig ko rin naman.
Pagkatapos nya sabihin yun, Nilingon nya ako at nagulat, "Ayy, Nahuli ata ako."
"Yep! Huling huli na kita manang! Sinabi mo kay Kris na nandito na ako." panttrip ko sakanya
"Yun lang narinig nyo señorita?" tanong niya
Ah. So may iba pa pala silang pinagusapan. Sa sobrang amaze ko sa lugar hindi ko na narinig yung pinagusapan nila,
Pero dahil nga pinagt-tripan ko si Manang Elsa," Hindi lang yun! Buking na kayo!"
"HARAJUSKO PO! Shhh lang po kayo. Kunwari hindi niyo alam ang sorpresa nila sayo señorita!!!!!!! Baka masisante ho ako nitoo :((( Sorry pooooooooo!!!"
"Oo na manang Elsa. Ji-nojoke lang naman kita eh."
"Hayy sige po. Pasok na ho kayo,"
Pagkapasok na pagkapasok ko. Biglang namatay ang ilaw. Napasigaw ako iba sa gulat at kaba. "What is happening?" bulong ko sa sarili ko. Nawala ang kaba nila nang mabuksan na ang spot light. At tinapat iyon saakin.
Nagulat ako. At kahit madilim. Nakikita ko yung mga taong diretso ang tingin sa akin. Ikaw ba naman tapatan ng spotlight.
Biglang may nagsalita sa speaker.
Si Papa. "Ladies and Gentlemen, May I present to you, Diandra Dizon, or shall I say, Kassandra Villacorta. Please come onstage."
KASSANDRA VILLACORTA??
Alam kong binago nila ang apelydo ko. Pero pati pala pangalan ko, binago nila? Iam now a truly completely different person.
Nagising ako sa katotohan, nang lumiwag na ang buong party. Nasa stage si Papa at nakatayo habang hawak ang microphone. Katabi niya si Kris at nasa stairs ng stage naghihintay si Luhan.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs TRILOGY
Teen FictionSi Diandra ay isa lamang dakilang scholar sa EXO University. Paano kung nakaaway niya ang mayari ng EXO at tinakot siya na tatanggalin ang scholarship niya kung hindi siya papayag sa isang kasunduan. Paano naman kung nagka-ibigan sila pero sa kasa...