Kakagising lang ni Hazel, di niya namalayan na nakatulog na pala siya kakaiyak..
Pumasok na naman sa isip niya ang lahat ng nangyari kagabi. Iniisip niya na sana masamang panaginip lang ang mga nangyari kagabi, pero totoo ang lahat.. Lahat-lahat. Ang masamang alaala na akala niyang pinakamagandang gabi ng buhay niya..
Halos di makatayo siya makatayo mula sa pagkahiga, Hinang-hina ang tuhod niya pero kelangan niyang bumangon. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan ng nobyo.
Kasabay ng pagbukas ng shower niya ay pagtulo ng luha sa kanyang mata. Napaupo na lang siya, niyakap ang tuhod.. Hinayaang bukas ang shower.. at doon sa loob ng banyo nilabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.
*Flashback
Gandang-ganda si Hazel sa sarili habang nakatingin sa salamin ng sasakyan.
Bumagay sa kanya ang pulang dress na pinadala ni Louie kanina sa kanyang opisina, ito ang gusto isuot ni Louie para sa kanilang anniversary Celebration..
"Ma'am andito na po tayo." Sabi ng Driver.
"Salamat Mang Ben." Wika ni Hazel.
Nagsalamin muna at nag-ayos muna siya bumaba, sinuguro niyang maganda siya pag nakita siya ni Louie..
Pagkababa ng sasakyan, namangha siya sa paligid.. Nasa mataas silang lugar, kitang-kita nila ang kabuoan ng Maynila.. Malamig ang simoy ng hangin. The place was so romantic. Tahimik. Walang masyadong tao, bihirang dumaan ang mga sasakyan. Napaka-private kung titignan. Lugar na gustong-gusto niya..
Habang binabaybay niya papasok sa Restaurant, alam na niyang pina-private ng nobyo ang buong resto. Napaka-romatic ang mga nagaganap. Ang akala niya''y sa mga movie na napapanood lang ito nangyayari.
Natanaw niya mula sa malayo ang nobyo. Kitang-kita mula sa malayo ang kakisigan nito lalo na sa suot nitong puting amerikana. Tinitigan niya ng buon ang nobyo.
Ang ngipin nitong isang linggo yatang ibinabad sa detergents.
Ang dimples nitong lalong nagpa-charm sa nobyo.
Ang ayos ng buhok na parang hindi nagugulo ng hangin.
Ang labi nitong paborito niyang halik-halikan.
Ang braso ng nobyo na pagyakap siya ay alam niyang secure siya sa lahat ng bagay.
At ang pinakapaborito niya dito ay ang mata nitong chinito, na tuwing tinitigan siya ay kinikilig siya.
"He's so perfect for me." Sambit niya sa sarili.
"Do you like the place?" Tanong ni Louie. Habang tulala lang siya sa nobyo. "Babe? Are you ok?"
"huh?" nagulat ang dalaga. "Sorry babe, Ang gwapo mo kasi ee." dutong ng dalaga.
Namula ang pisngi ng binata. "aheheh.. salamat. Siyempre naman, kelangan ee, baka maghanap ka kasi ng iba ee. Anyways, Happy 6th year anniversary babe" sabay abot ng isang Bouquet ng bulaklak.
"Happy Anniversary din Babe." Sagot nito. "I'm so happy, hindi ko inakala na tatagal tayo ng ganito, at hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin."
"Paano mo naman nasabi na mawawala ako sayo? It will not happen. Ikaw lang babaeng mamahalin ko" Sagot ng binata. "Kaya lang bago tayo mag-iyakan dito, kain muna tayo."
Inalalayan pa ni Louie na umupo ito saka tinawag ang waiters.
"You're so pretty tonight. Hindi ko inakala na yung ganitong kagandang babae ay magiging girlfriend ko, at tumagal pa ng anim na taon. Ang hirap kayang manligaw sayo, ang dami kong kaagaw." - Louie
"Maganda talaga ako ee." biro ni Hazel. "hmm.. Naawa kasi ako sayo kaya kita sinagot" sabay tawa ng malakas.
Sa balcony ng Resto..
"Do you like the place?" Tanong ni Louie.
"Sobra! Ang sarap sa pakiramdam, ang tahimik" Nakatitig lang sa buong paligid. She was amazed on the ambiance.
"Sana gan'to na lang lagi, sana ganito na lang kasaya ang bawat araw natin babe." Sabay lingon nito kay Louie.
"Lahat naman gagawin ko babe ee, mapasaya ka lang. Ang tanging gusto ko lang naman ay yung makasama ka lagi. Alam mong hindi kumpleto yung araw ko ng hindi kita nakikita. Ikaw lang yung nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan." Maluha-luhang sambit ni Louie.
"Let me to love you forever. Gusto kitang makasama hanggang kamatayan. Gusto ko ikaw ang maging ina ng mga anak ko." sabay luhod nito sa harap ng dalaga.
"Babe?" pagkagulat ni Hazel. "Ito na ba yun? magpo-propose na ba siya sakin? Ito na nga ba ung araw na pinakahihintay ko?" Sabi ni Hazel sa isip. "Magpropose lang talaga siya sakin, papayag na ako. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na to."
"Huwag mo sana hayaang masira ang gabi na ito babe." sabay labas ng isang maliit na kahon sa bulsa nito. "I want this night to be special for the both of us. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito."
"My Gosh! This is it!" bulong ni Hazel sa sarili.
"Everything that I am doing is for you, only for you." Huminga muna na ng malalim si Louie bago magsalita.
"Will you..."
BOOM!!!!!!
Biglang bagsak ng katawan ni Louie sa sahig.
"Babe?!" Agad na kinuha ang katawan ni Louie. May naramdaman siyang basa sa ulo nito. Dire-diretso ang pag-agos nito.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!"
Isang napakalakas na sigaw ang bumalot sa buong paligid.
(guys? ituloy ko ba yung story?)
BINABASA MO ANG
Babe, Pls wake up
HumorPaano mo itutuloy ang buhay mo, kung ang taong minamahal mo ay ma-comatose? Handa ka bang hintayin siyang magising? Paano kung tumibok ang puso mo sa ibang tao? Anong gagawin mo? handa ka bang iwan ang lahat ng pinagsamahan niyo noon para sa bago mo...