*HAZEL*
"Kamusta ka na babe?" Sabay halik ko sa noo nito.
It's been two weeks after the incident happened.
Lagi ko siyang kinakausap. Nakita ko sa internet na ang mga nasa ganitong kalagayan ay nakakarinig naman, kailangan ay lagi itong kausapin para malaman ng pasyente na may mga tao sa paligid nila na naghihintay sa kanilang paggising.
Naghihintay ako lagi ng response mula sa kanya, kung gagalaw ba yung kamay niya,
didilat ba yung mga mata niya,
o kahit tumulo man lang yung mga luha niya,
kahit ano basta magresponse lang siya masaya na ako.
I'm desperate, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Gusto kong malaman kung handa ba siyang lumaban..
Ang masakit nito, wala, kahit anong senyales na pwedeng magbigay pag-asa sa akin wala..
"Alam mo babe?"
"Nakausap ko si Jen kanina, nabalitaan kasi nila yung nangyari sa'yo...
Actually, pupunta daw sila dito this weekend.. Would that be fun babe? Matagal na rin natin sila di nakikita, yayayain daw niya ang buong tropa!" Habang inaayos ko ung higaan ni Louie.
"So pano ba yan babe?"
"Kailangan mo ng magpagaling agad-agad bago pa sila dumating.. mahirap na, baka sabihin nilang hindi kita inaalagaan ee.." Kasabay na pilit na ngiti..
Pinipilit kong ngumiti.. Sobrang hirap lokohin yung sarili mo na masaya ka kahit hindi.. Mas lalong sumasakit, mas lalong bumibigat sa pakiramdam ang lahat..
"Alam mo bang enggaged na pala sila ni Tristan!"
"Nagpropose na daw si Tan kahapon. Akalain mo? tatagal din pala ng ganon yung relasyon nila.. "
"Kaya kung ako sayo babe, magpagaling ka na...
...baka maunahan pa tayo ng dalawang ikasal."
Kasal?? bakit ang hirap banggitin? ang sakit pakinggan?
Ano na nga ba ginagawa ko ngayon kung hindi nangyari sa kanya to?
Siguro ako na ang pinakamasaya at abalang babae sa mundo. Pinag-iisipan na siguro namin ung date ng kasal namin, naghahanap ng venue o di kaya ay nakikipag-usap na ako sa mga designers na puwedeng gumawa ng wedding gown ko..
Napatingin ako kay Louie, napaka-inosente ng mukha nito.
Wala naman siyang ginagawang masama aa?
wala siyang kaaway?
pero bakit sa kanya pa to nangyari? bakit sa amin??
"Wala ba kaming karapatang maging masaya ni Louie, Diyos ko?" I shouted.
"Wala kaming inaapakan na ibang tao.. May atraso ba kami sayo na hindi namin alam?"
"Paano mo nagawang pahirapan kami ng ganito? bakit sa amin pa? bakit sa kanya pa?!!"
Napatigil ako ng unti-unting gumagalaw si Louie.. lumakas ng lumakas ang kanyang paggalaw,
nanginginig na ang kanyang buong katawan..
"Babe?! Louie?!"
"DOC!!"
"Nurse!!"
"Help!!"
"Help!"
"Babe Calm down.. Please fight for us.. I need you Louie.. I really need you.." Pilit niyang pinapakalma si Louie
Pumasok ang doktor at mga nurse. Inasikaso ang pasyente at pinakalma.
Naging maayos na ang lahat.
"Miss ano bang nangyari?" tanong ng doktor. Pagkatapos pakalmahin si Louie.
"Hindi ko alam, basta ang alam ko, umiiyak ako, nag.. My gosh!!" Sabay takip ng kamay sa bibig ko..
Kasalanan ko ang lahat.. Sinisisi ko ang Diyos sa mga nangyari..
"Ms. Buado, sa susunod po, maging aware po tayo sa mga sinasabi natin." Sabi ng doktor, marahil ay naintindihan na niya ang nangyari.
"Naririnig tayo ng pasyente...
...ang tanging kailangan natin ay ang maging masaya sa harap niya,
alam kong mahirap pero kailangan natin gawin para sa kanya.."
Iniwanan ko na ang doktor. Alam kong kasalanan ko ang lahat..
Gusto kong humingi ng tawad..
Kay Louie..
lalong-lalo na sa Diyos..
Dumiresto ako sa kwarto ni Louie...
"Babe? I'm so sorry.. Di ko sinasadya..
Sorry.. I'll Promise na magiging matatag na ako.. para sa'yo..
Just promise me one thing, na di mo ako iiwan...
...na lalaban ka para sa atin.."
Napatingala ako. Naalaala ko na hindi pa ako humihingi ng tawad sa Diyos.
"Diyos ko.. patawad po.. patawad.. alam kong mali ako.. hindi kita dapat sisihin sa mga nangyari.."
Lumapit ako sa mukha ni Louie, Hinalikan ko yung noo. niya.. "Im sorry babe."
( I hope na ok siya senyu.. napepressure ako honestly)
BINABASA MO ANG
Babe, Pls wake up
HumorPaano mo itutuloy ang buhay mo, kung ang taong minamahal mo ay ma-comatose? Handa ka bang hintayin siyang magising? Paano kung tumibok ang puso mo sa ibang tao? Anong gagawin mo? handa ka bang iwan ang lahat ng pinagsamahan niyo noon para sa bago mo...