Kabanata 13: How??

49 2 0
                                    

*Hazel Pov*

Nagising ako sa ingay mula sa itaas, hindi ko alam pero parang nagkakagulo...

Alas dose na pala ng umaga, di ko namalayan ang oras.. hindi na ako nakasunod sa kanila.

Narinig ko muli ang ingay sa taas.. so I decided na puntahan sila.

"Yuck! Antoine!" Sigaw ni Shiela.. habang takip ng kamay niya ang bibig..

Kaya naman pala nagkakagulo, tinamaan na ang lintik.. nalasing si Anton. Ito pa naman ang pinaka-ayaw niya sa ugali ni Antoine.. Masyadong mahina sa inuman talo pa ng mga babae..

And the worst is nagdadrama siya.. Bigla niyang nasasabi ang lahat ng tinatago niya, pati ang mga bagay na hindi namin alam at hindi dapat malaman ay nasasambit..

Sinubukan ni Tristan itayo si Anton, but he Failed.. Nahihilo na rin siguro sa pagkakainom..

Napakamot na lang ako, wala akong Choice. Ako lang ang hindi nakainom.

Napilitan akong lumapit sa kanila ng may maapakan ako..

"Arrrgh!" I scream.. Bakit ba hindi ko tinitingnan yung dinadaanan ko? May naapakan tuloy akong hindi kanais-nais na mula sa tiyan ni Antoine.

"Ano ba namam yan?!! Kung hindi na kaya, tumigil na!" Sigaw ko kay Antoine.

But still kelangan ko siyang tulungan.. I grab his One arm at inakbay ko sakin. "Shit! ang bigat mo Hito!"

Nagkanya ng ayos ng sarili ang tropa ko.. yung totoo?? ako lang mag-isa bubuhat sa kanya??

"Toni!! Manang!" hindi ko kayang buhatin siya mag-isa, baka itulak ko lang 'to sa hagdan.

Nahihiya man akong istorbohin ang tulog nila pero wala akong magagawa. I need their help.

Agad naman dumating si Toni at tinulungan akong bumaba. Hindi madali magbuhat lalo na yung may kadiri sa paanan mo..

Nilapag namin sa higaan si Antoine.

"Sige na Toni, ako na bahala sa mokong na 'to. Magpahinga ka na bukas na lang ligpitin yung kalat sa taas." Utos ko kay Toni.

"Sigurado po ba kayo?" tanong naman nito.

"Sige na, kaya ko na 'to."

Hindi na siya sumagot at agad umalis.

Tumungo muna ako sa banyo para hugasan yung paa ko nasawsaw sa suka.

"Hazel, mahal na mahal kita.." I heard from Antoine..

Hindi ko alam mararamdaman ko, masarap pakinggan na may magsabi na mahal ka..

pero hindi puwede...

Umupo ako sa kama na hinihigaan niya and started to stare him.

Napakabait niyang kaibigan sakin para saktan ko siya ng ganto.

Ilang taon na ang lumipas but he never gave up.

"Sana nga Antoine, ganon lang kadali..

pero hindi ee..

ayokong masaktan ka.

but Ayokong iwan si Louie...

Sana hindi na lang ako,

sana iba na lang." My tears started to fall.

"Alam kong nasasaktan ka, and hindi ko alam kung pano kita tutulungan." Hindi ko alam kung naririnig niya ako basta ang alam ko ay masabi ko 'to sa kanya.

"Hazel, mahal kita, sana ako na lang." He uttered again.

Mas lalong kumirot ung dibdib ko. Habang buhay na lang ba siya maghihintay, magtitiis..

Iniwan ko na siya at nagpunta na ako sa kwarto.

Hindi pa rin ako makatulog. 2:30AM na. Hindi ko alam kung dahil nakatulog ako kanina o dahil iniisip ko si Antoine.

This my 2nd night staying here pero hindi namin napag-usapan ang mga bagay na yun.

bukas na ang uwi namin, magkikita pa ba kami after this? anong mga susunod na pwedeng mangyari??

Sana lang, pwede malaman ang bukas para mapaghandaan..

(sorry for late update...)

(Ano kayang susunod na mangyayari??)

Babe, Pls wake upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon