Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa balat ko. Sa isang kwarto na ng resort ako nagising, marahil ay binuhat na niya ako papunta dito..
Alas-Nuebe na pala ng umaga.. Shit! may pasok pa ako.. Agad kong inayos ang sarili ko, aalis na ako.. Hindi ako nakapag-paalam sa boss ko, at marami pa akong dapat gawin.. Walang magagawa si Anton.. Besides, hindi pa ako ready makipag-usap sa kanya...
After kong mag-ayos bumaba na ako.. Kabisado ko pa rin ang pasikot-sikot sa lugar na ito kahit na may mga ilang nabago..
"Gising na po pala kayo ma'am." Bati sa 'kin ni Manang na abalang naglilinis ng sala.. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir.."
"Nasaan siya?" Sabay ngiti ko dito.
Ngumiti din naman siya.. "Andoon po siya sa Balcony."
Pinuntahan ko siya agad, naabutan ko naman itong nagbabasa ng Diyaryo..
Mula sa malayo, Hindi ko maiwasan na hindi siya titigan.. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya..
I keep on wondering.. Siya ba talaga 'to? He looks different from the last time I saw him.
Nakasando lang siya, mas lumitaw ang pagkakisig nito.. Maputi.. I don't know what to say.. but as far as i know, mas gwapo siya ngayon..
"Oh, nakatitig ka na naman sakin, nagagwapuhan ka sa sa 'kin no?" Biro nito, ng mapansin ako. Sabay ngiting pilyo ang binungad nito..
Agad kong napansin ang ngipin nito, pantay-pantay, maputi.., Bigla ko tuloy naalala si Louie..
Lumapit ako sa may kinauupuan niya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, I need to go now." seryosong pagkakasabi ko, sabay taas pa ng kilay para mas maniwala siya..
Agad naman itong tumayo at lumapit patungo sa akin.. nakatitig sa mata ko, He comes closer and closer nearer to my face..Seryoso ang mga mukha..
"No." Sabay alis palayo sa akin..
I feel so irritated.. Hindi na ako natutuwa.. Kailangan ko ng umalis..
"WALA KANG MAGAGAWA AALIS AKO MAG-ISA" Sigaw ko sa kanya..
He chuckled.. "Kung kaya mo.. "
Agad akong umakyat sa kwarto na kung saan ako nagising, hinahanap ko yung bag ko, kung saan nakalagay..
"Saan ba niya nilagay yun? Arrrgh!!!" Padabog na sabi ko.. Agad akong bumaba para tanungin si Manang kung alam niya kung nasaan ang bag ko..
"Maam yun po bang kulay brown na shoulder bag?" Paniniguro ni Manang..
"Opo, yun nga po manang.. Saan niyo po nakita?"
"Aa ee nakita ko pong hawak ni Sir kanina.."
"Arrrgh!!! Antoooon!!!" Bumalot sa buong bahay ang sigaw ko. Napipikon na talaga ako sa nangyayari. Kailangan kong pumasok sa trabaho, and kailangan ko puntahan si Louie..
Agad kong pinuntahan ang loko kung saan siya naroon.. "Humanda ka sa akin.. Makakatikim kang hito ka.." Pabulong kong sabi.
"hmm.. sige po, Mr. Torralba.. Salamat po sa pag-unawa.." Sabay tawa ng malakas ni Anton habang may kausap sa Cellphone ko..
"Anong ginawa mo?? Sinong kausap mo sa Cellphone ko??" Alam ko na kung sino ang kinausap niya, gusto ko lang talagang marinig sa mismong bibig niya..
"aa yun ba?" Sabay ngisi. "Si Mr. Torralba, pinagpaalam lang kita na hindi ka makakapasok ng 3 araw.." at kinidatan pa ako ng loko.
"Ano?! Bakit mo ginawa yun? HIndi ako pwede mawala sa Opisina!! Marami akong trabaho.." Paliwanag ko dito.
I'm trying to calm myself baka sa ganitong paraan maawa siya sakin. "Sana naman naiintindihan mo ako."
He smiled. Mukhang napapayag ko na.
"Well, napagpaalam na kita.. and pumayag naman siya.." Magaling talaga sa ganitong paraan si Anton, naalala ko noon na tuwing may lakad kaming mangto-tropa ay siya ang madalas na magpaalam sa mga magulang namin at napapayag naman niya.
"Sayang din naman kung papasok ka pa, I suggest you should stay here and relax yourself." Dugtong. Hinimas pa ang balikat ko saka umalis ulit.
"Saan ka pupunta? Wag mo nga akong talikuran pag kinakausap kita." I shouted. Hindi umubra ang paawa effect.
Tumigil naman ito at humarap sa akin. Seryoso ang mukha..
Nakipagtitigan ako sa kanya. Titig na nagpapakitang galit na ako..
Seryoso naman ang mga mata niya.. "Bleh!" Sabay dila at takbo palayo..
Hindi ko na siyang nagawang habulin..
"ganon pala ha? Kung pakikipaglaro ang hanap mo, bibigyan kita ng laro na siguradong ikaw din ang talo sa huli.." Sa tingin ko, wala na rin naman akong magagawa.. Hindi na siya tulad ng dati na handang sumunod sa lahat ng sasabihin ko.. Napangiti na lang ako.. Ito lang yung way na magagawa ko para makaganti sa kanya..
Agad akong bumalik sa kwarto.. and start thinking ng plano na puwede kong gawin againts him...
(ano kayang plano ni Hazel?)
BINABASA MO ANG
Babe, Pls wake up
HumorPaano mo itutuloy ang buhay mo, kung ang taong minamahal mo ay ma-comatose? Handa ka bang hintayin siyang magising? Paano kung tumibok ang puso mo sa ibang tao? Anong gagawin mo? handa ka bang iwan ang lahat ng pinagsamahan niyo noon para sa bago mo...