Kabanata 4

151 5 2
                                    

"Hazzzeeeeeeeel!!" Sigaw ni Jen ng makita niya ako. "Bhe?? kamusta ka na? I miss you girl.." Sabay Yakap ng mahigpit.

I smile, para ipakita na ok lang ako, na kinakaya ko pa ang sitwasyon ko ngayon.

"Nasaan si Tristan??" Tanong ko.

"aa, sinundo sila Shiela, kilala mo naman sila bhe.. Anyways? san yung kwarto ni Louie??"

"Nasa 4th flr. Tara na, wala siyang kasama doon ee." Nanguna na ako naglakad.

Sa room ni Louie...

"babe?? andito na si Jen oh, papunta na rin ung ibang tropa.. Di ka ba masaya?? Nagkita-kita ulit din tayo." Di na nawala sa akin ang kausapin lagi si Louie, hindi pa rin ako sumusuko. Alam kong nakikinig siya sa akin.

"Louie?? Si Jen 'to.. Musta ka na?? Ay naku gumising ka na jan, kelangan mo masaksihan yung kasal namin ni Tristan. " Buong pagmamalaki niyang sinabi, At tipong pinapakita pa nito ung Engagement Ring nila.

Tumahimik ako, ayokong pag-usapan ang kasal, mas lalo lang akong nasasaktan.

Ngunit paano?? Masaya si Jen, alam kong proud siya... Gusto niyang ipagmalaki na ikakasal na siya. Hindi ko puwedeng ipilit sa kanya na maging malungkot din siya..

Kailangan kong tiisin ang lahat, kung kailangan kong magtiis hanggang sa matapos ang araw na to.. gagawin ko, para sa kaibigan ko.

"Bhe?? ok ka lang?" tanong nito. Tila napansin niya yatang bigla akong natahimik.

"huh?? oo naman.." Biglang sagot ko.

"Masaya lang ako para sa'yo.. para senyo.. Iniisip ko lang yung araw ng kasal niyo.. Siguro ikaw ang pinaka-maganda at pinakamasaya sa araw na yun." Pagpapatuloy ko.

Maluha-luha akong niyakap ni Jen. "Salamat Bhe, Kaibigan talaga kita."

"Ano ng balak niyo sa kasal niyo?? anong petsa niyo gusto?" Kailangan kong sanayin yung sarili ko, siguro nga hindi ko pa panahon para ikasal. Hindi man sa madaling panahon, pero alam kong dadating din ang panahon na 'yon. Ang araw ng kasal namin ni Louie, at handa akong hintayin ang araw na yun.

"Actually bhe, wala pa kaming naiisip na date, but most probably bago matapos ang taon..

hmm.. I'm so excited na nga ee.. ang bilis ng panahon, parang kelan lang ng college pa tayo.. Tapos ikakasal na ako" Sabay ngiti nito. "Di ko maisip na sa kanya pala ako ikakasal.. Kayo hazel? six years na rin kayo ni Louie.. Kelan kayo magpapakasal?"

"huh?" Nagulat ako sa tanong niya, di ko alam kung ano ang isasagot ko.. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? bahala na, ayokong magsinungaling sa kanila.

"hmm.. actually.." bago pa ako makasagot ng magring ang phone ni Jen.

"Excuse bhe aa.. si Tristan tumatawag" Pagpapaalam nito.

Nakahinga ako ng maluwag, siguro nga hindi pa panahon para sabihin ko ang totoo na nagpro-pose na sa akin si Louie..

"Anjan na daw sila sa baba.. Sunduin ko lang sila.. Ok ka lang jan??"

"Aa.. OO naman, sige na puntahan mo na sila.."

Naiwan ako mag-isang nakatitig kay Louie, nanumbalik sa isip ko yung mga sinabi ni Jen. Kitang-kita sa mata niya ang kasiyahan.. Nakaramdam ako ng inggit. Gusto ko din maranasan kung gaano kasaya ang ikasal.

Di ko namalayan, ang unti-unting pagpatak ng luha ko.. Natawa na lang ako sa sarili ko.. Ganito na lang ba lagi? Kailangan kong iyakan ang mga bagay na 'to?

*Knock *Knock

Agad akong nagpunas ng luha at nag-ayos ng sarili bago ko sila pinagbuksan ng pinto.. Ayoko makita nila na masyadong nasasaktan..

Muli kong nakita ang tropa, pansamantalang nakalimutan ko ang lungkot..

Nabalot ng tawanan ang buong kwarto.. Pinagmamasdan ko sila.. Lahat sila nakatawa..

Ako lang yata ang hindi makatawa.. hanggang pilit na ngiti lang kaya kong ibigay.. Wala naman pumapansin sa emosyon ko, marahil ay naiintidihan nila ako..

Nakakatuwang sa tagal naming di nakumpleto ay ganoon pa rin ang samahan namin..

Kinakausap nila si Louie, Kinakausap na parang sumasagot ito at nagsasalita..

Magkukwento ang isa, sabay tawa ang lahat..

Alam kong masaya si Louie ngayon, at maganda ang puwedeng mangyari sa kanya nito..

"Alam mo ba Louie si Ben...!" di pa tapos ang kuwento ay tatawa na ang lahat..

"Oy Louie! magpagaling ka na!! bahala ka jan.. Naghihintay lang si Anton!!" Sabay sigaw ni Shiela.

Napatahimik ang lahat.. Marahil ay kung bakit napasok si Anton sa usapan.. Nagkatinginan.

Nang marealize siguro ni Shiela ang sinabi niya, bigla itong nagsorry.

"Guys?? It's too late, una na kami ni Jen.." pagputol ni Tristan.

"Ay oo nga pala." Sabay tingin sa relo ni Sarah. "Una na rin ako."

Hanggang sa magkayayaan nga ang lahat..

"Hazel, una na kami aa.. " Paalam ni Nicole..

"Aa sige, ingat kayo." Sagot ko.

"Ok ka lang dito, mag-isa?" tanong ni Tristan.

"Oo naman, hehe. "

"Ok, basta kung may kelangan ka, sabihin mo sa amin aa.. andito lang kami.." -Jen

"Sige, kaya ko pa naman"

Napatingin ako kay Shiela, marahil nahihiya siguro sa sinabi niya kanina.. Binigyan ko siya ng Ngiti at nag-thank you..

Alas otso na pala ng gabi, di ko na namalayan ang oras.. nakaramdam ako ng gutom..

"Babe, dito ka lang aa,, hintayin mo ako, kakain lang ako" Sabay halik ko sa noo nito.

Habang pababa ako ng elevator. Bigla kong naalala yung taong binanggit ni Shiela kanina.

Si Anton.

Asan nga kaya siya? Bakit wala siya kanina? Ano na nga kayang balita sa kanya? Matagal-tagal na rin ung panahon na huli kaming nagkita..

Hindi mawala sa isip kong magtanong, naging mabuti din kaming magkaibigan ni Anton.. Siya yung lagi kong kasama nung college kami..

Sa pagkakatanda ko, huli kong nakita si Anton nung araw ma sinagot ko si Louie..

Hindi na siya nagpakita sa akin. Pinilit kong tanungin ang tropa tungkot sa kanya, ngunit walang may balak mag sabi sa akin totoo..

Hindi ko na pinilit yung sarili ko sa paghahanap sa kanya, kung ayaw na niya akong makita.. wala akong magagawa..

Natapos akong kumain, na siya pa rin yung iniisip ko..

(sino nga kaya si Anton? anong kinalaman niya sa buhay nila Hazel?? Abangan..)

Babe, Pls wake upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon