"WOW! San galing lahat 'to?" Pagkamangha ni Jen pagpasok sa Opisina ni Hazel.
Pinapunta talaga ni Hazel si Jen sa opisina niya para ipakita ang mga ito at tanungin kung may alam siya dito. If ever, Si Anton nga ba talaga nagpadala ng lahat ng ito.
"Yan ang dahilan kung bakit kita pinapupunta dito, may alam ka ba sa mga yan?" diretsahang tanong ni Hazel sa kanya.
"Huh?? Bakit ako?" Takang-taka. "Wala akong alam diyan. bakit?" Saka umupo sa harap ni Hazel.
She stared to Jen. Gusto niyang malaman kung nagsasabi nga ng totoo ito.
"Well, kung iniisip mong may kinalaman ako diyan. Uulitin ko. WALA AKONG ALAM." She emphasized her last words. Nainis marahil ito sa pagtitig sa kanya ni Hazel.
"Uh I'm sorry, di ko lang alam kasi kung sino tatanungin ko." Paliwanag nito.
"It's ok, ano ba kasing problema? You can tell me. We've been friend for a long time." Trying to know what's bothering to Hazel.
"Wala, nagtataka lang ako. Everyday kasi may nagpapadala sa akin ng bulaklak."
"Eh sino naman magpapadala sa'yo ng bulaklak?" Tanong nito. "Hindi ba niya alam na may nobyo ka na?"
Hindi makasagot si Hazel, Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang hinala.
"C'mon Hazel! What's bothering you? Sino ba nagpadala ng mga ito sa'yo?"
Ayaw sagutin ni Hazel ang tanong, bagkus binigay niya ang note na kasama ng mga bulaklak.
WE WILL MEET AGAIN SOON.. :)
I LOVE YOU
-ALL
Napatingin na lang si Jen sa kanya. Marahil iisa lang ang naiisip nilang may kakagawan nito.
"Hazel..??" Mahinang sabi nito.
Napatango na lang ang dalaga.
"But why?? After all this years? Ang tagal niyang hindi nagparamdam." Pagtataka ni Jen. "Bhe? What if magpakita nga siya, Ready ka ba makita ulit siya?"
"Hindi ko alam bhe.." Sagot ni Hazel. "Alam kong walang mali kung magkita man kami ulit. Magkaibigan rin naman kami pero hindi ko alam, parang may mali... Alam mo yun? Gusto ko siyang makita but my side ng utak ko na hindi puwede.."
Napahinga ng malalim si Jen, marahil naguguluhan din. "I want to give an advice, pero hindi ko alam kung ano sasabihin ko.. Basta tandaan mo, andito lang kami.. Whatever decision na gagawin mo, susuportahan ka namin.." Sabay lapit sa dalaga at yakap ng mahigpit..
**Hazel Pov**
Ilang oras ang nakakalipas ng nakaalis si Jen, pero hindi mawala sa isip ko ang mga pinagusapan namin kanina. Am I ready to face him? Huminga ako ng malalim..
"Kaya mo 'to Hazel."
I fixed myself, pupuntahan ko pa si Louie sa Hospital. Everyday ko siyang dinadalaw after work.. Tinitiis ko ang pagod para sa kanya, pero may kasalanan ako. Hindi ko sinasabi ang sitwasyon ko, na may nagpapadala sa akin ng bulaklak.. Ayaw kong magtago sa kanya, pero natatakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari dati. Lalo pang pag nalaman niyang si Anton ang nagpapadala.
Ayokong isugal ang buhay niya. Sasabihin ko din naman sa kanya but not now, siguro pag magaling na siya.
Wala akong sundo. So I decided na magtaxi na lang.
"Kuya sa Medical City po sa Ortigas." Sabi ko sa Driver.
"Sige po ma'am." Sagot naman nito ng maayos.
Tanaw ko yung mata niya mula sa salamin ng sasakyan na nasa harap nya, halatang hindi pa siya ganoon katanda.. Mga kasing edad ko lang din siguro.. Pansin ko din ang pagiging matipuno nito.. Mukha namang walang gagawin na masama. So I decided to take a nap..
"OH MY GOSH!" I shouted. "San mo ko dadalhin?" Napansin kong nasa ibang lugar na ako. "Sino ka ba?! Ano bang kelangan mo?! Hindi ako mayaman!!" I started to panic. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Ano ba?!"
Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang pilyong ngiti nito. Wala lang sa kanya ang pagkatakot ko.
"Ano ba?? Wala kang makukuha sakin!! Hindi ako mayaman!!" I feel so helpless, Pinagpapawisan na ako sa kaba but I need to defend myself. I closed my palm, wala pa akong nasusuntok kahit sino, but I need to do this.. bahala na.
I gave him my best punch ever, pero ako ang nasaktan.
Hindi ko siya tinigilan ng suntok..
"Ano ba!? Pababain mo ako! Itigil mo 'tong sasakyan!" Sigaw ko habang pinagsusuntok ko ang balikat niya.
Tinigil niya ang sasakyan sa tabi..
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Nagawa niyang hawakan ang dalawa kong kamay ng iisang palad lang.
"Ano ba?! wag kang magulo.. Mababangga tayo!" Sagot nito sa akin.. Mas lalo akong kinabahan ng makita ang mata..
Pilit pa rin akong nagpumiglas. "Wala akong pakielam!! basta ibaba mo ako!!" Pagpipilit ko habang pilit na pinapakawala yung kamay ko..
Ngumisi lang ang loko. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan Panga??" sabay sabi nito.
Napatigil ako, natulala..
"Anton?" I shocked. Alam kong siya nga ito, siya lang ang tumatawag sa akin ng ganon..
Ngumiti lang ito saka ako binitawan at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Napasandal na lang ako sa upuan. There has a moment of silence. Marahil, naghihintayan kung sino ang unang magsasalita samin.
Hindi ko alam gagawin ko. Gusto ko siyang kausapin, kamustahin.. Marami akong gustong itanong sa kanya kaya lang hindi ko alam kung paano maguumpisa..
I closed my eyes and sighed..
Alam kong wala akong dapat ika-worried, after all these years, may tiwala pa rin naman ako sa kanya.. Wala siyang gagawing masama sa akin..
Sumilip ako sa bintana ng sasakyan, tinignan ko yung lugar.. It's look familiar, parang alam ko na kung saan ako dadalhin nito, sa private resort nila sa Tagaytay..
Doon kasi madalas pumunta ng tropa noon..
Pasimple ko siyang tiningnan, He looks different.. Parang hindi siya yung Anton na kakilala ko noon.. Matipuno na ang katawan nito, samantalang chubby ito noon.. Gayundin ang pagkinis ng mukha niya, naaalala pa niya kung paano ko siya tawanan tuwing magkakaroon ito ng pimples...
"Anong tinitingin mo diyan?" Pabirong sabi nito. Napansin yatang tinitigan ko siya. "Namiss mo ako no?" Sabay tawa ng malakas..
Napahiya ako sa sinabi niya, bakit ko nga ba siya tinititigan.. I gave him a gesture ng pagkainis, yun lang ang way ko para makaiwas..
Ngumisi naman ang loko.. "Don't worry, namiss din kita.."
Wala ako sa mood makisabay ng lokohan sa kanya, naiinis ako at the same time kinakabahan kung ano ang mga puwedeng mangyari..
"Medyo malayo pa tayo, traffic kasi. Alam kong pagod ka.. Matulog ka muna jan.." Sabi ni Anton nang napansin na pupungay-pungay ang mata ko..
Well, inaantok talaga ako.. Kulang na kulang ako sa tulog lately, sobrang dami kasi ng trabahong naiwan ko, so kailangan kong maghabol ng gawain.. Isabay pa yung pagbabantay ko sa Hospital...
(To be Continue... )
SORRY PO for the late update.. busy lang po.. Enjoy reading..
BINABASA MO ANG
Babe, Pls wake up
HumorPaano mo itutuloy ang buhay mo, kung ang taong minamahal mo ay ma-comatose? Handa ka bang hintayin siyang magising? Paano kung tumibok ang puso mo sa ibang tao? Anong gagawin mo? handa ka bang iwan ang lahat ng pinagsamahan niyo noon para sa bago mo...